Chapter 19
F E L I XHindi ko alam kung anong oras na ako nakatulog kakaisip sa mga problema ko. Parang makakalbo ako sa gabing 'yon.
Dahil do'n hindi ko na rin alam kung anong oras na ng umaga basta nararmdaman ko na ang sikat ng araw ay sumisinag sa muka ko.
Dahil sa alimpungat kinuha ko ang phone ko para tignan kung anong oras na at nagulat ako na tanghalig tapat na pala.
Pagbangon ko mula sa kinahihigaan ko wala na si Chase sa kama at nakaayos na ito.
Umuwi na siguro 'yung tao at hindi na lang ako inistorbo sa pagtulog, sana nag iwan 'man lang sya ng note or something na umuwi na sya para informed ako.
Hindi ko na masyadong inisip ito at nag tungo na sa CR para gawin ang morning routine ko.
Nakarining ako ng halakhakan at kuwentuhan sa may kusina kaya paglabas ko ng CR ay pumunta agad ako do'n para makita kung sino ang kausap ni Tita Leita.
"Oh, Felix tamang-tama gising kana kakatapos lang namin mag handa para sa pananghalian," salubong sa akin ni Tita tapos asa likod naman nya si Chase na nag hahanda ng mga kobyertos.
"Felix, tara kain na oh." Malagalig nitong sabi sa akin. "Nag luto kami ng paborito mo oh, Longganisa."
Nanlaki naman ang mata ko sa nakita ko. Si Chase gumagawa ng gawaing bahay? Tapos magkasundo pa sila ni Tita? I'm really confused at the moment akala ko ba umuwi na 'tong si Chase?
"Teka, akala ko umuwi kana?" Tanong ko sa kanya. Tinuro nya ang sarili gamit ang kutsarang hawak nya at umiling. "Pero andito pa ako...?"
Lumapit sya sa akin at hinawakan nya ang kamay ko sabay hila paupo sa hapagkainan.
"Tara na kumain kana alam kong gutom ka."
Sumandok sya ng fried rice sa mangkok at inilapag sa aking plato. Kumuha din sya ng itlog at ipinatong sa sinangag at inilagay naman ang longganisa sa tabi nito.
Umupo na sya sa harapan habang pinagmamasadan ako. Bakas sa muka nya ang tuwa dahil sa lapad ng kanyang ngiti.
Andoon parin ang benda sa muka nya dahil sa pangyayari kagabi.
I don't want to dwell on it too much; kung okay na si Chase den okay narin siguro ako at wala naman na dapat siguro akong alalahanin pa.
Hindi parin talaga inaalis ni Chase 'yung mga mata nya sa akin at parang may hinihintay ito.
Tinikman ko na 'yung pagkain na nakalagay sa plato ko at hindi parin umaalis ang tingin nyang malagkit. Mula sa pag subo hanggang sa pag lunok. Tumango na lang ako habang bingyan sya ng pilit na ngiti.
"Masarap naman sya," pahayag ko.
"Talaga?" masigla nitog tanong.
"Oo," sagot ko at sumubo pa ng isa.
"Buti naman..." Bigla na lang syang namula na parang isang kamatis hanggng tenga.
Sumandok ito at sinimulan narin nyang kumain. May naiwan na butil ng kanin mula sa gilid ng labi nya habang ngumunguya sya.
Sinubukan ko talagang hindi pansinin at intindihin nalang ang pagkain ko. Kaso hindi ko talaga maiwasan ang pagkairita kasi parang ang kalat tignan eh.
Kaya kinuha ko ang butil gamit ang aking hinlalaki at kinain ito.
"Ang kalat mong kumain," pang asar ko sa kanya.
Akala ko babanat sya sa akin kagaya ng ginagawa namin pero nagulat ako sa inasta nya. Tumupi sya na parang makahiya at nag derederetsyo lang sya sa pagkain.

BINABASA MO ANG
The Perfect Conundrum [BL]
RomantizmAt Southern Jötunheimr University, everyone looked up to Felix Delos Reyes as a role model and a perfect student who was Idolized by many. He was a prodigy among his peers. He excelled at everything, especially in academics. However, the simple mist...