Chapter 11
F E L I X
I felt the vibration on my pocket kaya kinuha ko ang aking telepono. Si Eric tumatawag, hindi ko namalayan na 12:10 na pala kaya agad ko itong sinagot.
"He-hello?"
"Hello Felix asan ka na? Andito na ako."
"So-sorry nag C-CR lang."
"Ayos ka lang ba?"
"Ha...? Ah... Oo okay lang ako, puntahan na kita dyaan."
"Okay sige hintayin na kita dito"
"Okay"
Inend call ko na. Andito parin 'yung takot na dala mula kay Santino pero ang isa pang hindi mawala sa isip ko ay ang itsura nya from that break-up...
Pinakalma kong muli ang aking sarili bago pinuntahan si Eric. Kumaway ito sa akin nang matanaw na ako, he is just wearing a large white T-shirt na naka tack-in, ripped jeans sa pang ibaba tapos naka bonnet pa na kulay itim.
Hindi ko aakalain na kahit simpleng manamit si Eric eh kapansin-pansin parin ang karisma at itsura nya.
Kahit papaano ay disente lang din pala syang manamit, ang nasa isip ko kasi pang pormahang hype beast ang dating nya.
"Saan ka nang galing? Tanong nya "Bakit parang namumutla ka?"
Hinawakan ko ang aking pisngi at agad na kinuha ang phone ko upang tignanan sa camera kung namumutla ba ako. Onti lang naman, hindi naman sya gano'n kalala ayoko na rin ibring up na dahil 'to sa Sadistic King.
"Hindi naman eh, pa check mo na 'yang mata mo," sagot ko.
Tinignan nya ako from head-to-toe habang kagat kagat ang labi nya.
What the hell is he looking at?
May dungis ba sa muka ko?
Ambaduy ba ng suot ko para sa taste nya?
Saka the way he looks at me, gives me a different vibe kaya agad ko itong binatukan para matigilan nya na ako sa mga titig nya.
"Could you stop staring at me please?" Inis kong pakiusap sa kanya.
"Bagay sayo 'yang damit mo lalo kang gumagwapo," he replied "Though syempre hindi kasing guwapo ko.
He smugged as he fixed his shirt. Kahit kailan talaga ang yabang ng lalaking 'to ang sarap lang talagang ipatikim sa kanya ang kamao ko.
Baklaman ako pero pag ako nanuntok tumba ka sa lakas. Syempre as a wise man, I prefer to be civilized rather than being irrational.
"Salamat sa compliment mo ha," I sarcastically replied. "Tara na andami ng nasasayang na oras eh."
He just laughed at me and nodded tapos bigla ako nitong inakbayan. Agad ko namang tinangal sa inis, feeling close agad ang mokong na 'to.
Sa paglalakad namin papunta kung saan sya nag park ng kanyang kotse ay panay ang tingin nya sa akin kaya hindi ko maiwasang mailang.
"Ano ba ang meron ba't mo ba ako tinitignan, Eric?" pagalit kong tanong sa kanya.
"Sa lahat pa ng puwede mong mahalin bakit si Yohan pa talaga?"
Parang hindi nya narinig ang tinanong ko at iniba nya ang usapan. Wala akong isinagot at nag patuloy lang sa paglalakad. I dont feel like bringing up anything about him.
For me everything we do is just business, to shut him up and to save my image sa school.
"Alam mo ba nu'ng junior high there is a guy that made Yohan interested in him," bigla itong nag salita na nag pukaw ng interes ko. "Well they did 'some things' kaso 'yung guy ang sumuko kasi he dosen't want to ruin Yohan's reputation sa school kasi naging laman sila ng usap-usapan."
Mula sa sinabi nya naging curious tuloy ako kasi kung totoo man ang sinasabi sa akin ni Eric that means may chance ako sa kanya.
I felt an urge to smile and felt some hope, pero wag kang umasa muna Felix hindi nga sya naiilang sa lalaki pero baka hindi ikaw ang tipo nya.
So lalo akong nacurious kung sino itong guy na naging interested sa kanya.
"So what happend?" I asked. He slowly look at me and smirked annoyingly.
"Bakit kita sasagutin eh hindi mo nga ako sinagot sa tanong ko kanina?"
"Ano ba kasing gusto mong malaman?"
"Simple lang naman," he replied "Ano ang dahilan ba't ka nag kagusto sa best friend ko."
Fine he won this time kung hindi lang sya nag lapag ng baraha ni Yohan sa akin hindi ko sasagutin 'yung tanon nya eh.
Ang uncomfortable lang na sinasabi ko 'to sa taong kinaiinisan ko.
"Okay fine," dismayado kong sagot sa kanya "Kaya ko nagustuhan si Yohan kasi cute sya."
"Seryoso ka dyan?" Mas dismayado panyang sagot sa akin "' Iyan lang ang dahilan?"
Tumango naman ako sa kanya bilang sagot. Bakit? Hindi ba vaild 'yon sa tinatanong nya? Dahilan naman 'yong binigay ko ah.
"Maniwala, dahil lang sa cute sya?!" Hirit pa nya "Matapos mong halikan si Yohan habang tulog?!"
Binatukan ko sya agad dahil sa lakas ng pagkakasabi nya kahit sobrang lapit lang nya sa akin.
Parang sinasadya nya talagang gawin 'yon!!
Kahit kailan talaga ang galing pakuluin ng kumag na 'to ang dugo ko. Oo na tunog manyak 'yung ginawa ko, pinagisishan ko na nga eh!
"Aray ansakit naman no'n," reklamo nya habang sumisinghal sa sakit. "Wala namang ganyanan, pre."
"Puwede ba wag mo nang lakasan na parang ipanamumuka mo sa akin na manyakis ako."
"May sinabi ba ako?" Sagot nya.
Inirapan ko na lang sya at sa iba ko na ibinalin ang atensyon ko. Hindi parin nya sinasabi 'yung tungkol sa lalaking nag painteres kay Yohan.
Baka pag nag tinanong ko ulit sya mabuwisit lang ako sa isasagot nya.
Wala na atang balak mag kuwento si Eric sa kung ano ba talaga ang nangyari sa kanila. Kahit asa loob na kami ng kotse bumabyahe na sa kung saan man kami pupunta.
Ughh!! Gusto kong malaman ang nangyari sa kanila ni Yohan!
"After I first saw Yohan," biglang bumuka ang aking bibig. "He gave me hope that I can fall in love again."
Sumulyap lang ito saglit at ibinalik na ang tingin sa daanan, hinihintay ang susunod kong sasabihin.
"Hindi lang naman sa over all looks ako nabihag. Yohan is so kind na parang tatanggapin ka kahit sino ka, hindi ka nya ijujudge. He is my hope and his smile always save me everyday."
Hindi ko tuloy mapigilang makaramdam ng lungkot. Realizing na Yohan is too far to reach. Parang nasa magkabilang mundo kami. It feels like our world never meant for each other.
"The guy asked him out on a date at nag enjoy naman silang dalawa 'yun nga lang kumalat sa buong campus at naging laman ng usapan," bigla naman sinimulan ni Eric ang pag kuwento.
"Yohan was actually ended up in a pinch situation kaya the guy decided not to risk anymore kasi he blamed himself."
"Anong reaction ni Yohan?"
"Ayun he was disappointed though alam ko medyo nasaktan sya doon kasi they become strangers after all na nangyari sa kanila. Bigla na lang nag laho ang lahat"
"Minahal ba nya 'yung guy?"
"Well on my point of view Oo, kasi matagal ko ng kaibigan 'yang si Yohan. Kaya kong makita sa muka palang na nasaktan sya sa nangyari."
"Bakit mo nga pala shinashare saakin 'to?" pagtataka ko naman. "Saka bakit gusto mong malaman kung paano ko sya nagustuhan?"
He didn't answer me for some reason at naka focus lang sya sa pag mamaneho. He suddenly burst out an aura of awkwardness parang land mine ang na apakan kong tanong sa kanya.
END OF CHAPTER 11
BINABASA MO ANG
The Perfect Conundrum [BL]
Roman d'amourAt Southern Jötunheimr University, everyone looked up to Felix Delos Reyes as a role model and a perfect student who was Idolized by many. He was a prodigy among his peers. He excelled at everything, especially in academics. However, the simple mist...
![The Perfect Conundrum [BL]](https://img.wattpad.com/cover/298119569-64-k206131.jpg)