Chapter 5
F E L I XSinubukan ko talagang makatulog nu'ng gabing 'yon pero at the end hindi parin maalis sa isipan ko 'yung nangyari sa library.
Pag dating ko sa main gate ng school huminga muna ako ng malalim bago pumasok sa loob. Hindi maiwasan ng aking puso na tumibok ng mabilis dahil rin sa kaba.
Naka tingin lang ako ng deretsyo at hindi pinapansin ang nasa paligid. Habang papunta ako sa building, ramdam ko ang mga tingin sa akin ng ibang esstudyante sa paligid ko, I also heared the faint whispering within those looks.
Mukang kumalat na ang scandal sa bawat estudyanteng madadaanan ko. Lahat sila ay nagbubulungan at nakatitig sa akin. Namumuo na ang mga luha sa aking mata at nanginginig ang aking buong katawan, kasabay nito ang nararamdam kong paghina nito.
Nang makarating ako sa floor namin bigla akong sinalubong ni Seph na nag iba ang ekspresyon ng kanyang muka. Napansin nya siguro ang pag-aalala ko.
Kaya mo 'toh Felix kung anoman ang magiging reaksyon nya sa nangyari tanggapin mo na lang bilang pag intindi sa kaibigan.
"Congrats, Felix! pasado ang proposal mo sa ScieCon!!" Binati ako ni Chase ng maligalig at niyakap ako ng mahigpit.
Hindi ko na pansin na kasama rin pala sya ni Seph. Hinatak nya ako bigla papuntang classroom at sinalubong ako ng mga masasaya at masisiglang bati ng aking mga kaklase
Ibig sabihin ba no'n hindi kinalat ni Eric ang picture? Kung gano'nman puwede na akong huminga ng maluwag...
For now...
I guess he will play his card smartly at iyon ang masikinakatakot ko.
"Okay ka lang ba Felix? Hindi ka ba masaya?" pagaalala ni Seph.
"No, I'm happy about it, expected ko naman na 'yan eh," naglabas ako ng pilit na ngiti and tried to act normal.
"Congrats! Felix!" bati naman ng kaklase kong babae
"Galingan mo pare!" Bati naman ng kakalase kong lalaki at pagkatapos ay sunod sunod na nila akong binati.
Bumulong ako kay Seph para kausapin sya at sabihin 'yung nangyari. Dapat lang naman siguro malaman ni Seph kasi kaibigan ko din naman sya.
Maybe I just need some comforting words from my trustworthy friend para mawala ang takot ko. Pumunta kami sa CR at doon na ako tinanong ni Seph.
"Nga pala, kumusta 'yung date nyo ni Yohan?"
"Iyon na nga eh..." I recomposed myself first bago ako nagpatuloy at ikinuwento sa kanya ang buong nangyari sa library.
"HA?!" Laking gulat nya nang marinig nya na ang part kung saan hinalikan ko si Yohan. "Hindi ko aakalain na magagawa mo 'yan!"
"I know right!" napakunot ang noo ko "Saka hetoh pa ang mas malala doon."
"Ano naman 'yon?"
"Pagkatapos kong halikan si Yohan hindi ko na pasnsin na nakabalik na pala si Eric at kumukuha na ng mga litrato."
"What?!"
"Pilit kong pinabubura sa kanya pero ayaw nyang gawin. Hanggang sa nagising si Yohan kaya nag walk out nalang ako."
"Kaya ka ba parang nag-aalala pag pasok mo?"
Tumango na lang ako bilang sagot.
Pagkatapos kong makuwento sa kanya bakas sa muka nya ang parang pagkalito at pagkadismaya. Kung pandidirihan ako ni Seph okay lang sa akin. Wala naman akong magagawa doon kasi kahit sinong malaman o makakita ng ganoong bagay ay natural, he will be labeled as a creep or a pervert.
"Okay lang naman sa akin if you find it disgusting and if you-" biglang sumabat si Seph sa sinsabi ko.
"No, Felix" bigla ako nitong hinawakan sa magkabilang braso at tumingin sa akin ng seryoso. "You felt guilty sa ginawa mo diba?"
Tumango ulit ako bilang sagot.
"Then it means, you know it was a mistake. Saka head over heels ka kasi dyan kay Yohan masisi mo ba ang sarili mo?" sarkastiko nitong tinanong ,"Next time, control yourself okaya ask for consent kasi after all mali parin 'yang ginawa mo."
Sintutok nya ako ng mahina sa braso at binigyan nya ako ng isang comfy smile.
Hindi ko napigilan 'yung mga luha ko na tumulo dahil sa totoo lang hindi ko alam gagawin ko kapag nawala si Seph dahil sya lang talaga ang kaya kong lapitan at hinganan ng tulong.
The looks and whispers from the crowd always got me, parang dinadala nya ako sa mga alaalang tapos na at ayaw ko nang balikan pa.
"Oh bakit ka umiiyak?" Seph smirked.
"Akala ko kasi FO na tayo eh..." Sagot ko naman.
"Ano kaba, I know you are better than this kaya bakit naman kita lalayuan?"
Niyakap ko sya ng mahigpit at sinuklian din naman nya 'yon habang hinihilod ang likod ko. Sakto namang may biglang pumasok sa loob ng CR at medyo naging awkward ang paligid dahil alam kong nakatingin sila sa amin.
Kaya bumitaw na ako nang hindi pinapansin ang taong pumasok sa loob
Samantalang si Seph, cleared his throat and fix his sweater vest at inaya na ako pumasok sa loob ng classroom dahil baka dumating na si Ma'am. Natawa nalang si Seph paglabas namin at napangiti naman ako.
END OF CHAPTER 5
BINABASA MO ANG
The Perfect Conundrum [BL]
RomanceAt Southern Jötunheimr University, everyone looked up to Felix Delos Reyes as a role model and a perfect student who was Idolized by many. He was a prodigy among his peers. He excelled at everything, especially in academics. However, the simple mist...