Chapter 49 ( IV )
F E L I XUmalis na lang din si Harris sa tabi ko, hindi ko na din kinuwestyon kung saan sya pupunta. I just stood there staring at the bulletin, wondering if he knew all along.
Akala ko nakalusot na ako sa kanya thinking that I hid the secret well...
Maya-maya, ako na lang ang natira na nakatayo sa bulletin board dahil ang iba ay nag si uwian na.
Kailangan kong kausapin si Daemon malamang baka asa classroom pa sya nag hihintay sa akin.
I need to tell him everything at mag sorry sa kayna. Hindi nya deserve na maramdaman na parang I stabbed him in the back.
Habang nag lalakad na ako pabalik sa classroom, I heard a distant voice. Akala ko si Daemon 'yon ngunit ang pamilyar na bosses ay nangagaling pala kay Harris.
"Akin na nga sabi eh!" sigaw nito.
"Awww... Tignan mo nga naman oh may pair bracelet pa sila, ang sweet."
"Pre mag syota ata 'yung dalawa eh."
"Tignan mo oh may sulat pa na kasama!"
"SABING AKIN NA EH!"
Habang papalapit ako palaks na ng palakas ang tawanan sa classroom hanggang sa makarating ako.
Nakita ko na pinalilibutan si Harris ng mga hindi ko kilalang estudyante sa paaralang ito at mukang pinag tritripan sya.
Agad ako lumapit at pumagitan sa kanila, baka kung ano pang gawin nila kay Harris.
"Oh! Andito na yung boypreeeennn!!" Asar nung isang lalaki sa kaliwa ko at sabay-sabay naman silang nag tawanan.
Napansin ko na hawak-hawak nung isang lalaking katabi nya 'yung dalawang bracelet at hawak naman ng lalaking asa harapan ko 'yung envelope.
"Ibalik nyo 'yan...!" Diin kong sinabi kahit nangangatog ang tuhod ko. "Ibalik nyo 'yung hindi nyo pag mamay ari...!"
Parang nagbingi-bingiaan lang sila at napahalakhak pa na parang may nakakatawa sa sinabi ko.
"Totoo nga pre mag syota nga 'tong dalawa!" mayabang na sinabi ng lalaking katabi na sa harap ko.
"Oh, Dahil dyaan ako na ang magiging tulay ng panghabang buhay nyong pag-iibigan," sinimulan nyang buksan yung envelope na hawak-hawak nya.
Sinibukan kong agawin ito pero ilang beses din nya itong inilayo sa akin haggang sa nabuksan na nya.
"Dear, Felix Delos Reyes..." he cleared his throat. "Matagal ko nang gustong sabihin sa 'yo ang totoo... Ang totoo kong nararamdaman," binasa nya yung sulat naka pang bosses babae.
This time I aggressively try to take back the letter pero hinarangan ako ng mga kasamahan nya kaya nag patuloy lang ito sa ginagawa nya.
"Sa mga araw na kasama kita... Sa mga gabi na kausap kita at sa mga bawat pag galaw ng segundo hindi na ata kaya kitang pakawalan dahil mahal na kita...."
Sa sobrang inis at galit ko naitulak ko ng malakas yung lalaking nakahawak sa akin at bigla nalang nandilim ang paningin ko.
Nasapak ko sa muka 'yung lalaking nag babasa ng sulat kaya agad itong natumba.
Rumesbak naman yung mga kasama nya kaya nakatanggap ako ng mga ilang suntok sa aking sikmura at muka. Sinubukang umawat ni Harris pero naitulak lang sya papalayo at nawalan pa ng balanse.
Lalong nangati ang aking kamao at pinatumba ang dalawang lalaking tumulak kay Harris. Kinuha ko 'yung liham at yung bracellette sa kanila sabay hila kay Harris papalayo sa classroom.
Nagtungo kami sa isang park kung saan walang mangengeelam sa amin.
Alalang-alala si Harris at walang tigil ang pag tulo ng luha nya. Pinunas ko naman ang kanyang luha gamit ang aking hinlalaki pero hindi sya makatingin sa akin.
"Harris, look at me." I tried to comfort him "It's okay, its okay." niyakap ko ito ngunit kumalas sya.
"Kasalanan ko ang lahat ng 'toh!" he cried.
"No! Wala kang kasalanan, ang may mali 'yung mga mokong na pinagtripan ka!"
"Tignan mo ang sarili mo Felix, hindi ko kayang makita 'yung mga galos at mga pasa mo sa muka!"
Hinawakan ko ang pisngi nito at marahan kong iniharap ang kanyang muka sa akin.
"Wag mong sisihin ang sarili mo Harris, wala kang ginawang masama. Ginawa ko 'yon dahil hindi ko kayang tinatapaktapakan ka nila, kinukustya o inaabuso..." Pareho kaming natahimik at nanatiling nakatingin sa isa't-isa.
May parang kung anong bumubulong sa akin na pakawalan ko na ang damdamin na mayroon ako dahil baka mahuli na ang lahat.
"...Dahil mahal kita, Harris..."
Dahan-dahan kong isinara ang espasyo sa pagitan ng aming muka.
Habang ipinikit ko ang aking mata at itinanim ang mainit na halik sa kanyang labi. Akala ko pag tutulukan nya ako ngunit gumalaw ang kanyang bibig upang suklian ito.
Naramdaman ko ang init ng kanynag hininga at ang lasa ng dugo mula sa natamo kong sugat.
I craved for more... Kaya diniinan ko ang aking pagkakahalik... Para maramdaman pa ang kanyang malambot na labi.
Ngunit bago pa lumalim ang lahat kumalas na ito at hindi ito makatingin sa akin ng diretsyo.
Agad naman itong nag lakad papalayo sa akin. Nagulat ako sa naging reaksyon nya kaya agad ko itong hinabol.
"Sandali!" tawag ko sa kanya. "Harris!" hinablot ko ang kanyang braso.
Pagharap nya sa akin sinubukan nya muna hanapin 'yung gusto nyang sabihin. Kitang-kita sa kanyang mata ang takot na baka may masabi sya na hindi makakabuti.
"Hindi ko kaya Felix, sorry..." Pumiglas na ito at nag lakad na palayo sa akin
Natigil na lang ako nang mapaisip kung tama ba 'yung ginawa ko. Pinagmasdan ko na lang ang pigura nya na maglaho sa harapan ko at mapatingin sa sahig.
Alam kong mahal din ako ni Harris pero bakit parang ayaw nyang sabihin...?
Napansin ko na hawak ko parin pala 'yung bracelet at 'yung letter na kinuha sa kanya kanina.
Nawalan ako ng lakas ng loob para basahin 'yon at tinitigan na lang ito.
Hindi parin mawala sa isip ko ang mata nya na puno ng takot at ang tamis ng halik nya.
Sa tono ng pananalita nya parang may kung anong pumipigil sa kanya na mag sabi ng totoo...
END OF CHAPTER 49
BINABASA MO ANG
The Perfect Conundrum [BL]
RomanceAt Southern Jötunheimr University, everyone looked up to Felix Delos Reyes as a role model and a perfect student who was Idolized by many. He was a prodigy among his peers. He excelled at everything, especially in academics. However, the simple mist...