CHAPTER 15

20 2 0
                                    

Chapter 15
F E L I X

After namin mag pakabusog sa food court, Echo-Echo decided na ihatid ako pabalik sa train station.

Hindi naman na nya ako kailangan ihatid pa dahil kaya ko naman ang sarili ko. Kaso kahit umayaw na ako nagpumilit talaga sya na ihatid ako kaya wala na rin ako nagawa.

Enjoy ko naman ang araw ko kahit may mga pangyayari na hindi ko ineexpect. I also learn something about him and I'm glad na natuklasan ko ang mga bagay na 'yon.

It just baffles me on why is he doing such a thing for me. Everything doesn't make any sense.

Why is he being kind to me? Ano ang makukuha nya sa lahat ng 'to?

Habang nagdadrive sya papunta sa LRT bigla nyang hinanaan 'yung radio nya at sumulyap ito sa akin.

"Iyong kanina sa kuwarto bago tayo lumabas..." Panimula nya "Bakit mo naman ba na tanong kung problema ba 'yon?"

"Alin?"

"Being gay..."

"I was actually just curious," napakunot naman ako. "Kasi I made a creepy move on your friend tapos imbes na sira na ang imahe ko sa school 'you decided parin to keep what happened, dead silent."

"Actually hindi ko talaga intend na-"  Hindi ko sya pinatapos.

"Alam ko naman 'yon from the way you act pa lang, you are kind, good listener and you know how to understand people," I replied. "That's why you lied to me when you said Yohan have an affair on a guy kasi that guy is pertaining to me..."

Hindi sumagot si Eric kundi itinuon lang ang pansin nya sa pag mamaneho.

"Hindi ako tanga Eric," Malamig kong sinabi "You keep prying on why I decided to keep my real self hidden that's why you created this narrative to make me talk..."

I looked at the window and stared at the buildings that we're passing by.

"Ano ba ang makukuha mo sa akin at ginawa mo ang lahat ng 'toh para lang maging leading man mo ko?"

"After ko makita 'yung ginawa mo kay Yohan nagulat ako pero alam ko naman na wala ka talagang masamang balak."

Heto nanaman sya sa ipinapakita nya sa akin na kilala nya ako. Kahit ngayon palang talaga kami nagkakausap ng maayos.

Hindi ko alam kung maiinnis ba ako o dahil sa concern na ipinapakita nya.

After nyang sabihin sa akin 'yung tanong na tungkol sa pagiging bakla ko at 'yung inaasta nya sa akin pakiramdam ko na hindi lang ang pagsali ko sa film ang kailangan nya.

It's too simple wala namang gano'ng tao na magtatago ng sikreto ko na alam kong makaksira sa akin.

"Kaya..." Bitin nitong sinabi at sumulyap sa akin.

"Hindi ko naman gusto na magsinungaling sa'yo. Gusto ko lang talagang tulungan ka kung saan natin puwede iimprove 'yung acting skills mo. I just gave you a motivation and it works. I wanted an answer from you kasi I also want to learn from your perspective. Kung ano 'yung pakiramdam ng nag mamahal sa kapwa lalaki."

Sabi ko na nga ba, he made all this trouble para lang may makuha sa akin. May mga bagay talaga na hindi nagbabago sa mundo.

"So, kaya mo pala ako gustong tulungan kay Yohan to take notes from me?" Inis kong tanong sa kanya "To make you gay?"

"This indie film is important to me..."

Wala pala talaga akong pag-asa kay Yohan pinaparamdam lang nya sa akin na mayro'n para makuha ko 'yung role.

Hindi ko na alam kung alin sa mga sinabi nya ang totoo sa hindi. Nanikip ang dibdib ko sa narinig ko na hanggang experiment lang pala ako.

"Alam ba ni Yohan tong ginagawa mo?" Sinusubukan ko na talagang pigilang tumulo ang mga luha ko dahil sa sakit. "Pinag mumuka mo akong tanga sa kakapaasa mo sa akin.

"No!" Buwelte nya "Felix, I would never-" hindi ko sya pinatapos.

"Buti naman, kasi hindi sya kasing sama mo." kahit anong pag pigil ko umagos parin ang luha ko.  "Magkaibang-magkaiba kayo ni Yohan, Eric"

"I'm sorry..." malumanay nya itong sinabi.

Nagbingi-bingian na lang ako at buti na lang nakarating na kami sa terminal ng LRT.  Nag pababa na agad ako dahil hindi ko narin kayang magtagal pa sa loob kasama sya.

Tinawag nya ang pangalan ko sa may bintana bago pa ako mag makapagsimulang mag lakad papalayo.

"Felix, I'm really sorry... Please wag kang mag backout sa audition," He pleased while giving me a worried look. "When I said na tutulungan kita na mapalapit kay Yohan nag sasabi ako ng totoo. I will help you..."

Pinunasan ko ang mga luha ko bago sumilip.

"Wag kang magaalala hindi ako aatras, it will be a win for the both of us. Papatunayan ko sayo na mamahalin din ako ni Yohan at makukuha ko 'yung role whether with or without your help! I will bring you success and the film will turn out beautifully at pag aagawan ka ng mga iba't-ibang entertainment agencies!" I gave him a determined stare while containing my anger.

Umalis na ako sa harapan nya at nag tungo na sa LRT...

Gusto ko na talaga munang lumayo sa kanya at makauwi na rin sa amin para makapahinga na.

Sobrang daming nangyari sa araw na 'to. Sobrang hirap nyang iprocess sa utak ko, nagulity na tuloy ako na sinabi kong naenjoy ko 'yung araw na 'to.

I spoke too soon...

END OF CHAPTER 15

The Perfect Conundrum [BL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon