CHAPTER 18

21 2 0
                                    

Chapter 18
F E L I X

I let Chase sleep on my bed at ako naman ang natulog sa sahig katabi nu'ng kama. Umayaw pa nu'ng una si Chase kasi nakakahiya naman daw. Pero I insist mas kailangan nya ng kama ngayon.

Kahit anong puwesto ko sa aking higaan hindi parin ako makatulog dahil sa mga kaganapan ngayong araw. Hindi pa maalis sa isip ko kung may chance ba na maging kami ni Yohan. Lakas loob ko pa naman sinabi kay Eric na I can make Yohan fall in love with me kahit alam kong imposible 'yon.

Ayaw ko lang maging mahina sa harap nya at maging bagay na puwede nyang gamitin para sa gusto nya.

"Felix?" Tawag sa akin ni Chase mula sa kama. "Hindi ka rin ba makatulog?"

"Oo eh," sagot ko. "Andami ko lang iniisip."

"Ako din eh, andami ko ding iniisip..."

The atmosphere enveloped us with silence. I don't know kung magbubukas ba ako ng topic o hindi. Wala kaming usapan ni Chase na masinsinan simula nagkakilala kami, ngayon lang talaga nangyari 'to.

I was about to open a topic about school works kaso na una na sya mag salita.

"Alam mo lasinggero ang tatay ko at ang nanay ko naman ay may iba ng pamilya."

Nanlaki ang mata ko sa gulat. Chase never opens up to someone else as far as I know kahit kaming mag totropa. Everytime na gusto namin syang tulungan, lagi nyang iniiba 'yung topic okaya sasabihin lang nya na ayos lang sya.

I dont know what to say kaya I remained silent.

"Simula bata palang ako lasinggero na ang tatay ko," patuloy nya "Sabi nya ayaw talaga nyang maging ama at aksidente lang ako. Pero para sa nanay ko isa akong biyaya at kinumbinsi nya ang tatay ko na mag bago. Ayos naman ang pakikitungo naming pamilya parang happy family pa nga eh. Kaso hindi na pala nya pinagkakatiwalaan si tatay hanggang sa pinaghihinalaan nya na may kabit daw sya."

Ramdam ko 'yung lungkot na raranasan nya sa bawat salita na binibitawan nya. Hindi ko aakalain sa likod ng mga kalokohan at maligalig nyang pagkatao ay may inililihim pala syang ganito.

I felt butterflies on my stomach as I continue listening to his story.

"Na guilty do'n si nanay dahil hindi naman 'yon totoo. Imbis na manghingi ng tawad naghanap sya ng ibang lalaki. Dahil do'n nasaktan si tatay kaya bumalik ito sa panginginom. Habang lumalaki ako, ngayon ko lang narealize na kasal lang sila para sa kapakanan ko. May kanya-kanya silang inaatupag para sa sarili nila and they make me feel alone kasi unwanted child lang ako."

Hindi ko sya nakikita ng harapan pero as I glance on the bed ramdam ko na sa mga sandaling ito tumutulo ang luha nya

"Sinubukan kong ibalik kami sa dati kaso wala na talaga. " His voice cracked "Kaya siguro kung sino-sinong babae ang pinapatulan ko at kasama ko matulog sa gabi para lang mahanap 'yung tunay na pag mamahal."

"Chase," I gently called his name "Andito kami nila Seph para damayan ka sa pinagdadaanan mo, andito lang kami lagi at puwede mo kaming lapitan. Puwede mo rin kaming ituring na pamilya at handa kaming tulungan ka dahil kaibigan ka namin."

I didn't hear a response pero nag patuloy lang ako.

"Puwede mong sabihin sa amin ang bumabagabag sayo mapagkakatiwalaan mo kami. Kahit maloko yang si Jacob at Bret alam naman natin na pagdating sa seryosong usapan matitino 'yan," I tried my best to comfort him.

"Ako, puwedeng-puwede mo akong lapitan tulad nito. Huwag kang mahiyang mag pakatotoo at mag sabi ng totoo sa akin."

Comming from me talaga 'noh. Hindi ko nga magawa 'tong bagay na 'to pero lakas loob ko syang sinabihan.

"Thank You," sagot ni Chase.

"Mommy died when I was ten at naiwan kami ni Daddy," sinimulan ko na ding mag open sakanya. "Bigla na lang nag bago ang lahat simula nu'ng pumanaw sya, Dad went to UK to have a better job. Kailangan masanay na ako na wala na si Mommy. After junior highschool lumipat ako dito kay Tita Leita to make her my legal guardian at iniwan ko 'yung nakaraan ko do'n."

"Maganda ang mommy mo..." Sagot naman ni Chase. "Alam ko na kung bakit ganyan ka guwapo."

"Nambola pa," I smriked

"Siguro 'yung Mommy mo is mabait, masayahin at mapagmahal na tao."

"Tama ka, Mommy is the most kind hearted person."

"Thank you for sharing me your story."

"Thank you for opening up to me."

I felt a connection between him parang nakilala ko 'yung tunay na Chase. Kaso hindi ko maiwasan na lamunin ng guilty. Itinatago ko parin 'yung tunay na ako. The butterfly spread across my stomach as I try to fall asleep.

END OF CHAPTER 18

The Perfect Conundrum [BL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon