Chapter 47 ( II )
F E L I X
Matapos naming marinig ang bell nag silabasan ang ibang estudyante sa classroom dahil oras na ng panaghalian.
Niligpit ko muna 'yung mga gamit ko sa aking lamesa bago ako mag lunch, napansin kong papalapit sa akin si Harris kaya nagkatinginan kami.
Mayro'n syang gustong sabihin pero may agad na tumawag sa aking pangalan.
"Felix!" tawag ni Daemon sa akin at agad naman akong tumango.
Hinintay ko kung anong sasabihin ni Harris sa akin pero umiling na lang ito at umalis na sa harapan ko.
Kinuha ko na 'yung baon kong lunch at dumiretsyo na kami sa canteen.
Habang kumakain kami sinasabayan namin ng pag rereview para sa quiz mamaya.
"So, Felix what's the deal with you and Harris?"
"What do you mean?"
"You seem out of focus kanina sa discussion ng Quadrilaterals."
"I don't know what you are talking about...?"
"C'mon the way you look at him..."
"Jusme, Imahinasyon mo lang 'yon."
He just smirked as a reply parang hindi naniniwala sa sinasabi ko.
"I'm just worried na baka naka epekto sya sa quiz natin kanina."
"C'mon Daemon wag kang mag over react, na perfect ko 'yung quiz"
"Good," sagot nya habang taimtim na nag rereview.
"Sino ba naman ang gustong hindi makakuha ng perfect score sa quiz na 'yon like napaka basic lang ng problems na binigay sa atin. You don't want them to question your ability by failing a simple quiz, right?"
Hindi ako sumagot sa sinabi nya and just glanced at him.
Patuloy lang sya sa ginagawa nya na parang wala lang sa kanya 'yung mga binitawan nyang salita sa akin.
Ibanalik ko na lang 'yung tuon ko sa pagrereview at hinayaan na lang.
May na papansin ako mula sa peripheral vision ko na parang may dahan-dahang papalapit sa amin kaya tinignan ko kung sino ito.
"Ahh... Excuse me puwede po ba ako maki upo?" He awkwardly smiled. " Ito nalang kasi 'yung last na available na upuuan eh. Promise hindi ako mangugulo sa ginagawa nyo."
Si Harris pala ito, holding his tray with his lunch in it.
"Sure," sagot ko at umupo sya sa tapat ko. Daemon flinched and cleared his throat.
"Salamat," ngumiti ito sa akin at tumango naman ako bilang sagot.
Tahimik lang nyang kinakain ang kanyang lunch at ginawa nga nya ang sinabi nya sa amin.
Hindi nya kami kinausap or inistorbo.
His presence was a magnet to my attention kahit anong gawin kong pagtutok ko sa reviewer, I can't help but to glance.
He was eating peacefully at napansin ko din na may papel sa tabi. Mukang 'yung quiz kanina sa Math...
Is he still cheking kung saan sya nagkamali?
Sinisigurado ba nya na tama ang pagkakacheck ko o he felt bad na gano'ng score ang nakuha nya?
Nagulat ako nang biglang tumikhim ng malakas si Daemon sa tabi ko.
"No matter how you look at it hindi mag babago ang score mo."
"Hmm...?" napalingon si Harris sa kanya at gano'n din ako.
"Gusto mo ba malaman kung paano ka nag kamali dito?" Tinuro ko 'yung item na kung saan kanina pa nya tinitignan.
"Okay lang?" Gulat nya itong tinanong at tumango naman ako bilang sagot.
Medyo naka hinga ako ng maluwag dahil kahit papano may conversation na kami.
"Akin na," kinuha ko 'yung papel at ipinakita ko sa kanya kung saan sya nag kamali at paano ang dapat nyang gawin para hindi na nya maulit 'yung pag kakamali nya.
"Always be careful sa signs kasi once na nagkamali ka sa nilagay mo its either na mababago na 'yung solution o lalayo ka sa final answer."
"Oo nga noh! " Kinuha nya ulit yung papel at ngumiti na parang bata na binigyan ng candy.
"Grabe ang simple lang pala pinapahirapan ko lang 'yung sarili ko."
"Of course, simpleton like you wouldn't understand." Biglang humirit si Daemon.
"Nagbibiro lang 'yan," I smirked out of confusion "Palabiro lang talaga tong kaibigan ko."
Ngumiti lang si Harris sa akin bilang sagot. Isinarado naman ni Daemon 'yung binbabsa nyang text book at tumingin sa akin na kakunot ang noo.
"Saang parte ng sinabi ko na nag bibiro ako?"
"Daemon... C'mon hindi naman lahat ng tao kayang intindihin ang paraan ng pag tuturo ni Maam kanina eh. Nag self-study nga lang tayo to fully understand the lesson."
"Felix, hindi ka dapat nakikipag usap sa mga kagaya nya his stupidity will infect you!" he snapped. " Like, kanina pa nya tintignan 'yung paper nya at hindi nya mafigure out 'yung simpleng bagay na nagpakuha ng pasang awa nyang grade!"
"Daemon!" napasigaw ako.
Dahil hindi ko na kayang marinig sa kanya 'yung mga binibitawan nyang mga salita. Nabalutan kaming dalawa ng katahimikan and our eyes locked from each other.
Ilang segundo lang bago ito kumalas at umalis sa harapan ko.
"Daemon, wait!" tawag kong muli dito.
Hindi ito lumingon at nag derederetsyo lang sya palayo sa akin. Agad ko naman syang hinabol, bago ako tuluyang makalabas ng canteen.
Na pasulyap naman ako kay Harris looking down staring at his paper on the table.
I felt miserable witnessing his reaction pero hindi ko naman puwedeng pabayaan si Daemon.
"Daemon teka lang," agad kong hinablot ang kanyang braso at marahan ko syang pinaharap sa akin.
Hindi nya ako tinitignan ng deretsyo at ang kanyang mata ay tinatakpan ng kanyang buhok.
"Why did you act like that?" Tanong ko sa kanya.
Hindi ito sumagot sa akin at nakita ko na lang na tumulo ang kanyang luha.
"May nagawa ba akong mali? Did I say something that I shouldn't have? Tell me..."
Hinawakan ko ang kanyang baba at marahan ko itong hinarap sa akin. Hinawi ko rin ang kanyang buhok na nagtatakip sa kanyang muka. Nakita ko mula sa kanyang mata ang takot at sakit.
His looks broke my heart and remembered how I felt just like him.
Agad nyang hinawakan ang magkabilang braso ko at bigla nya akong itnulak sa isang sulok kung saan walang makakaita sa amin. Inilapit nya ang kanyang muka at unting-unti na nag sasara ang distansya namin.
"I'm scared," hinawakan nya ang aking kanang pisngi habang nakatingin sa mga labi ko.
"You are having too much fun with him na it scared me baka pag napalapit ka sakanya iiwan mo na ako," tumulo ulit ang kanyang luha. "Nakakita ka na ng bago at iiwan mo na ako."
"Alam mong hindi ko gagawin 'yon diba?" hinawakan ko din ang kanyang kabilang pisngi and gave a faint smile.
Sinandal nya ang kanyang ulo sa aking balikat at hinigpitan nya ang kanyang pagkakayakap sa akin.
"Finally, you're mine again..."
I know in that moment may narinig ako na mahinang bulong mula sa kanya.
Iyon na pala ang senyales na may nakapulupot na collar sa aking leeg and the devil claimed his slave...
END OF CHAPTER 47
BINABASA MO ANG
The Perfect Conundrum [BL]
RomanceAt Southern Jötunheimr University, everyone looked up to Felix Delos Reyes as a role model and a perfect student who was Idolized by many. He was a prodigy among his peers. He excelled at everything, especially in academics. However, the simple mist...
![The Perfect Conundrum [BL]](https://img.wattpad.com/cover/298119569-64-k206131.jpg)