CHAPTER 3

47 3 0
                                    

Chapter 3
F E L I X

Alam ko dapat masaya ako ngayon dahil si Yohan mismo lumapit sa akin. Heto na yung chance para masolo ko sya pero bakit...?!

BAKIT?!

Bakit kasama namin ngayon si Eric naglalakad papunta sa library?

Sinabi lang sa akin ni Yohan na kasama si Eric right after ng huling subject. Syempre pag si Yohan ang nag sabi makakahindi ba ako? Kaya go with the flow na lang.

Asa harap ko ngayon sila nag uusap ng pabulong ewan ko ba kung ano ang pinag uusapan nila at tini-third wheel ako dito.

Lumingon bigla sa akin si Eric at ngumiti, anong saltik nito? Nang iinis ba sya?

Ningitiaan ko na lang sya ng pilit bilang sagot sa kanya. Pag ako talaga nainis kahit bakla ako uupakan ko 'yan.

Pagdating namin sa library iilan lang ang tao na andidito. Sobrang tahimik at maaliwalas ang paligid. Ganitong oras kasi pinapatay na nila 'yung aircon at binubuksan 'yung bintana kaya kitang-kita mo ang paglubog ng araw na umaaninag sa loob.

Pagkakita namin ng puwesto nagsimula na agad kami.

Medyo nakakapanghinayang lang na hindi ko na solo si Yohan dahil sumama itong kumag na 'to. I overestimated my hope. Kaya medyo na saktan ako na kasama nya si Eric. Iyong kinaiinisan at pinagseselosan ko pa talaga.

Yohan magkaibigan lang ba talaga kayo?

Iba kasi kayo magtinginan sa isa't-isa eh...

Oh, baka ako lang talga tong may saltik na nag bibigay malisya?

Habang tinituruan ko sya kasama si Eric napapansin ko 'yung features ni Yohan. His jawline, his lips and his cute tiny nose pero matangos ito at yung pisngi na parang palaging hinihiling na mapisil.

I bit the side of my lips unknowingly and stared at him.

Grabe bumibilis ang tibok ng puso ko at nararamdaman ko na umiinit ang aking pisngi.

Kasabay ng pagbagal ng oras sa aking paligid. Ito ba 'yung sinasabi nilang 'Slow Mo' kapag naiinlove ka? Kung ito nga, damn I think I'm crazy in love with him.

"Felix, naguguluhan ako eh ano ba itong cell division, mitosis saka meiosis na 'to?" tanong naman ni Eric na biglang nagpapabalik sa aking realidad. Irita akong tumingin sa kanya at sinagot ang tanong nya at pagkatapos ay bumalik agad ako sa pagtulong kay Yohan.

Gumawa ako ng mock-questions na sinasugutan nila ngayon matapos namin reviewhin ang mga lessons kanina. Kahit na andito si Eric, na enjoy ko naman itong pag tulong sa kanila para sa darating na midterms.

Maya-maya palang ay natapos na sila sa pag sagot at chinekan ko na ito. Nakakuha si Yohan ng 23 out of 25 while Eric got 17 out of 25. Well, Eric, 17 is a pretty good result.

Pagbigay ko ng resulta sa kanila parang biglang umasim ang muka ni Eric na parang hindi sya satisfied sa nakuha nya. Tinitignan nya ito ng masinsinan at biglang ibinaba ang papel na may itinuturo ito sa mali nyang sagot.

"Itong number 15 diba ang Father of Biology ay si Aristotle? bakit mali ako dito?"

I smirked at him bago ko sya sinagot.

"Nakalagay sa question 'Modern Biology'. Oh sino ba ang Father of Modern Biology?" pagtatanong ko naman sa kanya.

"Aristotle," sumagot ito agad sa akin.

"Modern nga eh," Inirapan ko sya.

"Aristotle nga...!"

"Tch, Ang Kulit!"

The Perfect Conundrum [BL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon