Chapter 10
F E L I XPapaunta ako ngayon sa usapan namin ni Eric at isang istasyon na lang ay makakrakting na ako sa meet up namin.
Medyo maaga pa sa oras na sinabi nya.
Syempre as a good student kailangan natin maging punctual sa kahit anong event, formal or informal man.
Si Mommy ang nag turo sa akin nito, sabi nga ni Mommy from William Shakespeare; Better three hours to soon than a minute to late.
Marami-rami rin ang pasahero ngayon pero hindi sya gano'n ka dami para magsik-sikan kami.
Wala talaga sa schedule ko ngayon ang pagpunta sa Central Terminal saka saan kami nito mag reresearch for the role? Sa mall? Sa park? but I already got the feeling kung saan.
"Ang Susunod po na istasyon ay Central Terminal, Central Terminal," anunsyo ng konduktor ng train.
Pagdating sa istasyon ay maingat akong bumaba ng tren dahil baka madala ako sa alon ng mga bumaba rin na pasahero.
Daan siguro muna ako sa malapit na park para bumili ng mga finger foods do'n. Gusto ko sanang makatipid ngayon kasi gamit-gamit ko ang allowance na binigay sa akin para sa buwan na ito.
Kahit pa na binigyan ako ni Tita Leita ng extra money itabi ko na lang muna just in case of emergency.
Dumiretsyo na ako sa isang park at pag punta ko do'n hindi ko inaasahan na madami ang tao ang andidito.
Pamilya, magkasintahan, okaya magbabarkada.
Una kong hinanap ay 'yung mga nagbebenta ng mga pagkain at tamang-tama na tanaw agad ng mata ako ang nagtitinda ng mga fishball.
Kumuha na ako ng stick at plastic na baso para mag tusok-tusok doon. Tumusok lang naman ako ng fishball, kikyam saka 'yung mga hiwang hotdog. Pagkatapos ay naglagay ako ng maanghang na sawsawan at pinanilguan ang nasa baso ko.
Bumili narin ako ng gulaman, pang tulak. Humanap ako ng puwesto kung saan makakakain ako ng mapayapa kaya naglibo't-libo't ako hanggang sa makahanap ako ng magandang puwesto.
I sat on an unoccupied bench and started to savor my food. Tanaw na tanaw ko dito ang mga nagpipiknik at mga batang naglalaro sa paligid. Syempre hindi mawawala ang mga mag jowang naglalampungan sa gilid.
Nakakatuwa lang makita 'yung pamilyang andito, kitang-kita mo sa kanila ang saya at ang pagmamahalan nila sa isa't-isa.
Hindi ko tuloy maiwasan maging emsyonal at mag selos ng kaunti. Dati kasi, kami rin nila Mommy pumpunta sa mga parks para mag bonding kaming pamilya.
Si Mommy na taga picture at taga cheer sa amin. Tapos kami naman ni Daddy ang nag papalipad ng saranggola.
Isa 'yon sa mga sandaling hindi ko makakalimutan at Isa narin 'yon sa mga huling alaala na buo pa kaming pamilya.
Ano ba 'yan masyado na akong nagiging emosyanal....
Inilunok ko na ang mga ningangata ko at inubos ang gulaman.
Nakaramdam ako na kailangan kong mag tungo sa banyo. para mailabas ang isnisigaw ng pantog ko. I did what I must do sa loob ng cubicle.
Lalabas na sana ako nang biglang may pumasok sa banyo ng marahas kaya napatigil ako.
"Santino pagod na ako, hindi ko na kaya!" Sigaw ng lalaki.
Santino? as in Santino Cruz? Bigla kong naalala 'yung kinuwento ni Jacob sa amin no'ng isang araw. Damn, wala naman akong pake, gusto ko lang namang labas sa cubicle na ito.
Kaso, parang may parte sa akin na gustong malaman kung sya nga talaga 'yung Santino na tintukoy ng lalaking 'to?
"Please, Alec huminahon ka, ayusin natin 'tong dalawa!" Sagot naman nya.
"I just can't Santino Cruz! Your whole family is against our relationship saka isa pa hanggang kailan mo pa ako pagtutulakan? " Rinig kong nangangatog nyang boses "Am I just a play thing to you?"
Cruz? si Santino Cruz nga. Edi ibig sabihin 'yung rumored boyfriend nya nga ang kausap nya ngayon.
"I love you Alec at walang magpapabago do'n Ikaw at Ikaw lang ang pipiliin ko," sagot ni Santino.
Hindi sumagot 'yung lalaki bagkos ito ay nagpakawala ng hagulgol.
I really want to get out of this situation, but I don't think it's the best time to do so. Possibly, I can get caught in the middle. So, I sat on the toilet and waited patiently.
"Love you? Naririnig mo ba ang sarili mo?" nangangarag ang kanyang bosses dahil sa kanyang paghagulgol. After malaman ng lahat na boyfriend mo ako bigla ka na lang nag laho na parang bula. At first I totally get it pero na realize ko na kaya mo ba ako nilalayuan dahil nalaman nila o nalaman na nya?"
Walang nag salita sa kanilang dalawa at tanging pag iyak na lang ang naririnig ko. May na diskubre ako na hindi ko dapat malaman or napakinggan.
I shouldn't be here, grabe wrong timing naman 'tong pantog ko sa totoo lang. Gusto ko na talaga makaalis sa sitwasyon na 'to
"Alec... " I heard his faint voice.
"Alam mo it's time to stop and be real."
"What are you saying?"
"He must be the one who was hurting the most."
"Alec?"
"Im Sorry..."
Narinig ko ang pag bukas ng pintuan, senyales na 'yon na lumabas na sila kaya tahimik ko ng binuksan 'yung cubicle at dahan-dahan akong lumabas.
Hindi ko nga lang na pansin na andyaan papala si Santino naka harap sa salamin.
Shit! Hayaan muna, hayaan muna... Mag derederetsyo ka lang wag ka nang tumingin.
"Anong ginagawa mo?!" mawtoridad nitong sinabi kaya napatigil ang buong katawan ko dahil narin sa tindig ng bosses nya. "Felix Delos Reyes?"
Hindi ko sya nilingon kasi tatakbo na sana ako, kaso bigla nyang na hablot ang braso ko. Sa lakas ng hatak nya napaharap ako sa kanya. Tinitigan nya ako ng masama at dahan-dahang lumapit ito sa akin. Ako naman ay napapaatras hanggang sa napasandal ako sa pader.
Hinarangan nya ang daan ko papunta sa pintuan gamit ang kanyang braso. Lalo pa nya idinikit ang muka nya sa muka ko at ilang metro nalang ay magdadampi na ang aming mga muka.
Bumilis ang tibok ng puso ko sa sobrang kaba dahil narin sa maari nyang gawin sa akin.
I noticed his brown eyes and pointy nose together with his attractive lips. Sobrang lapit nya talaga sa akin.
I could even feel his breathing...
Ngayon ko lang na realize na ganito pala sya kaguwapo pero his eyes were so red dahil narin siguro sa pag iyak.
Hindi ko na nga alam kung ano dapat kong maramdaman.
"I promise, I didn't mean to eavesdrop," I nervously said. "I just don't know how to get out."
Hindi ito kumibo at patuloy lang sa pag tingin sa akin ng masama. His looks literally pierced through me, parang gusto na ako ibitin nito patiwarik.
I just want to get out of this situation!
ASAP!
"Don't ever bring this up to anyone," banta nito sa akin. Tumango lang ako sa kanya while trying to calm myself.
"Kapag may bagong usapin na kumalat sa school. I'll know na ikaw ang nag pakalat no'n," dag-dag nya pa.
Inalis na nya ang naka harang nyang braso at bumalik na sa lababo upang mag hilamos. Hindi sakit at lungkot ang nakikita ko sa muka nya kundi galit ang sa tingin kong ipinapatak ng mga ito.
"What are you looking at?!" He glared. "Get out!!"
Agad narin naman akong lumabas dahil sa takot...
Grabi ang tindig ng bosses nya, sobrang lamig at lalim. Kahit sino matatakot sa kanya lalo na kapag pagalit ang bosses nito. Kaya pala talaga sya kinoronahan as the Sadisitc King.
END OF CHAPTER 10

BINABASA MO ANG
The Perfect Conundrum [BL]
RomanceAt Southern Jötunheimr University, everyone looked up to Felix Delos Reyes as a role model and a perfect student who was Idolized by many. He was a prodigy among his peers. He excelled at everything, especially in academics. However, the simple mist...