Chapter 16
F E L I XBago ako dumiretsyo sa bahay, dumaan muna ako sa malapit na 7/11 at bumili ng snacks para sa gagawin kong reivew mamaya.
Muntik ko na talaga makalimutan mga school works ko dahil sa project film na 'to. Gusto ko rin ng puwede ma-stress eat dahil malapit na talaga akong mag mental breakdown.
Kumuha ako ng mga chips and drinks from the aisles tapos nag tungo na sa cashier. Habang naka pila, naramdaman kong nag vibrate ang phone ko.
Isang notification from my instagram post, nakita ko agad ang profile picture ni Yohan.
Nilike nya 'yung post ko. Sya na lang talaga ang nag papangiti sa akin kahit sa mga hirap na pinagdadaanan ko.
Then may isa pang notif na bigla pang sumapaw, nilike din ni Eric 'yung post ko. Parang biglang binagyo ang mood ko at napasimangot.
I checked my news feed to distract myself kaso napadpad ako sa isa pang taong hindi nag papatulog sa akin.
Ang pagmumuka ni Chase, everytime na nakikita ko muka ng kaibigan ko kinakabahan ako na naiirita. He is reading me too much hindi na nakapagtataka kung may nalalaman sya tungkol sa akin at hindi lang sya nag sasalita.
Oo, kaibigan ko sya pero hindi tuald ng mayro'n kami ni Seph. Saka isa pa, pinipilit nya ang sarili nya sa akin. Like, hindi ko maimagine na maging isang sex maniac na katulad nya.
Pag silip ko sa bintana, natanaw ng mata ko sa hindi kalayuan ang pamilyar na pigura ng isang lalaki.
Kinuha nito ang atensyon ko at hindi maiwasang obserbahan kung sino ito...
Madilim na ang paligd at tanging mga streets light lang ang nag papaiilaw sa kalsada pero hindi ako nag kakamali....
Si Chase nga 'yon.
Pinalilibutan sya ng mga taong hindi ko kilala at parang gustong nyang tumakas sa sitwasyon na kinalalagyan nya ngayon.
Kumunot ang noo ko sa pag tataka, anong ginagawa nya?
Hinablot ng isang lalaki ang kuwelyo ni Chase at parang pinagbantaan ito. Akala ko do'n na sya magtatapos pero bigla nila syang tinulak papunta sa eskinita kung saan walang makakita sa kanila.
"Sir?" Tawag ng kahers. "Kayo na po next."
Isa-isa kong inilapag ang mga ipinamili ko at hindi ko maiwasang mag aalala sa nakita ko. Kaya naman na siguro ang sarili nya, dapat alam na nya ang kanyang ginagawa.
Like seventeen na sya and he should know the consequences of his action. Kaso kahit gago 'yang si Chase kaibgan ko parin sya kahit madami akong ayaw sa kanyang ugali.
Lagi nyang binbigyan katatawanan ang bawat kuwentuhan at gala namin. Even he has stupid flaws hindi ko kayang makita na malagay sya sa kapahamakan.
"Miss, babalikan ko po 'yan," sabi ko sa kahera.
Agad naman ako lumabas ng 7/11 at tinakbo papunta kung saan nagtungo si Chase...
Matagal ko nang sinasabi sa kanya 'to na magiingat sya sa mga babaeng pinopormahan nya at baka may makabangga sya.
Hindi ako nag kulang sa paalala at sana after ng pangyayari na 'to may matutunan na sana sya. Kinuha ko ang flashlight sa bag ko at inihanda ang pito ko, I hope na maabutan ko pa sya.
Itunutok ko ang ilaw kung asaan si Chase at pumito ako ng malakas ng paulit-ulit. Sana bumenta sa mga nang gugulpi sa kanya na tanod ako, much better kung pulis.
Hindi naman nila ako makikita dahil nakatutok sa kanila ang nakakasilaw kong flashlight.
Habang papalapit na ako nagsitakbuhan na ang mga taong nangugulpi kay Chase. He is lying on the bags of garbages, weak and beaten andami nyang natamong pasa, galos at sugat.
"Pre," tawag ko "Ako 'to si Felix."
Marahan nyang hinawakan ang pisngi ko habang nangangatog sa takot ang mga kamay nito.
"Felix...?"
Agad ako nitong niyakap ng mahigpit at parang ayaw na nyang bumitaw sa akin. Nakaramdam naman ako ng ginhawa na kahit papaano ay buhay pa sya.
"Don't worry andito na ako," sinukilan ko naman ang kanyang yakap upang pakalmahin ang nanginginig nyang katawan.
Inakay ko ang kanyang braso sa aking balikat at binuhat ito patayo. Pinaupo ko muna sya sa isang picnic table sa tabi ng pintuan ng 7/11 para kunin ang mga pinamili ko.
Nagulat ang kahera at iba pang mga iilang costumer nang mapansin nila ang bugbog sarado na si Chase. Pinainom ko agad sya ng binili kong inumin at binuhat ko sya ulit pagkatapos. Dahil mas malapit ang bahay ko napagpasyahan ko na dalhin sya sa amin.
END OF CHAPTER 16

BINABASA MO ANG
The Perfect Conundrum [BL]
RomanceAt Southern Jötunheimr University, everyone looked up to Felix Delos Reyes as a role model and a perfect student who was Idolized by many. He was a prodigy among his peers. He excelled at everything, especially in academics. However, the simple mist...