Chapter 45
F E L I X"Wag mo nang itanggi pa na hindi ka bakla Felix," seryoso nitong sinabi. "I know what you're hiding."
"Fine, hindi ko na itatanggi pa," sagot ko. "Pero please hindi sana ito maging dahilan para ipagkalat mo na bakla ako."
"Wag kang mag aalala I respect your decision," he replied. "Pero hanggang kailan mo itatago 'yung totoong ikaw? Kapag hindi mo na kilala ang sarili mo?"
"Pati ba naman ikaw?" Tanong ko sa kanya. "Mali ba 'tong ginagawa ko na gusto ko lang protektahan ang sarili ko at panghawakan ang lahat ng pinaghirapan ko?"
"To protect yourself or to hide from someone else?" he asked back.
"Ano ba ang gusto mong patunayan, Santino?"
"Felix, hindi mo ba nakikita ang sarili mo you are using fame and success to be someone else upang itago ang sarili mo," he answered " Noong una kita nakilala you act like a brand new person at all parang you pretend to forget na ikaw si Felix Delos Reyes."
"Santino saan mo naman nakukuha 'to? eh ngayon palang tayo nagkakakilala?"
"Intuition."
"Intuition," I replied laughing in tears. "Hindi mo na kailangang mag patawa, Santino."
"The more you deny it lalo mo lang pinapatunayan."
"Na bakla ako?" I fired back habang nakangisi.
"Na gusto mong kalimutan ang dating Felix."
Bigla na lang naglaho ang maloko kong tawa at parang may sumaksak sa akin ng sandamakmak na kutsilyo sa likod ko.
Bu-buwelta pa sana ako kaso walang lumalabas sa aking lalamunan at hindi makagalaw ang aking bibig.
Bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko at namuo ang mga luha sa aking mata. Sinubukan kong pigilan ang pag luha ko sa paghinga ng malalim ng paulit-ulit.
Habang nakikisabay nanaman silang nag fla-flashback sa isip ko 'yung bagay na matagal ko nang gustong kalimutan.
Hinawakan nya bigla ang aking braso at tinawag ang pangalan ko.
"Felix, nag hihintay na 'yung waiter sa order natin. Doon nalang tayo mag usap," hinila nya ako ng marahan pabalik sa VIP room.
Pagpasok namin sa loob agad ko nang pinunasan ang mga namumuong luha gamit ang kamay ko, bumungad sa akin ang mga masasarap na pagkain na nakalatag sa hapag kainan.
Sabay kaming umupo at agad naman kaming binigyan ng serving ng mga waiter. They filled up my plates with variety of food at nilagyan nila ang tasa ko ng maiinit na tsaa.
"It's Chamomile Tea, it will help you to calm and relax yourself," he said before he sipped his tea "...And it taste great too."
Sinubukan ko namang tikaman 'yung lasa ng tsaa na tinutukoy nya. It is good and it did kinda helped me to calm down.
Sinumulan na ni Santino ang pagkain nya at tumango naman ito sa akin para senyasan na kumain narin ako.
Masarap naman 'yung pagkain pero nakakailang subo palang ako parang ayaw ko na.
Hindi parin mawala sa isip ko 'yung sinabi ni Santino, masyado na ba akong halata at nababasa nya na ang mga kilos ko?
Sumenyas si Santino sa mga waiter na nakaabang sa amin at bigla na lang silang sabay-sabay na lumabas ng kuwarto.
"Me and Seph were actually fond of each other that it's so deep we ended up falling in love," bigla na lang nag kuwento si Santino "Walang kami, kasi hindi puwedeng maging kami pero he fought back just for us to be a couple."
How come na hindi na kuwento sa akin ni Seph to?
This actually reminds me na hindi pala sya nag oopen up ng kahit anong love life nya sa akin kung mayro'n man it's pretty limited.
Akala ko hindi nya focus ang love life at ang buong pokus nya ay ang pag-aaral. This is the reason why sya lang ang bukod tanging hinahangaan ko sa mga peers ko.
Alam nya sa sarili nya na hindi sya magaling but he worked hard to become one. There is so much things na hindi ko pa alam kay Seph.
"My father is the CEO of Metro Cruz Corporation and his father was a Chief of General Surgery sa Central Nile Hospital" he continued.
"Both of our father dosen't understand Homosexuality kaya nung nalaman na may relationship kami, sinubukan nila kaming paghiwalayin and they even set up a fixed marriage. We are so stubborn na nasira 'yung marriage na 'yon kaya hanggang ngayon our father is trying to save and fix it."
He sipped his tea and grab a bite ng isang club sandwich.
"You know this sandwhich is 'yung pinaka favorite naming miryenda ni Seph," tinuro nya 'yung sandwich habang ineenjoy kainin ito. "Seph is not a bad person it's just that he took the most beating sa amin dalawa."
Nilunok nya muna ang kinakain nyang sandwhich bago ito ulit nag patuloy.
"Noong grade nine kami, we fell in love with each other. Ito na 'yung time na narealize namin 'yung feelings namin sa isa't-isa. "Nang mahuli kami ng mga magulang namin sinalo nya lahat. My father asked one of the most insulting question a father could ever ask. parang ako 'yung mas nasaktan sa tinanong nya."
Tumingin ito ng masinsinan. "Do you know what did he asked?"
"No," iling ko.
"Ginawa ka ba nyang bakla?" Halatang sinubukan nyang gayahin ang tono ng pagkakasabi ng tatay nya.
"Ang mas masakit pa do'n hindi tinanggi ni Seph 'yung tinanong sa kanya. He chose to take the blame na dapat hindi ko hinayaan mangyari. He came out to his parents on that moment at lahat ng Suarez nag iba ang tingin sa kanya lalo na ang kanyang Mother."
Napakunot ang noo ko dahil sa narinig ko hindi ko alam na may ganito palang itinatago si Seph sa akin. Parehas lang pala kaming hindi nagiging totoo sa sarili at may kanya-kanya kaming pagsubok na nilalagpasan na mag isa.
Kahit na lagi namin ipinapaalala sa sarili namin na we got each other's back. Sa huli we don't really trust each other and we only got to pick and choose what we want to project.
"Kaya intindihin mo nalang si Seph if he acts different or impulsive, madami lang syang ikinikimkim sa sarili nya," he said it calmly. "This is just a surface about Seph na I'm sure hindi mo alam."
"You're right," I replied.
"Well how about you?" He asked. Hindering an interest about me.
"Am I obliged to answer that?"
"Then paano na lang if Seph asked about you?" iling nito. "Masasabi mo ba sa kanya o idedeny mo rin?"
"Hindi ikaw si Seph."
"Oo nga hindi ako si Seph pero the reason I brought you here in the first place is to help you para makausap sya."
"I don't need your help," diin ko.
"No need to be stubborn Felix. Alam mo hindi ka kakausapin no'n ni Seph dahil isa paring matigas ang ulo no'n at ma pride din kagaya mo."
"Fine, pero walang makakaalam nito."
"Deal," sumangayon naman si Santino.
Kahit kailan hindi ko biniring up sa kahit na kanino 'to dahil lahat ng ito ay sinusubukan kong kalimutan.
Nag simula ako sa SJU bilang bagong Felix Delos Reyes na kahit kailan hindi na kayang manipulahin, pabagsakin at higit sa lahat ay saktan.
It's been a long time since I ever brought this topic about my past.
Ang nakaraang ko bago nila nakilala ang The Intelligent King ng Southern Jötunheimr University ngayon....
END OF CHAPTER 45

BINABASA MO ANG
The Perfect Conundrum [BL]
RomanceAt Southern Jötunheimr University, everyone looked up to Felix Delos Reyes as a role model and a perfect student who was Idolized by many. He was a prodigy among his peers. He excelled at everything, especially in academics. However, the simple mist...