CHAPTER 53

15 2 0
                                        

Chapter 53
F E L I X

Today is the day, midterms are here. Sa lahat ng mga naganap nu'ng mga nakaraang araw. Pinilit ko parin na makapag review dahil mahalaga parin sa akin itong Exam na 'to.

This is where I shine the most bukod sa ibang talents ko.

Sadly, acting isn't one of those...

After daw ng Midterm's exam mag sisimula na kaming mag shoot for the film.

I clapped my face between my hand's para magising sa realidad na ang priority ko parin ay ang academics.

Kailangan kong makapasok sa Eir's School of Medicine ang Med-School ng Southern Jötunheimr University.

Pahirapan ang pagpasok do'n lalo na ang under-grad program nila. This time, sisiguraduhin kong makakapasok ako mula sa aking sariling abilidad hindi sa ibang tao.

Habang tinitignan ko ang sarili ko sa salimin, napatalon ako sa gulat nang may kumalampog sa pintuan ng CR kung nasaan ako ngayon.

"C'mon Felix hanggang kailan ka pa ba dyan inside the restroom?" Reklamo ni Flor sa kabila ng pintuan.

"Hetoh na lalabas na," sagot ko.

Isinuot ko na agad ang polo ko at binuksan ang pintuan.

"Kita mong hindi pa ako nakakapag bitones oh!" Salubong ko sa kanya.

"You can do that outside; I've been holding it in for like couple of minutes now!" Bugnot nitong sinambit at isinarado ang pintuan.

Ang galing parin talaga ni Flor na inisin ako pero kahit papano nagiimporve na sya towards sa akin.

Hindi na 'yung apaka spoiled na Flor.

I'm still wondering kung ano 'yung dahilan at tumuloy sya dito sa Pilipinas.

Nahihiya ako magtanong kasi it's none of my buisness, saka ayaw ko namang makisawsaw.

Pag buntonghininga ko naramdaman ko nanaman 'yung feeling ng ganito...

Iyung ipinaramdam ni Seph sa akin nu'ng araw na 'yon...

Inayos ko na lang sarili ko at tinapos na ang pagbihis ng uniform. I need to clear my mind dahil mas priority ko ngayon ang Exam.

Nag tungo na ako sa hapag kainan at binati si Tita ng Good Morning sumunod naman si Flor sa pagbati na asa likod ko na pala.

Sabay kaming umupo at nag sandok na ng pagkain.

"It's really a good thing na mamimili na kayo ng kakailanganin ni Flor para sa susunod na Semester," masayang pahayag ni Tita sa'kin habang sumasandok ng ulam. "Magandang bagay 'yan para mag bonding kayong magkapatid."

"Opo, tutal papalapit naman na ang second semester. Mahaba po rin kasi ang pila kapag sa sem-break pa namin ginawa 'to."

"Okay, buti naman." Ngiti ni Tita "Enjoy kayo ha, walang mag aaway."

"Opo Tita," sabay naming sagot ni Flor.

"Flor," tawag ko sa kanya at agad naman nya ako nilingon. "Alam mo naman na papunta sa school diba?"

"Yes," tumango ito.

"Sunduin kita, around lunch. Doon sa main gate, bibili na rin tayo ng books mo tapos pasukat ka na rin ng uniform mo."

"Okay," tumango ulit ito.

For the first time hindi ito nag bigay ng side comment o reklamo kundi sumangayon lang sya sa akin.

The Perfect Conundrum [BL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon