Chapter 12
F E L I XBumabagal na ang takbo ng sasakyan dahil papasok kami sa isang malaking gate. Hanggang sa makarating kami sa napaka laking bahay at nag parking sa tapat nito.
Tanaw na tanaw ang magarbong mansyon kahit asa loob lang ng kotsye ay kapansin-pansin agad ito. Muntik ko nang makalimutan mayaman nga pala ang pamilya ni Eric.
So, dito pala kami mag prapractice at mag reresearch sa lugar nila?
Sa bagay hindi na namin kailangan mag hanap ng lugar kung saan namin puwedeng pag aralan ang role ko.
Kung makikita naman lahat sa mansion ng mga Camacho hindi ba?
Pagbaba namin ng kotsye may sumalubong sa amin na matandang lalaki na asa mid 40's at inabot ni Eric ang kanyang susi sa kanya.
"Oh, Tay Roberto ikaw na pong bahala mag lagay nyan sa garahe ha?" maligalig na ipinagawa ni Eric sa kanya.
"Sige po boss," sagot nito at sumaludo pa.
Mayroon pang kaunting hagdan pa akyat sa main door ng lugar at may sumalubong ulit sa amin, isang matandang babae. Na nakasuot ng pang kasambahay, 'yung damit na nakikita mo sa mga pinoy teleserye.
"Sir Echo, kakatapos lang po namin initin ang mga pagkain"
"Maraming Salamat po 'nay Tilda," sagot nito sa matanda.
Sobrang galang naman pala ni Eric sa mga kasambahay nila siguro dahil sa inis ko sa kanya na pasobra ata ang pagiging kontrabida nya sa imahinasyon ko.
Tama ba ang narinig ko Echo? Ang cute naman ng nickname na 'yon. Parang 'yung Alien sa Ben-10 na palabas Echo-Echo.
"Echo...." Pabiro kong bulong sa kanya "Okay lang ba na tawagin din kitang Echo... Echo..?"
Para man lang makabawi ako sa paghatak nya sa akin sa audition. Ano kaya ang itsura nya pag na aasar?
Ako nalang lagi ang na pipikon sa kanya eh sya naman dapat. Lumingon ito sa akin pero hindi galit o iritang muka ang pinakita nya sa akin.
Kundi, nanlaki ang kanyang mata habang kapansinpansin ang pamumula ng ilong at cheek bones nya. Bigla nya itong inilayo sa akin at parang nag tago sa sariling hiya.
Nagulat din ako sa nakita ko dahil ngayon ko lang nakita ang itsura ni Eric kung paano sya mapahiya.
I felt my heart skipped a beat on my chest. Napahawak ako do'n dahil hindi ko maipaliwanag ang nangyari.
Bigla itong humarap sa akin at tumawa ng pilit at tinapik-tapik ako nito sa balikat. Nag laho na ang kaninang muka na ipinakita nya at bumalik na sa nakakabuwist na pang aasar nya.
"Suss, basta ikaw. Okay lang," kumindat ito sa akin sabay ngisi. "Puwede mo akong gawing Alien sa Ben-10 any time you want."
Bakit parang nag back fire sa akin ang plano ko...?!
Sumunod na lang ako sa likod ni Eric sa pag pasok sa bahay nya and...
OH...
MY...
GOD...
Sobrang ganda ng loob!!
Sumalubong ang malaking kumukinang na chandelier sa kisame at yung redcarpet nila na papunta sa isang malaking hagdan sa pagitan ng hallway. Tapos 'yung mga nakaakait na decorations.
Pinagmasdan lang ako na mamangha ni Echo-Echo sa bahay nya at nakatingin sa akin ito ng malagkit na parang kanin.
Siguro ang weird kong tignan dahil first time ko lang sa ganito. Habang inililibot ko 'yung mata ko sa paligid nagkasalubong ang mata namin at naramdaman ko ulit 'yung talon sa pagtibok ng puso ko.
Ano 'tong naramdaman ko..?
END OF CHAPTER 12
BINABASA MO ANG
The Perfect Conundrum [BL]
RomanceAt Southern Jötunheimr University, everyone looked up to Felix Delos Reyes as a role model and a perfect student who was Idolized by many. He was a prodigy among his peers. He excelled at everything, especially in academics. However, the simple mist...