CHAPTER 2

78 3 0
                                    

Chapter 2
F E L I X

Lunch na namin sa mga oras na ito at dahil maaga kaming natapos kumain, nakatambay kami sa hallway papuntang canteen. Kasama ang mga mokong kong tropa.

Bigla na lang kasing nawala si Seph at hindi ko alam kung saan ito napadpad kaya napasama na lang tuloy ako sa kanila.

Hindi naman sa ayaw ko silang kasama. Iba lang kasi mga trip nitong mga 'to pero kaya ko naman sila pakitunguhan kahit papaano.

May isang grupo ng mga babae ang lumapit sa amin at may mga bit-bit na Tupperware.

"Kuya Felix gumawa kami ng lunch para sayo baka hindi ka pa kumakain," sabi naman ng isang babae na may hawak na kulay berdeng tupperware.

"Ito rin, 'yung akin Adobo ulam nito," sagot naman ng isa pang babae na may kulay purple na Tupperware.

"Yung akin naman po kuya Felix letsong paksiw," sabi ng babaeng may hawak na kulay pink na Tupperware.

Sunod sunod na silang nag sabi ng kaniknilang ulam.

"Salamat," nakangiti ko itong sinabi at kinuha ko ang mga dala nila.

Grabe sila kiligin sa simpleng Salamat ko, parang silang kinuryente sa lakas ng tili. Base sa uniform nila mukang mga Junior Highschool pa ito at siguro asa mga grade 8-10?

"Tignan mo nga naman ang ating The Intelligent King oh," humirit ng pangagasar si Brett.

"Sana all kagaya mo, guwapo na matalino pa," sumakay naman si Jacob

"Damn, bruh. Tignan mo oh mga limang babae ang nangliligaw sayo. Grabe, iba ka 'tol" dumagdag pa itong si Chase.

"Alam nyo, oh ito" isa-isa kong ibinigay sa kanila ang Tupperware na hawak ko. "Muka namang intiresado kayo, ayan kainin nyo narin tutal hindi ko naman kayang ubusin 'yan."

Ngumiti silang tatlo at binuksan nila ang Tupperware. Inamoy nila ito na syang naging sanhi ng mga ngiti nila.

"Sigurado ka 'tol?" tanong ni Jacob.

"Oo naman," sagot ko.

Nagkatinginan silang lahat at inaya ako pumasok sa canteen upang kainin ang mga ibinigay kong pagkain sa kanila. Pagpasok namin sa loob andaming nag Hi sa akin at kadalasan puro babae pa, syempre wala namang masamang pansinin din sila kaya nag Hi din ako.

Kaso 'yun nga lang...

Hindi ko sila type...

Nakakita na kami ulet ng bakanteng lamesa at sabay-sabay na kaming umupo. Wala na silang oras na sinayang at kinain na nila ang pagkain na binigay ko.

"Alam mo Felix, hindi ko maintindihab kung bakit sa dinami-dami na mga nag kakagusto sayo nu'ng mga Grade 11 pa tayo e miski isa wala kang naging girlfriend?" Nagulat ako sa tinanong ni Chase kaya ngumisi na lang ako para hindi mahalata.

Natural magtataka 'yan dahil kaklase ko rin tong mokong na ito nu'ng Grade 11. Kahit noon pa wala akong jinowa sa mga babaeng nagka interes sa akin dahil bakla ako at hindi ko sila type.

"Alam mo pag-aaral kasi ang inaatupag ko," dahilan ko sakanya.

"Sus, Maniwala ang sabihin mo hindi mo sila type," lalo akong nagulat sa sinabi nya at nagsisimula na akong hindi mapakali.

Pero kailangan kong huminahon kundi mabubuking nya ako...

"Heto tignan mo 'to, ewan ko na lang kung hindi mo maging type ang mga 'to," biglang nyang dinampot ang kanynag phone at ipinakita sa akin ang mga picture ng mga babaeng nakabikini na may malalaking dib-dib, likuran at 'yung iba naman ay halos nakahubad na.

Iba pala ang ibigsabihin nya kaya nakahinga na ako ng maluwag. Sorry Chase, hindi ko talaga sila type kahit anong laki pa 'yan. Kaya inilayo ko na ang kanyang smartphone na katutok sa muka ko.

"Titigilan mo nga ako sa kabal-balan mo pre."

"Nako, Felix wag mong sabihin hindi mo rin type ang mga yan?"

"Hindi nga ako interesado sa bagay na 'yan."

"Maniwala, Ang sabihin mo hindi babae talaga ang tipo mo noh?" seryosong sabi nito na may tono parin ng pangagasar.

Napakunot ako ng nuo sa sinabi nya at medyo nainis ako doon. Hindi dahil tinatangi ko ito, dahil sa tono ng pananalita nya. Bahala sya sa buhay nya pero I need to make it clear na hindi ako bakla sa harap nila.

"Pag hindi lang interesado sa babae at sa relasyon bakla na agad? May priority kasi ako hindi tulad mo na ang priority ay ikas-ikas yang makati mong biyas!" pagalit ko itong sinabi at sumol-sol naman ng hiyaw sina Jacob at Bret.

Lumayas na lang ako sa harapan nila dahil rin sa inis ko. Kahit kailan talaga nakakabuwisit 'yang si Chase pinagmamalaki nya ang pagkalalaki nya sa kahit sino.

Hay nako isa pa 'tong si Seph...

Asaan na ba kasi sya? Bakit hindi pa sya bumabalik hanggang ngayon?

Baka asa classroom na siguro. Wala na bang igaganda 'tong araw ko? Una si Eric, pangalawa pinagalitan ako ni Ma'am, tapos itong mokong na Chase na 'to. Sana makita ko si Yohan para gumada-ganda naman mood ko.

Habang naglalakad na ako pabalik sa classroom nakasalubong ko ang taong hinihiling ko, Si Yohan. Nag iiba talaga agad ang timpla ng mood ko pag nakikita sya.

Lalo na ang mga ngiti nya, lakas maka recharge ng energy. Kinawayan ko sya at tumango naman ito sa akin habang nakangiti. Akala ko lalagpasan nya ako pero tumigil ito sa harap ko.

"Tamang-tama, Felix hinahanap pa naman kita" bati nya sa akin.

Pati rin ako Yohan hinahanap ka, hindi ko na maitago ang mga ngiti ko sa sobrang tuwa kasi hinahanap din ako ng taong gusto ko.

Hindi na tuloy napigilan ng aking muka ang maginit abot hangang tenga.

"Bakit parang namumula ka?" dahil mas matangkad ako sa kanya, tumingkayad ito saka hinawakan ang aking noo.

Sobrang lapit ng muka nya sa muka ko. Kapansin-pansin talaga ang singkit nyang mata, pati narin ang medyo matangos nyang ilong, mala-rosas nyang labi at yung mga pisnging matagal ko nang gustong pisilin.

"Wala ka namang sinat..."

Marahang kong itinanggal ang pagkakahawak nya sa aking noo. Baka kasi nahahalata na nyang kikinkilig ako masyado sa ginagawa nya.

"Okay lang ako, Ano nga palang kailangan mo?"

"Tungkol kasi ito sa Physics kanina"

Patay! Wag mong sabihin na nahalata nyang nakatitig ako sakanya? Imposible, naka talikod lang sya sa akin nu'ng time na 'yon at hindi naman nya ako nilingon...

"Gusto ko sanang magtanong kung puwede mo ba akong itutor afterclass para sa long quiz natin next week?" tanong nito "Lalo na't papalapit narin ang midterms."

Kinabahan ako do'n, akala ko na tuklasan nya na. Felix, kahit kailan talaga ang paranoid mo. Alam mo 'yon?

"Ah, Oo naman" sagot ko.

"Thank you! Sa library na lang tayo mag review."

"Okay sigi..."

"Salamat!" ngumiti ito.

Sa sobrang saya nya halos mag didikit na ang labi nya sa tenga at parang nagtago ang singkit nyang mata.

Sobrang cute talaga, lalo na 'yung pisngi nya na parang gustong magpapisil. I blushed unwillingly. Iniwas ko agad ang tingin sa kanya at nagpatuloy na ako sa paglalakad.

"Mabuti pa't mauna na na ako," paalam ko rito

"Okay," sagot ni Yohan sabay kaway sa akin. "Salamt, Felix ah!"

Hindi ako makapaniwala na gusto nyang magpaturo sa akin. This is so perfect dahil masosolo ko na sya. Salamat heavens from above at binigyan nyo ako ng opportunity na mapalapit sa kanya! Talaga namang pinaglalapit kami ng tadhana. Hindi na ako makapag hintay!

END OF CHAPTER 2

The Perfect Conundrum [BL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon