CHAPTER 50

23 2 0
                                        

WARNING: READER'S DISCRETION IS ADVISED. THIS CHAPTER MAY CONTAIN TRIGGERING AND SENSITIVE CONTENT THAT SOME MAY FIND DISTURBING.

Chapter 50 ( V )
F E L I X

After that day the news spread like wild fire. Lagi na kami laman ng bulong-bulungan, chismis tapos iba-iba na rin ang nagiging bersyon nito sa mga taong nakaalam o nakakarinig tungkol dito.

Dahil halata sa muka ko ang mga galos at pasa ipinatawag ako sa Principal's office.

Pag dating ko doon nakita ko 'yung tatlong mokong na nantrip kay Harris. Bigla na lang nag apoy ang aking dibdib at nangati ang aking kamao.

Nanginig sila sa takot pagkakita sa akin.

"Totoo ba Felix binugbog mo itong tatlong 'to?" Tanong ng principal.

"Sir, ayaw po kasi nila-"

"It's just a simple Yes or No Mr. Delos Reyes."

"Yes sir." I replied with a grain of salt.

Wala na akong na gawa kundi mapa yes na lang sa kanya. Hindi man lang ako pinakinggan para mag paliwanag.

"I cannot belive this Mr. Delos Reyes na magagawa mong mangulpi ng co-students mo."

"Pero sir, sila po 'yung nag pa simula ng gulo...."

"I don't need an explanation Mr. Delos Reyes dahil dumating sa' kin ang full report from anonymous student that you're the one who made the first move."

"Pero po sir...."

"This is not the Angelicum way Mr. Delos Reyes. The Angelicum Academy won't tolerate violence."

"Sir, hindi ko naman po magagawa 'yon."

"Dapat ang ginawa mo is to report this to your teacher hindi patulan sila!"

Kahit anong gawin kong paliwanag sa kanya ayaw nya akong patapusin.

Ayaw nya atang marining 'yung totoong nangyari eh. Wala akong kasalanan dahil una palang sila talaga ang may maling ginawa.

"We have no choice but to give sanction on what happend, Felix Delos Reyes. Ikaw rin ay mag wi-withdraw sa lahat ng extracurricular activity mo at hindi ka na makakapasok sa over all rankings. With a community service for seven days together with seven days of suspension with an apology letter."

"Sir this is so unfair!" Tumayo ako sa inis at hindi na malayang napagtaasan ko na ng bosses ang principal.

"Mas swerte ka pa at hindi months ang suspension mo okaya complete expulsion sa paaralan na ito," Seryoso nitong sinabi "You'll starting your community service tommorow."

Pagkalabas ko ng pintuan bumungad agad sa akin ang mga matang mapanghusga at walang katapusan na bulungan.

Ginawa ko ang lahat para hindi magpadala kahit kinakain na ako nito sa loob.

Gustong-gusto kong malaman ang kalagayan ni Harris pero hindi na ito pumasok sa mga sumunod na araw at si Daemon naman hindi na nya ako pinapansin for some reason.

Ako na lang mag isa, ako nanaman mag isa.

Isang araw naging laman naman ako ng mga tuksuhan mula sa mga estudyante sa ibang klase.
Sa tuwing nakikita nila akong naglilinis o nag liligpit dahil sa ibinigay na community service.

Sa totoo lang hindi ko 'to deserve dahil sila 'yung nagsimula and I chose to defend myself and to defend Harris...

Pero 'yung pinaka taong pinoprotektahan ko, yung taong minahal ko ay kinakatakutan ako...

The Perfect Conundrum [BL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon