Chapter 1
F E L I XKakatapos lang ng aming second period at recess na namin. Hindi ako bumibili sa canteen dahil masyadong mahal ang tinda doon. Kaya bago ako pumapasok sa school ay nagluluto ako ng ibabaon ko pang lunch at pang recess.
Kinuha ko na ang aking ginawang ham sandwich at kinain ito, napansin ko na hindi pala bumaba si Yohan at nakikipag kuwentuhan lang sa mga kabarkada nya.
Heto, hanggang tingin nanaman ako sa kanya, naguusap naman kami kaso minsan small talk lang okaya kapag related sa mga school works. Gusto ko syang makilala ng lubusan kaso natatakot ako na pag nalaman nya na may gusto ako sa kanya ay layuan at pandirihan nya ako.
"HOY!" Bulyaw ni Seph sa aking tainga na ikinagulat ko, muntikan pa akong mabaliukan. "Nakatitig ka nanaman sa kanya nako baka matunaw 'yan sige ka."
Sya lang nakakaalam ng lihim kong pagtingin kay Yohan at tinanggap kung sino ako na walang bahid na panghuhusga.
"Sira ulo ka talaga eh noh muntikan na akong mabaliukan nang dahil sayo." Reklamo ko naman at tinawanan lang nya ako bilang sagot.
"Alam mo sa totoo lang guwapo ka naman, matalino, kilala sa school. Kayang-kaya mo yan si Yohan. Walang pipigil kasi wala namang makakapantay sayo."
"Paano kung pandirian nya ako?" tanong ko naman "Paano kung hindi pala sya gano'n?"
"Feeling ko, hindi magiging problema 'yan. Minsan napapansin ko na intiresado din sya sayo kaso parang hindi nya alam ang ikikilos sa harap mo."
"Talaga ba?"
"Oo, Felix Delos Reyes ka kasi, isa sa mga Twelve Thrones kaya sya ganyan."
"Lalo mo lang akong pinapaasw eh," dismayado kong sagot.
Biglang may iniluwa ang pintuan papsok sa classroom at lumapit ito kay Yohan, si Eric.
"Kumain ka na ba?" Tanong nito sa kanya.
Umiling si Yohan bilang sagot kaya ibingay nya ang hawak-hawak nyang pagkain, ngumiti naman ito at nagpasalamat.
Nairita ako bigla sa nakita ko, parang iba talaga ang tingin ni Yohan kay Eric. Hindi ko rin maintindihan kung hanggang kaibigan lang ba talaga sila o higit na pala doon.
Oo na, nagseselos ako kay Eric. Sa totoo lang, bukod sa sobrang dikit nya kay Yohan ay kasama din sya sa Twelve Thrones as The Charismatic King.
Lalo tuloy akong na insecure, hindi pa ba sapat ang looks ko kaya hindi ko rin na sungkit ang titolo na 'yan?
Nakakapangigil...!
Ang Twelve Thrones ay binubuo ng mga estudyante mula Junior High to College. They are twelve students who are well known to be talented, gifted, considered as the greatest and elite students to exist in Southern Jötunheimr University.
They were crowned sa kung saan sila nag iistandout. Sa totoo lang parang syang organization of rich, famous and gifted people.
"Hoy kalma lang mapipisat na yang sandwich na kinakain mo oh," tinapik ako ni Seph.
Napansin ko na lang sa aking kamay na napisat ko na pala ang kinakain kong sandwich nang hindi ko na mamalayan.
"Nagseselos ka noh?" napatangin ako sa kanya ng dismayado ang muka.
"Kailangan mo pabang ipamuka sa akin yan ha?" Umilng-iling ito at ipinagpatuloy na lang namin ang pagkain.
Maya-maya na lang ay tumunog na ang bell at naghanda na ang buong klase para sa susunod na subject, Physics.
Hindi rin naman nag tagal at pumasok na si Ma'am Aimee para simulan ang klase. Bumungad agad sa amin ang mga Laws sa Physics at mukang magiging mahaba-haba ang discussion ni Ma'am.
Lalo na't dalwang oras ang kanyang subject...
Sa kalagitnaan ng diskusyon hindi ko maiwasan mapatingin sa kung saan nakaupo si Yohan habang nagsusulat. Asa first row ito malapit sa bintana.
Kahit anong gawin ko, hindi ko mapigilang mapatingin sa kanya. Yohan naman kasi, kung pumapatol kalang sana sa mga kagaya ko o kaya kahit tanggapin mo na ako okay na sa akin 'yon.
Saka kung puwede lang sana medyo dumistansta ka na rin kay Eric, kung alam mo lang talaga kung gaano ako nag seselos...
For some reason naatract ako sa batok nya na parang gusto ko itong kagatin...
Felix! Wake up nagiging creepy kana, tinapiktapik ko ang aking pisngi at pinisil ko din ito para mawala ang malalwasang nasa isip ko.
"MR. DELOS REYES!" Lahat kami ay nagulat sa pag sigaw ni ma'am ng pangalan ko. "Can you explain to me what 'The Law of conservation' is?"
Nagulat ako sa biglaang tanong ni Ma'am, na halata nya siguro na wala ang atensyon ko sa kanya.
Syempre inaral ko na 'yan, ako pa ba? Kaya alam ko na ang isasagot ko.
"The Law of Conservation of Energy states that energy can neither be created nor be destroyed but it can be transformed from one form to another," napataas lang ng kilay si Ma'am at parang hindi pa ito satisfied kaya dinagdagan ko pa ang aking sagot. "Since energy cannot be created nor destroyed, the amount of energy present in the universe always remains constant"
"Good Job Mr. Delos Reyes, you really seem to know your lessons well. Puwede ka ng lumabas ng classroom ko tutal alam mo naman na ang ilelesson natin" Kumunot ang noo ni Ma'am at inirapan ako.
"Sorry po Ma'am," nagbow na lang ako at umupo.
"Even though you know the lesson, at least give some respect to the person who is talking in front of the class."
Rinig ko ang bulong-bulungan na nagaganap sa aking paligid kaso hindi ko naman maintindihan kung saan patungkol ito. Medyo kinabahan ako kasi baka nakita nila ako na nakatitig kay Yohan at malaman nila ang sikreto ko.
"Wag kang mag alala, kung ano man 'yang asa isip mo hindi 'yan 'yon," bulong sa akin ni Seph. "Saka napamangha mo nanaman sila sa talino mo."
Nakahinga naman ako ng maluwag doon at tumango sa kanya bilang sagot. Bumalik na lang ako sa pakikinig baka mamaya pagalitan nanaman ako.
"Okay were goanna have a long quiz on all of the laws that we discuss next week. I hope you will be prepared for it." Maawtoridad nitong sinabi.
"Yes Ma'am," sagot ng buong klase.
"Okay, Class dismissed prepare for your next subject," lumabas na si Ma'am ng classroom at pumasok na ang next subject namin.
END OF CHAPTER 1

BINABASA MO ANG
The Perfect Conundrum [BL]
RomanceAt Southern Jötunheimr University, everyone looked up to Felix Delos Reyes as a role model and a perfect student who was Idolized by many. He was a prodigy among his peers. He excelled at everything, especially in academics. However, the simple mist...