Chapter 8
F E L I XPakiramdam ko parang akong wala sa sarili matapos ang usapan namin ni Eric. Hindi ako makapag concentrate sa mga lesson na idinidiscuss dahil bumabagabag sa akin 'yung gusto nyang ipagawa sa akin.
Kaya ko ba toh...?
Tulala lang ako buong klase at hindi maibalik ang sarili sa katinuan. Dahil do'n nag alala tuloy si Seph sa akin pero sinigurado ko naman na okay lang ako.
Saka ko na muna siguro sabihin 'tong problema ko kay Seph if I got my shit together. Ayaw ko rin namang duamgdag pa sa mga problema nya.
Paglabas ng teacher namin after ng last period nag handa na ang mga kaklase ko para umuwi. Lumapit naman sa akin si Seph para ayain akong kumain sa labas.
Kaso tinanggihan ko ito dahil kailangan kong asikasuhin 'tong sakit sa ulo. Saktong pagkatapos ayusin ni Seph ang gamit nya lumapit naman itong si Eric.
"Ano, tara na?" he asked.
"Teka saan kayo puputa?" kumunot naman ang noo ni Seph sa pag tataka.
Sira ulo talaga itong si Eric baka mamaya ang isipin nya ayaw ko syang kasama.
"Ah... Club works..." pag dadahilan ko.
"Ye-yes, Club works," Alanganin namang sinalo ni Eric para pagtakpan ako. Tapos binigyan pa nya ng isang ngiti si Seph.
"Kaya ba hindi ka makasama?"
"Oo eh, pasensya na ah..."
"Nako, sa akin ka pa talaga nanghingi ng pasensya, ayos lang may susunod pa naman."
"Salamat."
"Mauna na ako. Kitakits na lang bukas, chat ka pag may kailangan ka ah," kumaway na ito sa amin at lumabas na ng room kaya tinignan ko na ng masama si Eric.
"Oh bakit?" pagtataka nya. "May nagawa ba akong kasalanan?"
"Bakit mo kasi kailangang gawin 'yon puwede mo naman akong hintayin sa labas ah!" Pagalit kong sagot. "Baka mamaya isipin no'n pinagpapalit ko na sya sayo."
He just laughed as a response na lalong nagpakulo ng dugo ko sakanya.
"Masyado ka naman na prapraning. Matalik na kaibigan mo 'yang si Seraphim diba? bakit naman nya iisipin 'yon."
Sa bagay totoo naman, hindi nya magagawa 'yon. Minsan talaga nakakain lang ako ng pagkaparanoid ko.
Iniwas ko na lang ang akin tingit at kinuha ko na ang aking bag para pumunta sa park.
Pagdating namin do'n, surprisingly walang ka tao-tao. Anong mayro'n at hindi tinatambayan ng mga estudyante ang park ngayong uwian?
Inilapag namin ang bag sa bench at may inabot sa akin si Eric na papel.
"Ito 'yung script" kinuha ko ang papel mula sa kanya "Kaso hindi pa talaga 'yan ang script na gagamitin dahil pang auditon lang 'yan."
I scanned the script at muka itong isang emotional scene kung saan mag kakaaminan na ng damdamin ang mga main characters. Kung mamalasin ka naman oh! Bakit ito pa 'yung kailangan iaudition ko.
I can't even pretend to cry...
Magiging optimistic na lang ako at isipin na para sa kapakanan ng image ko 'to. Kahit na makapagbibigay parin ito ng impression sa iba na bakla nga ako.
"Okay try natin 'tong gawin 'yung asa script," utos ni Eric "Iaarte ko sya ng in character para malaman mo 'yung pag atake ng linya mo."
Nakatuon ang buong atensyon ko sa kanya then he snapped his fingers.
Parang biglang nag bago ang atmosphere sa amin, lalo na the way he looked at me. Talagang in character na nga sya.
Bigla nyang hinablot ang braso ko at tinitigan ako na parang bubuhos ang mga luha nya ano mang sandali.
"Ganito na lang ba talaga 'tayo, iiwasan at lalayuan mo lang ako? Hindi ba natin aayusin sa kung anong mayro'n tayo?" Eric spit his lines heavily. "Ethan, parang awa. Pakinggan mo naman ako..."
Namangha ako sa pag deliver ng kanyang linya parang natural lang sa kanya ang pag acting. Dahil do'n mapapaisip ka na parang totoo ang pagkakasabi nya.
"Wala nam-ang ta-yo, Dean" sinubukan kong sundan ang flow nya "Saka puw-ede ba bi-bi-bitawan mo ako...!"
Tinitigan ko si Eric katulad ng pagtingin nya sa akin kaso biglang natigil ang lahat dahil biglang humalkhak sya ng malakas sabay napayakap sa kanayng sikmura.
"Seryoso ba 'to?! Parang kang statwa kung mag salita eh," patuloy parin ito sa pagtawa hanggang sa na batukan ko.
"Kaya nga ayaw ako gawin diba!"
"Grabe napaka monotone tapos tinitigan mo ako ng seryoso na parang robot"
"Tumigil ka na nga!"
Grabe parang akong nanliit sa hiya, sabi ko na nga ba at hindi talaga ako marunong umarte. paano nalang kaya kapag sa auditon na? Mapapahiya ako sa mga judges, crews at lalo na kay Yohan!
Inubos muna ni Eric ang tawa nya bago ito huminga ng malalim at inayos ang sarili.
"Okay sigi isa pa doon ulit tayo sa Wala namang tayo part"
"Wala naman ta-"
Napatigil ako bigla dahil sa pag halakhak nya ulit ng malakas. Tinitigan ko lang sya ng masama at binigyan lang nya ako ng peace sign.
Umabot na kami ng ilang oras sa park at wala parin kaming nararating, ni hindi nga kami nakaabot sa kalahati. Panay tawa lang sya ng tawa.
Oh ayan, pinasaya na kita kung hindi lang kasi nakasalalay dito ang reputation ko at ang sikreto ko hindi ko sana gagawin itong nakakahiyang bagay eh.
Halos palubog na ang araw at kailanan ko nang umalis dahil alam ko dadating na si Tita Leita. Galing sya sa trabaho at kailangan ko syang ipaghanda ng makakain saka may mga gawain pa ako na kailangan tapusin.
"Alam mo uuwi na lang ako, may kailangan pa ako asikasuhin sa bahay," bugnot kong sinabi.
Isinabit ko na ang bag ko sa aking balikat. Sa aktong aalis na ako, bigla nyang hinawakan ang aking pulso.
"Teka lang," binuksan nya ang kanyang bag at hinablot ang isang libro na maliit. Inabot nya ito sa akin. "Ito yung libro, basahin mo 'to para maunawaan mo ang karakter ni Ethan."
Kinuha ko naman ang libro at agad na inilagay sa bag. Tumango na lang ako bilang sagot. Kaso ayaw parin nya ako bitawan at medyo humigpit pa ang kanyang pagakakhawak sa akin.
"Tulungan kitang aralin 'yung character, hintayin kita sa babaan ng Central Terminal bukas, twelve pm sharp."
Kahit na ayoko namang pumayag, umOO na lang ako. Tutal gagawin ko 'na rin' to, kareerirn ko na din. Ayoko rin namang mapahiya sa harap ng mga judges lalo na't chineer ako ni Yohan kanina.
"Okay," mahinahon kong sumangayon sa kanya.
Binitawan naman na nya ako kaya umalis na ako sa harap nya dahil dadaan pa ako sa grocery bago umuwi.
Magluluto nalang siguro ako ng Adobo ngayon gabi, kailangan narin na maluto ang manok sa bahay dahil baka mapanis 'toh. Saka kung sa kaling may matira baka puwede ko pang baunin ni Tita para bukas.
END OF CHAPTER 8

BINABASA MO ANG
The Perfect Conundrum [BL]
RomanceAt Southern Jötunheimr University, everyone looked up to Felix Delos Reyes as a role model and a perfect student who was Idolized by many. He was a prodigy among his peers. He excelled at everything, especially in academics. However, the simple mist...