CHAPTER 4

38 3 0
                                    

Chapter 4
F E L I X

I AM D O N E...

S O, D O N E....

Sooner or later baka ipagkalat na ni Eric 'yung picture sa buomg campus. Pag nagkataon I can't bring myself to attend classes, bakit mo kasi ginawa 'yon Felix! Alam mo namang hindi lang kayong dalawa ang andoon at ginawa mo parin 'yang kalasawaan mo.

Labeled na ako as Gay predator, Sex offender and worst baka ma dethrone ako at maging King of the Creeps!!

NO!

NO!

NO!

I grabbed my phone and checked the time, mag aalasdose na ng gabi at hindi parin ako makatulog. Hindi parin maalis 'yung feeling ng mga labi ni Yohan.

Alam ko ang creepy ko pakingan pero iba talaga parang, akong inelectric shock ng million voltage power, pero bukod doon hindi rin mawala sa isip ko 'yung ginawa ni Eric.

Capturing the moment when I kissed his best friend. Hindi na ako mag tataka kung pati si Yohan ay pandidirihan at lalayuan ako.

Mali parin ang ginawa ko kahit ano pang idahilan ko. Good luck sa akin sa school bukas, basta bahala na si Batman. Ihahanda ko na lang sarili ko at tatanggapin ang anomang mangyari.

Tumayo ako sa kinahihigaan ko at lumabas ng kuwarto para kumuha ng imimidnight snack. Hindi talaga ako makatulog at kinakabahan parin ako kaya pakalmahin ko na lang muna ang sarili.

Pagdating ko sa kusina binuksan ko agad ang ref at kumuha ng isang slice sa natitirang cake. Pagkatapos ay kumuha ako ng isang paketa ng swissmiss sa cupboard at nag timpla ng mainit na tsokolate.

Ninguya ko ang pirasong cake at uminom ng swissmiss habang nakatulala sa ere. Maya-maya lang ay nabuhayan ako dahil biglang may tumunog na notification sa aking smartphone.

Pagbukas ko nito nakita kong naka tag ako sa isang post. Hindi ko alam kung sino ang nag tag pero agad ko tinignan kung ano ito. Bigla akong nataranta baka pinost na ni Eric 'yung picture pero thank God hindi iyon 'yon.

Isa syang photo from the English Quiz Bee last month. Ako kasi 'yung nag champion kahit na challenging ang mga tanong pagdating sa finals, kaya medyo nahirapan din ako iuwi ang panalo.

I guess, I overestimated myself pero the work is done. Champion ako, this really means na kailangan ko pang pag igihan dahil sa kahit anong oras puwedeng kumupad ang utak ko.

After looking at the tagged photos nag simula na ako tumingin sa feed ko. Mga naka ilang shared post rin ako. Hanggang sa na realize kong may mga trabaho papala ako as a Student Council President.

Umakyat agad ako at kinuha ang mga trabaho ko. Sa dining room ko na ginawa para maipagpatuloy ko narin 'yung kinakain ko. Okay na siguro 'to para kahit papaano ay nadidistract ako sa mga problema ko.

Sa kalagitnaan ng trabaho ko biglang nag ring ang aking phone. Gustong makipag video call ni Daddy in the middle of the night. Paano nya nalaman na gising pa ako? I guess dahil sa mga shared post ko.

"Oh bakit ka po napatawag 'ddy?" Tanong ko.

Makikita mo sa video call na maalaiwalas sa kuwarto nya, mukang tanghali na sa kanila dyaan.

Asa abroad kasi si Daddy, sa UK specifically. Matapos mamatay ni Mommy kailangan kumayod ni Daddy para sa pangangailangan namin sa araw-araw. Dahil hindi na kinakaya ng trabaho nya dito ang gastusin sa bahay, nagpasya kami na mag trabaho sya abroad.

"Anak ba't gising ka pa? kalagitnaan na ng gabi dyan sa inyo diba?" Ibininalik ni Daddy ang tanong.

"Ano po kasi may school work pa po akong hindi pa tapos."

"Pagkatapos nyan Anak, matulog kana. Hindi maganda ang natutulog ng hating gabi."

"Daddy ba't nga ba po kayo napatawag?"

"Kinukumusta lang naman kita anak, minsan na lang din kasi tayo nakakapag usap. Kumusta naman kayo ni Tita Leita nyo dyaan?"

"Okay lang naman po. Heto tulog na po si Tita, napagod po ata sa trabaho nya."

"Ganuna ba? O sige, ikamusta mo nalang ako sa kanya ha?"

Tumango naman ako bilang sagot. Tumahimik kaming dalawa dahil ibinaling ko na ang buong atensyon ko sa ginagawa ko.

"Oh, nga pala bago makalimutan. Pupunta nga pala dyan ang kapatid mo sa pilipinas sa susunod na buwan," biglang ibinalita  ni Daddy.

Natigilan ako bigla at napatingin sa kanya. Medyo nagulat ako dahil... Kapatid? Wag mong sabihing...

Doon na kasi nakapag asawa ulit si Daddy sa apat na taong pamamalagi nya. Okay lang naman sa akin 'yon at siguro ganoon din si Mommy.

Its been 7 years since na kinuha sya ni Lord...

Isang mabuting asawa at ama si Daddy sa amin at deserve naman nyang sumaya. After kasing mamatay ni Mommy he became so sad and lifeless.

Masyado syang nabigla sa pagkawala nya, lalo naman ako.

Hanggang ngayon nangungulila parin kami. She loses the battle against terminal Illness; I still remember our last conversation.

Nak, pag nawala ako mahal na mahal ko parin kayo at hindi ko kayang makita sa aking kabilang buhay na malungkot kayo. I want for the both of you to be happy.

Of course, hindi namin sya kayang kalimutan. Alam namin pareho ni Daddy 'yon kahit na may Step Mom ako at "kapatid" we will never forget about Mommy.

"Anong kapatid 'ddy? Wag mong sabihin mayroon na kayong ana-" bago ko pa matapos ang sasabihin, nagsalita si Daddy.

"Hindi, Anak. Your Step Mom is also a single parent. Nag decide kami na patuluyin sya dyaan"

So step sibling pala sya. For some reason naka hinga ako ng maluwag. Pero, bakit dito sa pilipinas hindi ba ongoing din ang pasukan nila sa UK?

Medyo nagugulahan ako kung bakit sya pupunta dito. Hindi naman sa ayaw ko pero wala naman akong nakikitang dahilan lalo na't doon sya nag-aaral.

"Daddy bakit pupunta sya dito?" Pagtataka ko.

"Anak mahabang-usapan pero ganito nalang. Nagkaproblema sa pinapasukan nyang school at na kick out sya doon and gusto sana ng Tita Olivia mo na pagpahingahin na lang muna sya. I suggested na dyan sya pagbakasyonin tutal magkasing edad naman kayo at para maiba ang environment nya" paliwanag ni Daddy.

"So... kasama si Tita Olivia?"

"Hindi anak, may trabaho kasi kami dito and hindi namin kayang pabayaan 'yon kaya mag isa syang babyahe dyaan."

"Okay po."

"Sunduin nyo sya, anak ah. Sa Airport kasama si ate Leita, text na lang kita kapag may update na"

"Sige po," sumangayon naman ako kay Daddy.

"Sige na anak mukang nakakaistorbo na ako sa ginagawa mo, bye-bye na."

Pagkatapos ng call namin ni Daddy inubos ko na ang pagkain ko at tinapos ko narin ang aking school works. Para makahilata na sa higaan dahil maaga pa ang pasok bukas. Saka tutulungan ko pang mag luluto ng almusal namin si Tita Leita.

END OF CHAPTER 4

The Perfect Conundrum [BL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon