Chapter 55
E R I CParang apoy na kumakalat sa kakuhyan ang balita kina Felix, Seph at Santino. Una palang alam ko nang hindi totoo ang mga nilalaman ng blog post na 'yon.
Alam ko at sigurado ako na may gustong sumira sa imahe ni Felix, may gustong mag pabagsak sa kanya at hinayaan ko lang na mangyari ito.
Aware si Felix na may gustong gumawa nito pero masyado lumalaki ang ulo ko at naging kampante.
"Felix, saglit!" Sigaw ko dito habang tumatakbo sya papalayo sa akin.
Derederetsyo lang sya sa pagtakbo nya hindi pinapansin ang mga taong nababanga o nasasagi nya lalo na 'yung mga nakatingin sa kanya.
"Felix!" sigaw ko ulit pero hindi parin nya ako pinapansin.
Binilasn ko na ang aking pagtakbo at nang makalapit ako dito agad ko nang hinablot ang braso nito at pinaharap ito sa akin.
"Ano kailangan mo Eric?!" Inis nya itong tanong habang nagpupumiglas sa akin.
Kahit tinatago nya ang kanyang muka bakas sa kanya ang pag tulo ng kanyang mga luha.
"Huminahon ka muna Felix," sagot ko.
Nagpupumiglas parin sya sa akin. Hinigpitan ko ang hawak ko sa kanya para hindi sya maka alis.
Pag nakawala nanaman sa akin si Felix lalayo nanaman ang loob nya at ikukulong ang sarili nya.
"Bitawan mo nga ako!" Sigaw ni Felix "Hayaan mo na lang ako Eric, hindi ko kailangan ng tulong mo dahil kaya ko ang sarili ko!"
"Mag usap tayo," mahinahon kong sagot "Puwede mo ako kausapin."
"Ano ba talaga ang kailangan mo sa akin Eric?!" ipinakita na nya sa akin ang maluha-luha nyang muka habang tinititigan nya ako ng pag tataka.
Parang isasng saksak sa dibdib ang makita sya ng ganito. Ngayon ko lang makitang umiyak ng ganito si Felix, iba sa pinapakita nya noon.
"Puwede ba pabayaan mo nalang ako..." nakakunot ang noo nya. "Wag ka nganag umasta dyan na parang may pake ka sa akin kasi wala naman ta-" bago ko pa sya pinatapos hinila ko ang braso nya papalapit sa akin at niyakap ito habang hinihilod ang kanyang mabangong buhok.
Sinusubukan parin nyang mag pumiglas at kahit na hinampas-hampas nya ang dibdib ko, ininda ko lang ito at lalo ko pang hinigpitan ang yakap ko.
Unting-unti itong huminahon pero ramdam ko parin ang pagtulo ng kanyang mga luha dahil sa init na nararamdaman ko mula sa aking dib-dib.
"Hindi kita maintindihan Eric..." Malumanay nitong sinabi habang nagtatago parin sya sa may braso ko. "Bakit mo ba ginagawa sa akin 'to?"
Hindi ko sinagot ang tanong nya bagkos patuloy lang ako sa paghilod ng kanyang buhok. Gusto koman sabihin Felix hindi ko magawa kasi alam ko na hindi ka pa handa. Lalong hindi ka pa handa na malaman na matagal na akong may lihim na pagtingin sayo...
"Bakit ka ba laging andyaan sa tuwing laging nagigipit ako o pag nahihirapan ako... Hindi naman kita tinatawag o hinihingi 'yang tulong mo..." Hinawakan nya ng mahigpit ang aking vest habang huminga ito ng malalim.
"Eric, ano ba talaga ang kailangan mo sa akin bakit palagi ka nalang nag papakita when I'm at my worst?"
Gustong-gusto kong sagutin 'yan Felix pero ayaw talaga ng aking bibig na gumalaw o kaya ang aking lalamunan na na maglabas ng kahit anomang salita.
Dahil pag sinabi ko ang totoo baka ito pa ang dahilan ng paglayo mo sa akin o tuluyan kumawala ka sa pagkakahawak ko...
Hindi ko kaya...
Kasi hindi ka pa-
"Eric please sumagot ka... Takot na takot ako ngayon...." Bumitaw ito at tumingin sa akin "I'm scared of what I'll become because of you..."
Nakapiglas na sya sa pagkakayakap ko at nag tinginan lang kaming dalawa. Nag aabang ng maisasagot ko pero dahil hindi ko kayang sabihin na paiwas na lang ako ng tingin.
I heard him smirked at pinunasan ang kanyang mga luha.
"So be it," dama ko ang kanyang pagkainis.
"Kalimutan mo na lang na nangyari ito," Biglang nagbago ang ihip ng hangin at biglang tumalas ang kanyang tingin at naging expressionless ang kanyang muka.
Bago ito makalakad papalyo sa akin hahawakn ko ulit sana ang kanyang braso para hindi ito umalis pero naka iwas ito.
"Wag kang mag aalala Eric kaya kong alamin kung sino ang nagkalat ng tsismis na yon na hindi kailangan ng tulong mo," he smirked "Sa lahat ng puwede nilang makabangga ako pa talaga ang gusto nila, kung sino man sila they better be prepared on what is about to come."
Sa isang iglap nakalayo na sa akin si Felix at pinakawalan ko nanaman sya.
Bumalik nanaman 'yung harang na nag hihiwalay sa amin at sa iba.
Nag open up na sya sa akin pero pinalagpas ko pa...
Tama ba itong naging desisyon ko...?
Kapag ibingay ko ba 'yung tamang sagot hahayaan nya na ako makapasok sa kanya o gusto lang nya marinig ang gusto nyang marinig mula sa akin?
Pag talikod ko hindi ko inaasahan na nakatayo na pala si Yohan sa hindi kalayuan.
Seryoso ang muka at nakapamulsa ang kamay, lumapit ako sa kanya pero tinitigan ko lang sya saglit at nag derederetsyo na ako.
"Bakit hindi mo sinabi sa kanya, Echo..." Sabay tawag sa akin ni Yohan. "Ba't hindi mo sinabi na mahal mo sya at ginagawa mo ang lahat ng ito para mapalapit sya sayo."
Napatigil ako sa sinabi nya pero hindi ko sya nilingon at nag derederetsyo lang ako. Malamang sa malamang narinig nya 'yung lahat ng pinagusapan namin ni Felix kanina.
Sa totoo lang hindi ko matawag na pag-uusap 'yung nagyari kanina...
Hawak ko na, dumulas pa sa kamay ko...
"Natakot ka noh?" Tanong ni Yohan na parang may halong pag atake.
Humarap ako sa kanya, "Nakita mo naman Yohan diba?" tanong ko sa kanya pabalik "Hindi pa sya handa para malaman."
"Sinayang mo 'yung pagkakataon mo para sabihin ang nararamdaman mo." he fired back "Felix already asked."
Umiling nalang ako at nag lakad na papalayo.
"Tara na ilang minuto nalang meron tayo para makapag kape, mag sisimula na yung exam maya-maya," humabol sa akin si Yohan at nakisabay sa lakad ko.
"Wag mong baguhin ang usapan Eric, hindi naman ako magagalit eh" Bumuntong hiniga ito.
"Ano ba ang gusto mong gawin ko?" diin ko.
"Hindi mo ba napapansin," kumunot ang kanyang noo at humarap sa akin "Unting-unti na nahuhulog sayo si Felix."
"Hindi ko nga kayang sabihin kasi nga hindi pa sya handa"
"You can go reason all you want Echo pero nagback out ka the moment na andoon ka na sa sitwasyon," umiling-iling 'toh. "Tignan mo unting-unti na lalayo 'yan sayo at lahat ng pinaghirapan mo masasayang."
"Hindi ko hahayaan na mangyari 'yon."
"Siguraduin mo lang dahil sawa na akong itago ang nararamdaman ko sa kanya at mag paubaya sayo," Naging seryoso ang kanyang mga mata.
"Binigyan ka na ng pagkakataon sinayang mo pa. Dahil this time I will not hold back sa nararamdaman ko para kay Felix..."
END OF CHAPTER 55

BINABASA MO ANG
The Perfect Conundrum [BL]
RomanceAt Southern Jötunheimr University, everyone looked up to Felix Delos Reyes as a role model and a perfect student who was Idolized by many. He was a prodigy among his peers. He excelled at everything, especially in academics. However, the simple mist...