Chapter 51
F E L I X
Hindi ko na malayan habang kinukuwento ko ang nakaraan ko napatigil pala si Santino sa kanyang pagkain at seryoso tinitigan nito.
Mistulan parang nagulat sya sa mga nalaman nya okaya parang naguguluhan sya sa sinasabi ko kung gawa-gawa ko ba ito o hindi.
Sana nga gawa-gawa ko na lang 'to.
"Kahit na sirang-sira na ang grades ko, reputation ko at ang sarili ko nagawa ko parin na makuha 'yung slot at nakapasok sa SJU dahil sa kanya," pagpatuloy ko. "Kinalimutan ko lahat ng asa paaralan na yon at ang lugar na 'yon para magpakalayo-layo ilang kilometro mula dito. Nang hindi na ako sundan ng bangungot nayon. I'm the new Felix Delos Reyes."
"So, after all, tinakbuhan mo na lang ang lahat at nagsimula ng bago?" pagpatuloy ni Santino sa kanyang pagkain habang tinignan nya ako ng malamig.
"Ano ang gusto mong gawin ko?" Maktol ko. "Kahit sa talino kong ito hindi ko mahanap ang sagot sa problema na 'to. Nawala ang lahat ng sa akin, Santino."
"Closure, Acceptance and Moving On." Sagot nya. "Pero you seem to forget the other two."
"It is easier said than done," I smirked "Don't act like as if you know better."
"Iniwan mo ang nakaraan mo without having closure with your feelings kasi akala mo huli na ang lahat. Hindi mo matanggap ang sarili mo kasi it still haunts you from what you did. This is your weakness, na pag binalikan mo babawiin lahat ng ibinigay sayo. "
Natawa ako sa sinabi nya and bit my lower lip trying to stop my tears from falling out. In a matter of two and half years sinubukan kong iwasan ang totoong ako.
Sa totoo lang, takot parin ako na malaman nila na bakla ako pero 'yung mas malaman nila na kung paano ako umangat sa kapangyarihan ang hinding-hindi ko kayang isipin.
Now, I felt even more broken making my sexuality as a shallow cover on what's really hidden beneath that thick personality I built.
Napayuko na lang ako at wala ng tigil sa paghupa ang mga luha ko.
I tried to hide the moans of my crying pero hindi ko magawa. Nagflaflashback ulit sa utak ko every detail and every moment parang gugunaw ulit ako.
Parang masisiraan ako ng bait...
Parang unting-unti ulit na dudurog ang dib-dib ko.
Makalipas ang mga taong tinatago ko ito, ngayon lang ulit lumabas...
Naramdaman ko na lang na may yumakap sa akin ng mahigpit sa tabi ko.
It made me feel a little bit light pero hindi ko parin mapigilan mapahagul-gol ng malakas at mailabas ang emosyon ko.
Ito pala ang pakiramdam pag masyado mo ng itanatago ang lahat ng matagal. Lalo na't naungkat na ulit ang nakaraan. Kay Santino ko pa talaga sinabi out of all people...
~*~
Makalipas ang ilang minuto kumalma na rin ako at natapos narin kaming kumain. Tahimik lang kaming dalawa sa nangyari habang palabas na ng Restobar nila.
Ang sarap ng pagkain dito sa totoo lang lalo na yung dessert. Medyo nakakahiya pa nga eh. I'm literally sobbing while eating.
Seryoso, lahat ng 'yon nakita ni Santino.
Nakita nya kung gaano ako ka broken at kagulo, I really hope hindi ko 'to pagsisihan in the future.
"Hatid na kita," alok ni Santino paglabas namin sa front door ng Restobar.
BINABASA MO ANG
The Perfect Conundrum [BL]
RomanceAt Southern Jötunheimr University, everyone looked up to Felix Delos Reyes as a role model and a perfect student who was Idolized by many. He was a prodigy among his peers. He excelled at everything, especially in academics. However, the simple mist...
![The Perfect Conundrum [BL]](https://img.wattpad.com/cover/298119569-64-k206131.jpg)