CHAPTER 6

43 3 0
                                        

Chapter 6

F E L I X

I'm currently taking my lunch sa canteen at kasabay namin ni Seph ang mga mokong na sina Chase at Brett, tapos si Jacob naman ay bumibili ng lunch nya.

Okay na kami ni Chase, nagsorry na rin sya sa akin kanina sa klase. Syempre, I let it go na lang kasi kahit naman noong grade 11 pa lagi kaming away-bati.

Dahil ang galing lang talaga nyang makahalata. Minsan nakakaoffend din kasi sya lalo na sa mga biro nya. Ewan, basta minsan huminga lang sya naiirita na ako!

Habang kumakain kami nila Chase biglang dumating si Jacob at inilapag ang kanyang biniling pagkain.

"Alam mo ba may tsismis ako."

Heto nanaman tayo sa laging dalang tsismis nitong si Jacob, kalalaking tao tsismoso.

"Kilala nyo si Santino Cruz ng ABM 12-10? Iyung Sadistic King?" tanong nito sabay tabi kay Brett.

"Oo naman pre tinatanong pa ba 'yan? Kabilang sya sa 12 Thrones. Natural may nakakakilala sa kanya," sinagot naman ni Brett.

"Oh, bakit anong mayro'n sa kanya?" Pagtataka naman ni Chase.

Yumuko si Jacob at naglapit lapit ang mga ulo namin. Para kaming ewan puwede naman sabihin na hindi yumuyuko diba?

"Bakla pala 'yon pre..." Lahat kami nagulat sa sinabi nya.

Seryoso? sa itsura nyang 'yon bakla pala sya? Makisig, guwapo matangkad at nagkakandarapa pa ang kababaihan sa kanya.

Iyon nga lang mailap ito sa tao, bukod sa intimidating ang presensya nya malamig ang pakikitungo nito.

He just straight up shutting people down. Kaya the Sadistic King ang tawag sa kanya dahil kilala sya sa ganoong paguugali. Sabi nila natural na kay Santino Cruz 'yon kaya mas lalong na fafall, kinikilig o naiinlove sila sa kanya.

Dahil totoong 'sya' ang ipinapakita nya sa mata ng publiko.

Sa totoo lang mga masohista ba sila?

"Maniwala, paano mo naman na sigurado?" Paninigurado ni Seph habang nakakunot ang kanyang noo.

"Alam mo may nakakita sa kanya sa isang cafe na may kahalikan na lalaki," depensa ni Brett

"Weh, may pruweba ka?" tanong naman ni Bret.

Kinuha ni Jacob ang kanyang phone sa bulsa at inihanda ito bago ipakita sa amin.

Pag tingin namin sa litrato totoo nga, kitang-kita dito kung paano sila nag halikan. Bigla ko tuloy naalala 'yung nangyari sa Library. Napalunok ako sa nakita ko, paano na lang kaya kung nangyari din sa akin 'toh.

Ano kaya ang magiging reaksyon nila?

"Hindi na talaga natin alam sa panahon ngayon kung sino ang bakla sa hindi..." Chase shook his head as he clicked his tounge.

Napansin kong sumulyap ng tingin si Chase sa akin bago ipinagpatuloy ang pag kain ng kanyang pananghalian. Hindi ko na lang 'yon inintindi at sinabayan na lang syang kumain.

"Oo nga pre, buti pa tayo kahit hindiman tayo kagwapuhan, atleast! " hirit ni Jacob.

"Talaga lang ha," ngumisi si Seph.

"Grabe ang dalang tsismis mo ngayon ah, Marites!" Pang-aasar ni Bret kay Jacob.

"Sira!" Sagot naman nito at binatukan si Bret.

Tinapik ako bigla ni Seph habang nakikipagtawanan sila. Siguro paraan nya na 'yon para pakalmahin ako.

Biglang tumunog ang aking telepono na nakapukaw ng atensyon nilang lahat. Kinuha ko naman ito sa aking bulsa at nakita ko na tumatawag si Eric via Messenger.

Syempre hindi ko 'toh sinagot at nag patuloy lang ako sa pag nguya ng aking pananghalian.

Bumalik naman kaming lahat sa pag kain kaso kapansin-pansin talaga, 'yong tunong ng notification bell ng messenger. No choice ako kundi tignan 'yon para matigilan sya.

Isisilence ko na sana nang makita ko na nagsend ng picture si Eric. Picture ko na hinahalikan si Yohan, agad akong nagback read sa mga ilang messeges na sinend nya.

"Meet me at the Student's Park, now na."

"If not, Ipagkakalat ko 'tong picture sa buong campus."

At this point, he is black mailing me pero ayaw ko rin namang kumalat ang balita katulad na nangyari kay Santino Cruz. Wala na akong choice kundi replayan sya na papunta na.

Tumayo naman ako agad at iniwan ang aking pinagkainan.

"Oh, saan ka pupunta?" Tanong ni Seph.

"Importante lang..." Iyon na lang ang idinahilan ko.

"Felix," natigilan ako sa tawag ni Chase.

"Bakit?" tanong ko naman. Kita sa muka nya na parang may gusto itong sabihin kaso nag aalangan ito.

"Wala, never mind."

Tumango na lang ako at nag tungo na papunta sa park. Malayo palang tanaw na tanaw ang mga babaeng nagkukumpulan kay Eric na nagbibigay ng regalo, nag papapicture at iba naman ay kinukulit sya.

I get it now why he was crowned as the Charismatic King. Grabe ang charisma nya kahit ultimo lalaki hindi maiwasang mapatingin sa kanya. Kung papatol man si Yohan sa lalaki hindi na ako magtataka kung papatulan nya si Eric.

Ang lakas maka insecure ah...

Paglapit ko sa kanya, kumaway ito sa akin kaya napatingin din ang mga babaeng kasama nya.

"Ah, girls okay lang? I want to talk privately sa ating Intelligent King" Pacool nitong sinabi sa kanila.

For some reason na yabanagan ako doon, ay wait mayabang pala 'tong kumag na 'toh. Kinawayan lang ako ng mga babaeng lumagpas sa akin at ningitian ko na lang sila. Then I annoyingly look at him and crossed my arms.

"So, what do you need from me?"

"I just want to clear something, may gusto ka ba sa kaibigan ko?" he smirked.

Maitatanggi ko pa ba eh may ebidensya naman na sya. Bakit pa ba nya ito tinatanong kung halatang-halata naman na.

Ipinamumuka ba nya sa akin na wala akong pag-asa sa kanya o 'di kaya sasabihan nya ako na Dont come near Yohan, He's mine na linyahan?

"Paano kung mayro'n?" I glared. He suddenly smirks again kaya kumunot ang noo ko sa inis.

"Don't worry hindi ako against or find it disgusting at all pero I want you to do me a favor," he added.

Ano naman ngayon ang ipapagawa nito sa akin? Baka gawin ako nitong alalay 'di naman kaya linisin 'yung mga 'kalat 'nya. I dont want to do anything that involves with him pero sa tingin ko gagamitin nya 'yung pictures para mapa 'Oo' nya ako.

"What if I say, I don't want to do it?" I asked

"Then you leave me no choice kundi ikalat 'tong mga pictures, " he fired back.

I sighed with disappointment and said yes to him. Like may point paba makipag argue? Well, Felix Delos Reyes expect that your normal closeted life ay mababago dahil lang kay Eric.

"Fine, ano ba 'yon?"

"I want you to act as my boyfriend."

"HA?!" napangaga ako sa favor na sinabi nya.

Okay lang ba sya. Ayoko ngang malaman ng mga tao ang sexualidad ko tapos magpapangap ako bilang Boyfriend nya?

Is he out of his mind?

Ano nalang sasabihn nila tungkol sa akin pati sa kanya?

Hindi ko alam kung inaasar lang ba ako nito o he is trying to attack me dahil lang may gusto ako kay Yohan?  First things first hindi ko kayang gawin itong gustong binabalak nya sa akin.

            END OF CHAPTER 6

The Perfect Conundrum [BL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon