Chapter 57
F E L I X
Sa oras na 'yon parang bumagal ang oras naming dalawa ni Seph ramdam ko na ibnigay ko na ang buong lakas at enerhiya ko para masagip sya.
Sa bawat pagalaw ng hita ko papalapit sa kanya parang lalo syang lumalayo sa paningin ko.
Ayoko na ulit mawalan ng kaibigan, ayoko na mawalan ulit ng pamilya at ayaw kong mawala si Seph sa buhay ko.
Sya ang nag iisang kaibigan na pinaramdam sa akin na hindi ko kailangan magpanggap para maging masaya.
Hindi problema kung maging sino kaman dahil mas mahalaga ang karakter ng puso mo kung paano ka mag mahal.
I'm glad that Seph have a friend like you. Kausapin mo lang sya and make it clear so that you don't lose each other.
He cut enough relationships and it will be worse kapag mawala ka pa.
Umasta man sya ng ganito mahalaga ka parin sa kanya.
May kung anong kislap ang bumalot sa aking pagpikit.
Nakita ko lahat ng mga pinagsamahan namin ni Seph... Lahat ng tawanan, kulitan at pinagtalunan...
Lahat...
Hindi ako papayag na mauuwi lang sa gan'to. Kailangan kong kumapit at pagtibayan ang loob ko.
Para kahit na kumakapit ako sa isang manipis na sinulid ay hinding-hindi ko to pakakawalan.
Dahan-dahan kong minulat ang mata ko at nakita ko ang aking braso na ngangatog dahil sa pagkakapit ng kamay ko sa kaliwang pulso ni Seph.
Napasinghal ako sa bigat na nararamdaman ko na parang mabubunot ang braso ko anomang oras. Pero hinigpitan ko lang lalo ang pagkakapit ko sa kanya para hindi ito dumulas sa aking kanang kamay.
"Iabot mo sa akin Seph 'yung isa mong kamay!" sigaw ko sa kanya. "Hindi kita kayang buhatin, gamit lang ang kanang kamay ko!!"
"Just let it go Felix," he looked at me with his sorry eyes.
"NO, SEPH!" sigaw ko habang tinitiis ang mabigat na puwersa sa aking braso "HINDI KITA BIBITAWAN!! KAYA IBIGAY MO NA SA AKIN ANG KABILA MONG KAMAY!"
"Felix..."
"Hindi ka puwedeng mawala Seph, iilan na lang ang natitira kong ititinuturing na pamilya at ayokong mawala ka pa!!"
Napasinghal nanaman ako dahil nagsisimula nang dumulas ang kanyang pulso sa aking kamay.
"Hindi ako perfect tulad ng sinasabi mo sa akin Seph. I'm very far from it... ARGHH!!"
Dumudulas na talaga sya. Kaya kahit anong ngatog o panganglay ang nararamdaman ko mahigpit parin ang pagkakahawak ko sa kanya.
"Lahat ng mayroon ako ngayon, lahat 'yon may kapalit. I am broken just like you! Hindi ko alam kung paano ko bibigyan ng closure ang nakaraan ko kaya humingi ako nga mga bagay na mag papamanhid ng mga nararamdaman ko."
"Kahit na pinaghirapan ko 'yon simula palang asaakin na agad ang mga 'yon! Bumuo lang ako ng pekeng pagkatao dahil kahit anong gawin ko hinding-hindi ko mapatawad ang sarili ko na may mayro'n naring taong nawla sa akin!"
Sinubukan kong habulin ang aking hininga mula sa pagsasalita.
"Hindi ka nag iisa Seph, I also lost everything. My Mom, My Dad, My friend, My first love at ayaw ko pang madagdagan 'yon. Kaya, please ibigay mo na sa akin ang kabila mong kamay!!!"
Rinig mula dito ang mga sigawan ng mga estudyante mula sa baba na nunood. Gano'n paman hindi parin nawala ang focus ko kay Seph na naghihintay parin na ibigay ang kanyang kabilang kamay.
Napansin ko na nag iba ang mga mata nya, na kanina ay sobrang lungkot ngayon naman ay mga mata natatakot na mamatay.
Agad nyang inangat ang kanyang kabilang braso at agad ko naming hinablot ito. Hindi na ako nag aksaya ng panahon at ibinigay ko na ang natitira kong lakas para iahon sya sa nakakalulang ere ng pinagtalunan nya.
Parehas kaming napahiga pabalik sa sahig ng rooftop. Niyakap namin ang isa't-isa ng mahigpit at nakaramdam kami ginhawa sa isa't-isa.
Dumating na ang mga teachers at ang school guards sa rooftop kasama din nila sina Brett pati narin si Santino.
Lumapit naman kami sa kanila at binigyan ko ng isang tango si Santino para ipaalam na okay na...
Walang maibubuti ang pagtakbo at pagtago sa mga problema nang hindi nireresolba. Bumuo ako ng isang imahe para maging manhid.
Upang makatakas ako sa sakit.
Pero napagtantuaan ko na, paano ko makikita ang dulo ng isang problema kung hindi ko lalakarin ang daan palabas.
Sa huli, takot pala ang nag dadala sa aking mga paa na akala ay tama ang tinatahak na daan.
Ngunit may isa akong natutunan sa pagkakamali ko.
Ang pagiging matapang at kompyansa sa sarili. Hindi sobra, hindi kulang, kundi tama lamang...
TO BE CONTINUED...
BINABASA MO ANG
The Perfect Conundrum [BL]
RomansaAt Southern Jötunheimr University, everyone looked up to Felix Delos Reyes as a role model and a perfect student who was Idolized by many. He was a prodigy among his peers. He excelled at everything, especially in academics. However, the simple mist...
![The Perfect Conundrum [BL]](https://img.wattpad.com/cover/298119569-64-k206131.jpg)