CHAPTER 7

31 2 0
                                    

Chapter 7
F E L I X

"HA?" my jaw dropped.

"I mean literal na mag act ka as my boyfriend," dagdag pa nya rito.

Lalo lang akong naguluhan sa sinabi nya. Seryoso ba talaga sya sa pinapagawa nya sa akin. Like ano nalang iisipin ng tao sakanya aren't he scared that he could lose his image.

"Okay ka lang ba talaga? Ayoko ngang malaman nila na bading ako tapos ito papagawa mo sa akin?!" I growled.

Umiling ito at hinawakan nya ang balikat ko at tumingin sa akin ng diretsyo.

"What I'm trying to say is that I'd like you to play my boyfriend in a film."

I removed his hands on my shoulders at nag hikbit-balikat ako.

"NO!" I shouted. "It's still the same thing saying that I'm gay, Eric!"

"I don't have a choice then..."

"I mean YES, FINE, I'll do it!!"

"Yes!" maligalig nitong sinabi na parang akala mo nanalo sa lotto sa sobrang tuwa.

"Pero, I want you to explain it to me first para magawa ko ng tama 'yang pinapagawa mo"  regret starts to crawl into my spine.

"Okay, ang Drama club at Cinematography Club ay may collaboration para sa darating na City Meet Film Festival. We are actually adapting a popular BL book into an indie film. The writer grants us permission kasi student lang naman sya dito," paliwanag ni Eric.

Let me guess, the student that he was referring to is The Scholastic Queen, Eimery Santos. She's a junior high student who is good at reading, according to what I've learned about her.

In just one day, she can finish any type of book and explain all of its contents to you. In short mahilig talaga syang magbasa ng libro and because of that ability she also excels in her academics.

"I was already casted as the main character at baguhan lang ako sa mga ganitong role. When I saw you, na realize ko baka ikaw lang makaktulong sa akin. Lalo na kapag ikaw pa ang naging leading man ko sa pelikula"

"Why not just back off then?"

"Hindi ko puwedeng tanggihan 'yon kasi it's a favor from Yohan. Malaki ang utang na loob ko sa kanya."

Bumuntong hininga na lang ako sa sinabi nya at nagpatuloy sa pakikinig. I really have no choice, there is no way out now. Wala na akong magagawa kundi tanggapin itong pinapagawa nya sa akin.

"The casting process for the main character is still underway. Na ayos ko na 'yung requirements para sa audition. Asa last batch ka. All we have to do is practice your lines na gagamitin sa screen test."

Teka, teka ano? Screen Test? Auditon? Second Batch? Ibig sabihin hindi ko pa nakuha 'yung role?

"Wag mong sabihin sa'kin na kailangan ko pang mag audition sa role na sinasabi mo?" I asked.

"Bale gano'n na nga..."

"Fine, wala naman akong magagawa diba?!" bugnot kong sagot sa kanya at bigla naman nya akong niyakap ng mahigpit.

"Thank you!"

"So kelan ba itong audition na 'to?"

"Sa katapusan na."

"WHAT?"

Sa katapusan na agad? Edi ibig sabihin I have only one week to practice the script at aralin 'yung character.

Tsk, I have far more important things to do as a student council president at sa mga school works ko kesa dito.

I'm so frustrated as hell!! Ano ba itong gulong pinasok ko.

"Seryoso ka ba talaga dyan Eric?" tanong ko ulit.

"I really need you for the role" he answered.

"Kailan tayo mag iistart then?"

"After class sabay tayo bumalik dito, bibigyan kita ng kopya ng script na gagamitin para sa audition at para masimulan narin natin agad."

Sumangayon na lang ako at napahilod sa aking sentido...

Ano ba itong pinasok ko, gusto ko na lang mag palamon sa lupa after ng final subject ngayong araw at hindi na puntahan 'tong practice na 'to.

First of all, hindi ako magaling umacting. Hindi ako interesado sa mga ganitong bagay, for me it's just a waste of time.

For sure, kapag hindi ako nakapasa sa audition the result will be the same. I need to put effort on this thing and trust sa pangit kong acting skills. At this point kailangan ko talagang gawin ng lahat para hindi masira ang image at reputation ko sa school na ito.

Pagkatapos namin linawin ang mga bagay-bagay ay umalis na ako doon at naisipang bumalik na kala Seph.

Habang papunta na ako nakasalubong ko si Yohan at ngumiti ito sa akin kaya napangiti rin ako.

"Balita ko mag au-audition ka daw sa Indie Film project ng Dramatic Guild and Cinematography Club?" Nakangiting tanong sa akin ni Yohan.

Tumango, ako bilang sagot at tumawa ng kaunti.

"Good luck Felix! Alam kong kaya mo yan!"

Sabay tapik sa aking balikat at ipinakita ang kanyang ngiti na nag papacute sa kanya ng sobra. May gusto pa sana akong sabihihin pero parang may tinik sa aking lalamunanan kaya hindi ko na nagawa.

Hanggang sa natulala na lang ako habang namumula ang aking pisngi. Ngumiti na lang sa akin si Yohan at nagpatuloy na sa paglalakad pero ako hanggang ngayon parang satatwa sa daanan dahil umabot na sa ulo ko ang kilig.

END OF CHAPTER 7

The Perfect Conundrum [BL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon