Chapter 32
F E L I X
I really just want to get out of here right now...
Ang sobrang awkward ko sa mga crew at sa mga co-actor ko. Kinakausap naman nila ako pero it's just small talk tapos ngit-ngiti na lang ako.
Hindi ko pa aakalain na pagbalik ni Santino ay may dala na syang pag kain. Gusto ko na talaga umalis kaso ayaw pa akong pakawalan ni Elli.
Kaya kumuha na lang din ako ng serving kahit wala akong gana. Lumapit ako kay Eric habang kumukuha sya ng pagkain na dala ni Santino.
"Eric," bulong ko "I really wan't to get out of here as in right now."
"Why?" pagtataka nito, "Nag cecelebrate tayo dahil finally kumpleto na ang cast, you should atleast enjoy lalo na you become a part of it."
"I can't stand the atmosphere here," I answered "Parang na paka out of place ko dito."
"No, You're not."
"Panong hindi? Eh ayaw nga nila ako kausapin."
"Felix isa ka sa mga kilalang Twelve Thrones they probably don't know how to approach you."
"Don't make that as an excuse."
"N0, I didn't," he fired back "I'm telling you the truth."
"Bakit si Salvo?" maktol ko. "Like look at him, he can talk to the other crews and not being awkward eh Twelve Thrones din naman sya?"
Pinalingon ko sya kay Salvo at parehas namin pinag masadan 'yung grupo na kausap nya.
He is just laughing and having a long conversation with them. Pakiramdam ko tuloy na parang hindi sila sumangayon na nakuha ko 'yung role.
Parang may tanong sila na...
'ano ba ang ginagawa ko dito?'
"Trust me Felix," he let out a sigh "I'm telling you, hindi naman sa ayaw nila it's just that you are one of the known figures across campus. They did not expect na, a school celebrity like you is joining an indie film."
I still don't get why Salvo got a normal treatment kahit isa rin sya sa malaking figure across the campus. Well, I get Eric and Harper kasi they got their popularity through their social standings and their attractiveness.
If I think this too much baka mabaliw lang ako saka bakit ko ba iniintindi 'to in the first place?
"Eric, just let me get out of here." reklamo ko, "I already got the role at wala naman na dapat akong gawin dito."
"Just enjoy the party," he tried to stopped me pero umiling ako sa harap nya.
"Fine," singhal nito "Follow me."
Sinundan ko naman sya at parang wala naman naka pansin sa amin na papunta na ng pintuan palabas.
Lahat naman sila ay busy makipag usap sa isa't-isa. Kaso bago ko pa mahawakan 'yung door knob para makalabas ay tinawag ni Elli si Eric.
Nagkatinginanan kaming dalawa kaya tumango naman agad ako at lumabas na ng room.
Finally, I'm out!
I checked my phone para makita kung anong oras na and I couldn't believe its already 5:30 na ng hapon.
Nakatakip kasi ang mga bintana sa loob kaya hindi ko rin na pansin 'yung araw sa labas.
While I'm cheking my news feed sa twitter, na patalon ako sa gulat nang may biglang lumitaw sa harap ko out of nowhere.
"Here, I bought you a drink," maligalig na inaabot ni Chase 'yung bote ng Delight.
"Saan ka galing?"
"Actually, naka upo ako malapit sa pintuan ng room kung saan ka ng galing."
"Hinintay mo ako?"
"Hindi mo ako nakita so nagtry akong magpakita."
Ibang iba na si Chase ngayon he is more like enthusiastic, bubbly and... Cute?
Hindi na 'yung Chase na lagi kong kinaiinisan dati. Pero the way na ginulat nya ako parang akong aatakihin sa puso.
"Thanks," I grabbed the drink at pinilit na ngumiti.
"So how is your audition?" Tanong nya.
"Tinatanong pa ba 'yan?" I asked back while giving him the smile.
"Conrats Duude!" sabay yakap sa akin ng mahigpit. Tinaas ko ang kilay ko dahil sa gulat at tinapik na lang ang likod nya as a return from his hug.
Parang sya pa 'yung mas masaya na nakuha ko 'yung role.
"Si Eric 'yung leading man mo diba?" He asked.
Ginulat nanaman nya ako dahil interesado sya sa pelikulang ito not to mention na ito ay pag iibigan ng dalawang lalaki.
"Yes," I nodded.
"Simula talaga na sumali ka dyan lagi ka ng kinukuha ni Eric sa amin," bugnot nya. "Kaya sabihin mo lang pag may ginawa sya sayong masama uupakan ko talaga 'yon."
Ipinakita nya sa akin 'yung kamao nya na nangigil matamaan si Eric. Ibiniba ko ito at napailing na lang.
"Wag kang mag aalala wala sa aking gagawin si Eric pero if my problem ako I'll tell you," then I gently patt his head.
I suddenly saw 'yung pagpula ng pisngi nya hanggang sa tenga nya. Hindi ko napigilang tumawa at sya naman nagtago sa hiya kaya iniwas nya 'yung tingin sa akin.
"Asan pala sila si Seph?" Paghahanap ko.
"Well may mga kanya-kaya silang club activties after school kaya ako na lang 'yung sumundo sayo. Saka bilin na rin ni Seph."
May biglang nag notif sa phone ko kaya agad ko itong tinignan at nag text si Vincent. Sabi nya sa akin sya na daw tumatapos nu'ng ibang paper works ko katulong ang ibang officers.
"Okay, wala naman na akong gagawin sa Student Council dahil ibang members na ang bahala sa papers ko," tinago ko na 'yung phone ko sa bulsa. "Ikaw ba wala kang gagawin?"
"Wala naman na, actually uuwi na ako eh."
"Kung gusto mo sabay na tayong umuwi tutal magkalapit lang naman bahay natin." aya ko sa kanya.
"Sure" he smiled.
Naglakad na kami palabas ng campus at nag hanap ng Jeep papunta sa sakayan ng UV.
Habang asa Jeep kami hindi mapigilan ni Chase na makipag kuwentuhan sa akin lalo na puro nakakatawa 'yung kinukuwento nya.
I swear dahil do'n medyo nawala 'yung bigat ng social exhaustion ko from the audition. Kahit hanggang sa UV.
Sa kalgitnaan nga lang ng byahe bigla itong nanahimik at naramdaman ko 'yung ulo nya sa aking balikat.
Sinubukan ko syang kausapin pero pansin ko na mahimbing na 'yung tulog nya.
I also accidentally smelled his hair and it smells so good hindi ko sya ma describe but it has strong soothing smell.
Isasandal ko sana sya sa bintana, pero wala naman sigurong masama kung patutulugin ko sya sa balikat ko.
END OF CHAPTER 32
BINABASA MO ANG
The Perfect Conundrum [BL]
RomanceAt Southern Jötunheimr University, everyone looked up to Felix Delos Reyes as a role model and a perfect student who was Idolized by many. He was a prodigy among his peers. He excelled at everything, especially in academics. However, the simple mist...
![The Perfect Conundrum [BL]](https://img.wattpad.com/cover/298119569-64-k206131.jpg)