CHAPTER 52

15 2 0
                                    

Chapter 52
F E L I X

Buti nalang talaga sabado, kaya humilata lang ako sa kama kahit tanghaling tapat na. Parang hinigop ang buong lakas at kaluluwa ko sa mga nangyari.

I need to get my shit together...!

Urghhhh!! Kainis!!

Ito na nga ba ang sinasabi ko ehh...

Ito ang dahilan kung bakit ayaw ko ng ibring-up pa ang nakaraan. Dahil I'm literally gonna become dark and twisty.

May kanina pang kumakatok sa pintuan kaya tinakpan ko nalang ng unan ang muka ko. Lalo pang lumakas ang katok nya hanggang sa nagging dabog na.

Bigla namang nagbukas ang pintuan at kumalampag sa pader.

"Felix! For God sake! Hanggang kailan ka hihiga dyaan?!" sigaw ni Flor sa akin. Nag tengang kawali lang ako at nagtago sa loob ng kumot ko.

"Tita is waiting for us on the dining area, lalamig daw 'yung foods!" Naramdam kong hinablot nya 'yung kumot na nakatakip sa akin.

"She is worried for you Felix. Late ka na nga umuwi, you didn't even change your clothes into your pajamas. Natulog ka wearing your stupid uniform!"

Napabangon naman ako sa narinig kong stupid uniform.

"Flor, you are calling this stupid pero susuutin mo tong uniform na to sa darating na semester."

"That's why stop making it even more ridiculous than it already is!!" Flor replied annoyingly.

Bumalik naman ako sa hinihigaan ko at sinubukang matulog ulit.

"My God, Felix. Wake the f*ck up!"

Inis nitong utos sa akin at sinubukan nyang hilain 'yung braso ko pero minamagnet talaga ako ng kama, anong magagawa ko.

"Pag hindi ka bumangon, I'm literally going to kiss you again but this time, with a tongue!" sigaw nito sa akin.

Agad naman akong bumangon sa kama at napadilat na parang may kung anong kuryente ang nag shock sa akin para magsing ako agad-agad.

"You really don't like kissing me huh," he joked.

I gave him a smug look at lumabas na ng kuwarto para makapaghilamos at maka ligo narin. 

Dahil naamoy ko parin sa uniform ang amoy ng Restobar ni Santino.

Baka kung ano pang isipin nila kaya ako ginabi na ng uwi.

Habang dumidikit sa balat ko ang tubig na nilalabas ng shower hindi mawala sa isip ko si Harris...

Kaya tinanghali na ako ng gising, he is haunting me...

Again...

Parang dati lang, walang oras na hindi sya nawala sa isip ko kasama ng mga pagkakamali ko.

Lumabas na ako ng CR, na realize ko nakalimutan kong kumuha ng damit kaya tuwalya lang ang pang takip sa aking pang ibaba.

Pag pasok ko sa kuwarto biglang sumalubong sa akin si Flor na syang ikinagulat ko.

Muntikan pang malaglag mula sa aking bewang ang nakapulupot na tuwalya na syang nagtatakip sa aking pang ibaba.

"Geez! Flor, ano ba yang ginagawa mo?!" Asar kong sinabi.

"Damn, Felix. You have a great body," puri nito sa akin habang namemezmrize sa aking katawan "Nagwowork out ka?"

"Minsan pag may free time," sagot ko. Bigla syang umiling at tinapik ng malakas ang magkabilang pisngi nya.

"I actually smelled you kanina, you smell most likely alcohol. Be honest naka inom ka ba?" pagtataka nya.

"Hindi," sagot ko.

Sana nga hang over na lang ang lahat na nangyrai Flor!

Nag hikbit-balikat lang sya at tinitigan nya ako na parang may nagawa akong sobrang laking kasalanan sa kanya.

"What?" irita kong tanong sa kanya.

"Since last night, pag kauwi mo you are really acting weird," diin nya. "Sobrang gabi ka na nakauwi, hindi ka nag palit ng damit nor did your night routine. You are like an empty soul na paikot-ikot sa kama mo."

"Why do you care?" I fired back.

"Why do I care...?!" Biglang kumunot ang kanyang noo. "Felix, two o'clock kana nakauwi ng bahay at twelve na naka uwi si Tita. I'm here at the house all alone at night waiting for you or Tita to come home!"

"Ano para alagaan ka?" sabat ko sa sinabi nya "Para pag silbihan ka?"

"I'm scared Felix..." he dropped.

Walang halong pagbibiro ang muka at tono ng pananalita nya. His eyes giving it off na nagsassabi sya ng totoo.

Sino ba naman ang hindi matatakot iwan ng mag isa dito sa bahay lalo pa't hindi sya sanay sa lugar na 'to.

What if kung may nangyari sa kanya na hindi namin ineexpect...

Dad said that he is part of my responsibilty and I'm totally neglecting it.

Agad ko naman niyakap si Flor.

"I'm sorry Flor... You're part of the family and I'm neglecting you as my brother."

For some reason akala ko itataboy nya ako pero niyakap din nya ako pabalik. Kahit hindi kami magkadugo ni Flor pamilya parin ang turin ko sa kanya.

Importante sya kay Dad kaya importante din sya sa akin. Bumitaw na ako sa pagkakayakap at tinignan ko ito.

"Sa Lunes, after class samahan kita bumili ng requirements mo sa school pati narin ang stupid uniform na sinasabi mo," I smirked

"Okay" tumango naman ito "Pero next time please mag damit ka muna bago mo ako yakapain." Natawa na lang ako.

Kumuha naman ako ng damit para makapag bihis na at kahit pinipigiilan ni Flor ang pagtawa nya hindi parin maalis sa muka nya 'yung ngisi nya.

END OF CHAPTER 52

The Perfect Conundrum [BL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon