Chapter 41
F E L I XI stood silently behind the lockers, observing them. Ang aking mga paa ay parang nakadikit na sa sahig.
Hindi ko maigalaw....
Sinusubukan ko parin iproseso ang mga narinig ko mula kay Seph.
"Ang sakit n'on Santino hindi mo alam ang lahat ng isnakripisyo ko para sa ating dalawa. Tapos gaganituhin mo lang ako?!" Tumulo na ang mga luha ni Seph.
"Seph! Ang unfair mo! Sige nga anong ginagawa nyo ni Felix sa mall kasama ang pamilya nya?" diin ni Santino "Wag mong sabihin namanhikan ka saka nila at finally nahanap mo na 'yung relasyon kung saan tanggap kayo!"
Hindi napagilan ni Seph na masampal si Santino ng malakas sa kanyang pisngi.
"Ang kapal ng muka mo para pagselosan ang matalik kong kaibigan!!"
Biglang nag bago ang ekspresyon ni Santino pagtingin nya kay Seph. Tila natauhan ito sa mga pinagsasabi nya.
Agad nya itong niyakap ng mahigpit at hindi na napigilang mapaiyak.
"I'm sorry..." Bulong nito.
"Bitawan mo ako!" sinubukan pumiglas ni Seph kaso ayaw kumawala ni Santino.
"Please, I'm sorry..."
Sinusubukan parin nyang magpumiglas ngunit ayaw talaga syang bitawan ni Santino.
"Santino, sabing bitawan mo ako eh!!"
"I'm sorry Seph... I'm Sorry..."
Napansin ko 'yung discomfort nya mula sa pagkakayakap ni Santino. Kaya agad akong lumapit sa kanya at itinulak papalayo si Santino.
Napasandal sya sa mga lockers na nagsanhi ng malakas na kalabog. Pumagitan ako sa kanila para hindi nya malapitan si Seph.
"Subukan mong lumapit pa kay Seph malilintikan ka sa akin," banta ko sakanya.
"Felix?" pagtataka ni Seph "Anong ginagawa mo dito?"
"Ayos ka lang ba?" Humarap ako sa kanya at chineck kung okay lang ba sya. Kaso iba ang pagkatitig nya sa akin.
"Kanina ka pa ba andito?!" Biglang nagbago ang tono ng boses nya sa akin.
"Erm... a-a-no..." Hindi ko mahanap mula sa likod ng aking dila ang maisasagot.
"So, your eavesdropping?!" Nakasimangot nitong tanong sa akin.
"Seph-" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla na lang nya akong sinampal sa akin kaliwang pisngi.
Sa lakas nito ay parang lilipad ang aking ulo palayo sa aking katawan.
Napahawak na lang ako sa aking pisngi sa gulat. Agad na umalis si Seph sa harapan ko kaya hinabol ko namam ito.
Sumulyap naman ako kay santino at aktong nakatingin din sya.
Akala ko nakangisi ito o pinagtatawanan ako. Walang ekspresyon ang kanyang muka at naka sandal lang sya sa locker habang nakatingin pa rin.
"Seph teka lang," tawag ko dito "Seph!"
Kaso hindi ako nililingon nito kaya tumakbo na ako papunta sa kanya at hinablot ang braso nito.
"Seph, mag usap naman tayo!"
"Bitawan mo ako Felix," humahagulgol nitong utos sa akin. "Felix, let go!"
Hindi ko sya binitawan at tumingin lang sa kanya ng masisinan.
"Seph, you don't have to worry, kaibigan mo ako I can keep this as a secret and you know that you can trust me, let's talk."
BINABASA MO ANG
The Perfect Conundrum [BL]
RomanceAt Southern Jötunheimr University, everyone looked up to Felix Delos Reyes as a role model and a perfect student who was Idolized by many. He was a prodigy among his peers. He excelled at everything, especially in academics. However, the simple mist...