Chapter 37
F E L I XKinuha ko 'yung paper bag ko na asa ilalim ng lamesa para makapag palit na ng damit. I feel so drowsy at parang gusto kong maligo, may shower sa may locker room ng Gym.
Tahimik akong lumabas ng kuwarto at naglakad papunta do'n.
Tinext ko si Seph para hiramin 'yung locker nya dito, so I can put my clothes muna habang naliligo. Hiniram ko na rin 'yung spare nyang twalya, gusto ko lang talaga ma wash out 'yung mga stress ko and sulk under the shower.
Parang akong nilampaso hanggang sa mapilay ng mga nakaraang araw and I couldn't believe that I'm allowing myself to be like this.
Wala naman ng gaanong tao sa gym dahil asa open field basketball court ang mga varsity nag tra-training. I can take my shower freely na walang kasamang iba.
I adjust the two knobs of the shower to make the water luke warm. Nang tumama sa balat ko 'yung tubig, ipinikit ko ang mata ko to relax a little bit and tried to clear my head.
Ano ba itong gulong pinasok ko, that press-con was a mess....
Mas lalo pa akong hinihila ng media pababa dahil sa pagsali ko sa pelikulang 'to. Napaka unfair, how come na okay lang iwan ni Salvo 'yung godly prowess nya and be an actor where there is no future in it.
Ang buhay ng artista ay as long na relevant ka may trabaho ka pero once na nalalaos ka na, patay na ang career mo.
I don't get it why Salvo abandoned his talent to chase his own happiness?
I'm an academic figure because this is me, I'm a genius, brilliant and extraordinary. Dapat asa office ako ngayon finishing paper works, polishing my proposal for ScieCon, focusing more on my studies lalo na't graduating student ako.
This me, right?
Am I... Changing?
Hindi ko na talaga alam ang ginagawa ko...
Bigla akong nakarinig ng pagpihit ng knob sa shower na katabi ko. Imposibleng magkatao pa dito dahil hindi pa naman tapos ang training ng mga varsity.
Ito rin 'yung dahilan kaya ayokong naliligo dito kasi hindi naka cubicle ang shower. Magkakatabi lang sila, walang pader or kurtina na puwedeng magtago ng naked ass ko.
Tinginan ko agad kung sino 'yung nag bukas sa tabi ko. Agad kong tinakpan ang maselan kong bahagi gamit ang isa kong kamay at ang kabilang naman ay napahawak sa aking balikat para takpan ang aking dib-dbib.
Ipinikit ko din ang mata ko at umiwas ng tingin kay Eric. Nangliit ako sa hiya anong ginagawa nya dito.
Ba't naliligo din sya dito? and I can literally see his....
His naked ass!!!
"Eric anong ginagawa mo dito?!" Pagalit kong tanong sa kanya habang patuloy parin ang pagbuhos ng tubig sa ulo ko.
"Naliligo," sagot nya.
"Oo nga..." Maktol ko "Bakit ka naliligo dito?"
"Bakit? Ikaw lang ba ang puwedeng maligo dito?" he smirked "Saka ba't ka ba nakapakit? eh parehass naman tayong..." Hindi tinapos ni Eric 'yung sasabihin nya.
"Promise maliligo lang talaga ako saka hindi ka naman kakagatin nito eh,"
Is he joking about his ano?!
Naramdam kong hinawakan nya ang braso ko kaya agad akong pumiglas.
"Don't touch me!" angal ko.
"Okay, Okay." mahinahon nitong sinabi "dito na lang ako sa kabilang shower malayo sayo," he suggested at syempre agad naman akong pumayag. Lumayo na 'yung tunog ng shower sa tabi ko.

BINABASA MO ANG
The Perfect Conundrum [BL]
RomanceAt Southern Jötunheimr University, everyone looked up to Felix Delos Reyes as a role model and a perfect student who was Idolized by many. He was a prodigy among his peers. He excelled at everything, especially in academics. However, the simple mist...