Chapter 42
F E L I X"Felix! Felix?!" tawag sa akin ng isang lalaking pamilyar ang boses.
Agad naman akong nag pakita sa kanya at hingal na hingal nya akong natagpuan.
"Saan ka ng galing?" Pag-aalala nito.
"Pagbalik ni Seph sa set bigla na lang syang umalis, may importante daw syang kailangan asikusahin, family buisess daw..?"
Tumango lang ako sa harapan nya at binigyan ito ng maliit na ngiti.
"Tara na nagagalit na si direk do'n eh kanina ka pa hinahanap."
Habang nag lalakad kami pabalik hindi nya maiwasan na mapatingin sa akin. Ako naman tong iwas ng iwas sa kayna baka kasi mahalata pa nya na umiyak ako.
Tumigil kami sa paglalakad at humarap ito sa akin sabay hawak ng kanyang dalawang kamay sa aking pisngi.
Habang ang kanyang hinlalaki ay hinahaplos ang ilalim ng mata ko.
"May nangyari ba sa inyo ni Seph?" Nagaalalang nitong tanong. "Namamaga 'yang mata mo."
Binalot kami ng katahimikan at nagtama ang aming mata sa isa't-isa. Sa hindi ko malaman na kadahilanan parang natuwa ako na makita sya. Biglang gumaan ang loob ko at nakatulong para pakalmahin ako.
"Felix," tawag ulit nya sa akin. "I can lend you my ears, let's talk."
"Ayos lang ako," inalis ko yung pagkakahawak nya sa akin.
Inayos ko na lang ang sarili ko at nagsimula na maglakad. Tumahimik lang sya hanggang sa makarating na kami sa set.
"Oh, Felix saan ka galing kanina pa kami hanap ng hanap sayo alam mo ba crucial ang sunset na to para sa picture?" Inis na sinabi ni Direk sabay turo sa palubog na araw.
"Elli I'm sorr-" hindi ko natapos 'yung sinasabi ko.
"Alam kong mas nakakataas ka sa akin pero sa mga oras na ito ako ang direktor at hindi Elli ang itatawag mo!" Ma-awtoridad nitong sinabi "This will be the last time na bigla ka na lang mag lalaho"
"Yes, Direk." Wala na akong nagawa kundi sumunod nalang.
"Tignan mo nga ang itsura mo," may ipinalapit si Direk sa amin "Paki retouch nga 'tong si Felix."
Agad naman lumapit sa akin ang mga ito bit-bit ang mga make up kit nila at agad akong inayusan. Sinimulan na namin agad ang photoshoot this time kasama ang buong cast.
Kahit lumilipad ang isip ko dahil sa nangyari kanina, sinubukan ko parin mag focus sa camera at ibinigay best ko to look good.
Makalipas ng ilang oras na tapos narin namin lahat ng kailangan para sa photoshoot.
"Okay, good job everybody our photoshoot para sa promotion ng pelikula is a success," annunsyo ni Direk at lahat naman kami ay nag palakpakan.
Lumapit sa akin si Rosie at ibinigay sa akin 'yung school uniform ko atsaka narin 'yung bag ko.
She dosen't have to go far para gawin 'to.
"Thanks," I said.
"Welcome," she replied with a smile.
Aalis na na sana ako para magbihis sa office pero may taong kumalabit sa akin kaya nilingon ko agad 'to.
It's the smile that always energize me, the eyes that always make my heart beat faster and the cheeks that I always wanted to pinch, Yohan.
"Congratulations on your photoshoot!" bati nito. "I knew you had the potential to be Ethan Gonzales from the start, and I was right!"
My gloomy face suddenly brightened with a smile.
Nagulat ako nang bigla nya akong niyakap kaya hindi ako nakagalaw. I can feel the warmth of his body so close to mine. My arms and my hands are tempting to hold him, baka pag ginawa ko 'yon hindi ko na sya pakawalana ng mga braso ko.
I've never felt a hug like this, ewan ko ba kung dahil si Yohan ang yumayakap sa akin o dahil sa dami na nangyayari ngayon, I just needed a hug.
"Felix, Good luck!" he whispered "I'm always here watching and rooting for you."
His words made my arms hugged him back, hindi na nakapalag 'yung braso at kamay na pinipigilan syang yakapin.
Sinulit ko na 'yung moment, let me be greedy kahit sa sandali na ito. I want to hold him in my arms kahit ngayon lang.
I just really need it to forget everything that happened kahit panandalian lang.
I don't really want to let go...
We parted, and I smiled as I patted his head. Naaninag ng mata ko mula sa likod ni Yohan si Eric sa 'di kalayuan at nagtama ang aming mata.
For some reason agad kong tinanggal 'yung kamay ko sa ulo ni Yohan at ibinulsa ito. Nakapa ko 'yung singsing ni Seph na hindi ko naibalik sa kanya.
"Yohan, I'm really thankful for your support," malambing kong sinabi. "But I really have to go na, papahinga pa ako,"
"Oh sige," he replied with a wholesome smile. "Ingat ka."
Agad naman akong umalis at nagtungo sa office para makapag palit na ng damit bago umuwi. Hindi ko maintidihan 'yung sarili ko nu'ng moment na 'yon. Eric looked at me na bakit parang may hindi dapat akong nagawa.
Kahit anong gawin kong masama kay Eric, kahit anong masamang ugali ang ipakita ko sa kanya he always stay besides me.
He always appears when I'm having trouble.
Palagi na lang syang nandyan kahit anong taboy ko sa kanya, why are you doing this Eric?
Why is it that you are always the one who confuse me, pushes me, and drives me insane?
Hindi ko talaga alam na parang mag ooverheat na 'yung utak ko sa kakaisip. Walag araw na hindi ko sya inisip, dumagdag pa si Seph.
Hinaluan pa ng mga responsibilities ko sa school. I'm really burned up, gusto ko nalang talagang maka uwi sa bahay at humilata sa kama para matulog.
END OF CHAPTER 42
BINABASA MO ANG
The Perfect Conundrum [BL]
RomanceAt Southern Jötunheimr University, everyone looked up to Felix Delos Reyes as a role model and a perfect student who was Idolized by many. He was a prodigy among his peers. He excelled at everything, especially in academics. However, the simple mist...