CHAPTER 13

23 2 0
                                    

Chapter 13
F E L I X

I was sitting in front of a round table and the maids are preparing the meals na kakainin namin.

Sobrang Excited si Eric dahil sya daw ang nag luto ng mga ito, sobrang dami nga nya niluto eh mostly filipino foods.

Sinigang, Nilaga, Adobo, Sisig, name it. Anong oras nya pinrepare ang lahat ng ito na parang may fiesta ngayong araw? Kaming dalawa lang naman ang kakain nito?

Matapos mailatag ang pagkain inunahan na nya akong sandukan ng kanin at inilagay ito sa aking plato. Sya narin ang nag lagay ng pagkain ko and keeps asking if I want this or that, if this is enough or not.

Tumango-tango na lang ako sa inooffer nya. Hindi naman ako gano'n ka sadista para sirain ang excitement nya.

We froze a couple of second and awkwardly stared at each other. Hinihintay nya ata akong tikman muna ang niluto nya. Sa totoo lang the food looks edible and it smell how it should be.

Kaya tinikman ko na ang pagkain na nakalagay sa aking plato at nagulat sa nalasahan ko. It was amazing parang mas magaling pa sya sa akin mag luto. Hindi ko na napigilang sumubo ulit hanggang sa hindi ko na namalayan na derderetsyo na pala akong kumakain.

"Ano, masarap diba?!" He claimed it with a brimming smile.

Sumangayon, lang ako dahil hindi rin naman talaga ako makatanggi kasi masarap naman talaga 'yung luto nya. Lalo 'yung sabaw ng nilaga saka 'yung tamins nu'ng mais.

"Si 'Nay Tilda ang nag turo sa akin mag luto ng mga ito," malambing nitong sinabi. "Actually hobby ko na talaga ang pag luluto. Iyon nga lang sila Nay Tilda lang ang nakakatikim kasi laging busy sila Mom at Dad."

Unting-unting nag laho ang mga ngiti nya sa muka at ibinaling na lang ang kanyang sarili sa pag kain.

I know the feeling, kahit rin ako. Minsan lang kami mag usap ni Daddy kasi busy sya sa work nya tapos hindi pa na namin kapiling si Mommy.

Tanging si Tita Leita lang ang nakakusap kong pamilya parati. I know the feeling of loneliness when you are longing the attention of your parents.

"Wag kang mag aalala once na matikman ng parents mo ang luto mo magugustuhan nila 'yan." I tried my best to be optimistic as much as possible to lift his spirit up.

Kita naman sa kanya na hindi lang basta-basta ang luto nya. Talagang binigyan nya ito ng effort, passion and love.

"Thank you," he smiled.

In that moment, I felt it again. My heart skipped a beat pero hinayaan ko na lang 'toh at sinabayan ko na lang syang kumain.

Inaya ni Eric si Mang Roberto at si Aling Tilda na sabayan kaming kumain. Agad naman silang umupo at nag sandok ng kanilang makakain.

"Madalas sina Nay Tilda at Tay Rroberto ang kasama ko kumain araw-araw at parang ko narin silang mga magulang," tumayo ito at niyakap ang dalawang matanda at dahil do'n napangiti sila.

"Alam nyo po ba na ngayon lang ulit nag dala ng bisita si Echo bukod kay Sir Yoahn," enthusiastic na sinabi ni Aling Tilda.

"Kaya salamat at kinaibigan mo si Boss Echo." Dagdag naman ni Tay Roberto.

Naging masaya at maligalig ang kuwentuhan namin sa hapag kainan. Ngayon ko lang sya nakita na ngumiti ng ganito saka in fact ngayon ko lang din nalaman na marunong pala syang mgaluto.

After namin kumain dumiretsyo na agad kami sa kuwarto nya at hindi ko aakalain na gantio pala kalaki at kalinis ito. Akala ko mas magulo pa sa problemang pinasok ko ang kanyag kuwarto.

Sinimulan nanamin aralin ulit ang eksena at lalo na ang mga karakter. Dahil na basa ko naman na ang ilang bahagi ng libro ay medyo kapa ko na kung paano ang flow ng mga scenes. Pati narin kung paano ko ipro-protray ang character na ginagammpanan ko.

Lumipas ang ilang oras, we decided to take a break. I'm quite happy that my acting skills is somewhat improving sa tulong narin nya.

Hindi ko aakalain na ganito pala sya kagaling umarte, may talent talaga. Kung tutuusin puwede na sya sumabak sa pag aartista.

"Felix," he called my name habang nakahiga sya sa kama at samantalang ako nakupo sa sahig, nakasandal sa foam ng kama malapit sa kanya.

"What?" I replied.

"Ethan is good at hiding his true self, but he soon realizes he is deceiving everybody kahit ang malalapit sa kanya," I just continued to scroll on my twitter feed at hinayaan na lang ituloy ang kung ano man ang sinasabi nya. "The more he hide it the more he can't control himself."

"Teka Eric, hindi ko pa tapos 'yung libro," sagot ko.

"He tried to hide it and keep it as a secret," hindi sya huminto kaya napatingin ako sa kanya "Not all secrets can be hidden forever."

Bumangon sya sa kinahihigaan nya at humarap ito sa akin. Our eyes locked from each other hanggang sa naramdaman na namin ang awkward sa isa't-isa.

Anong gustong ipahiwatig nito?

Na hindi ko kayang itago ang pagkatao ko sa buong mundo at hindi ko kayang isarili ang nararamdaman ko para kay Yohan?

Darating sa punto na mabubunyag ang sikreto ko...

There is a time na sumagi sa isip ko 'yan pero I won't allow any mistakes to exploit who I really am and specially my past.

Hindi na mauulit 'yung nangyari sa akin noon, ever again.

Bago pa ako makapag salita tumayo na sya at hinubad ang pang itaas nya. Nagulat ako sa lapad ng likod nya dahil narin sa pagsalubong ng kanyang muscles.

He slightly twists his waist para abutin ang kanyang phone and I saw the glimpse of his abs. I just watched him wearing his blue shirt at napalanuok ako sa nakita ko.

"What are you looking at?" he smirked.

Doon na bumalik ang sarili ko sa realidad. Ang weird lang parang minamagnet nito ang aking atensyon at may kung ano akong nararamdman sa tuwing ako nakakita ng ganito.

Nandidiri na ako sa naiisip ko. Isn't he uncomfortable with me?

"Ayos ka lang?" he asked.

"Ayos lang ba talaga sayo na makipagsalamuha sa kagaya ko?" Iniwas ko ang tingin. "Oh nandidiri ka din sa akin?"

"Bakit naman ako mandidiri sayo?" He replied

"Bakla ako diba?"

"Alam mo, hindi big deal sa akin ang pagkatao mo kasi you can be whoever you want and I have no right to judge you for having that kind of life." he calmly smiled "Sabi nga sa napanood ko what does matter is the size of your heart and the strength of your character"

Hindi ko mapigilang mapangiti sa sinabi nya...

Mayroon papalang ganitong tao na hindi nang huhusga sa kung sino ka at kayang tanggapin ang pagkatao mo.

All my life I've been scared to come out and reveal the real me to the people. Kasi hindi lahat ng nag laladlad ay tinatangap ng society. I've witnessed a lot of horrible things kaya I was forced to stay hidden just to play safe.

"Thank you" malambing kong sinabi.

Tumalikod naman ito at kinuha ang bag nya sabay lumabas sa kuwarto.

"Nako, wala yon baka mainlove ka pa sa akin nyan ha?" Silip nito sa may pintuan. "Tara na may pupuntahan tayo"

Mainlove sa kanya IMPOSIBLE!!

Okay na sana Eric eh sinira mo pa 'yung moment!! Lalo mo lang akong inasar, saka puwede ba hindi kita type.

Hindi porket mas guwapo ka na sa akin sa tingin mo pati ako mahuhulog sayo

NO WAY.

END OF CHAPTER 13

The Perfect Conundrum [BL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon