Chapter 14
F E L I X"Teka, diba mag prapractice tayo?" Suwestyon ko naman habang nagtataka kung saan naman kami pupunta.
"Felix, alas-quatro na ng hapon at walang tigil tayo sa pag practice. Magpahinga naman tayo."
"Okay," Hindi na ako nakapag talo kasi sabagay kanina pa kaming tanghali nag pra-practice.
Sinundan ko agad si Eric at nagtaka kung saan nya ako dadalhin. Hindi naman kami sumakay ng kotsye. Basta derederetsyo lang kami palabas ng malaki nyang gate.
"Teka, saan ba tayo pupunta?" Tanong ko ulit.
"Sa kung saan masarap ang pagkain."
Hinayaan ko na lang kung saan man kami dadalhin ng mga paa namin. Hanggang sa nakarating na pala kami sa sinsabi nya. Isang malaking foodcourt ang nadatnan namin.
Kahit hapon palang sobrang dami na ang kumakain dito. Grabe parang piesta, dag-dag mo pa 'yung mga decorations sa paligid.
Lasap na lasap mula sa kinatatayuan ko ang bawat pagkain na niluluto ng mga food stalls na nakapalibot.
I felt my stomach growled just from the smell.
He heard it loud and clear at pinagtawanan lang nya ako. Hinawakan nya ang pulso ko at lumapit agad kami sa isang stall na kung saan kitang-kita ang pag ihaw ng isang malaking karne ng baka at lasap na lasap ang savory smell.
"Ano, gusto mo?" He asked.
Tumango naman ako ng maligalig habang nakangiti. Sino ba naman ang makakatanggi diba? Nag lalaway na kaya ako dito.
"Miss dalawa nga pong order" Sabi nito sa babaeng nag luluto "Ay miss, padagdag na rin po ako ng isa."
"Oh, para kanino 'yung isa?" Dalawa lang naman kaming kakain kaya nakakapag taka kung para kanino 'yung isapang order.
"Para may pang pasalubong ka pa kay Tita Leita mo," he smiled "Para hindi ka narin mag luto pag-uwi nyo."
"Paano mo nakilala si Tita Leita?" Tumaas ang kilay ko sa gulat nang mabanggit nya si Tita Leita.
How come na kilala nya si Tita eh never ko pang nabanggit sya sa kanya?
"A-ano nakita ko kasi sa cellphone mo na nag text sya sayo!" Kanda-ugaga nyang hanapin ang isasagot sa akin.
"Okay..." He kinda weireded me out for a second.
"Nabasa ko kasi na gagabihin sya ng uwi. Bilhan na rin natin para may kakainin na sya pag dating nya," hindi sya makatingin sa akin ng diretsyo at kung saan-saan napadpad ang mata nya.
"Teka bili lang ako ng chicken wings para dag-dag sa ulam, ikaw muna bahala dyaan."
Agad naman itong umalis at nagtungo sa pupuntahan nya. I'm still shocked na kilala nya si Tita Leita ni hindi ko nga nabanggit sa kanya 'yon eh.
Sabi naman nya nakita nya sa phone ko nag text. Siguro nu'ng nag prapractice kami.
Jusko, napaka tismoso naman nitong si Eric hindi marunong makaintindi ng privacy? Pati texts ko pinakikielaman nya?!
Hmph!
"Sir, ito na po 'yung order nyo." Sabay abot sa akin ng plastic na naglalaman ng pagkain namin.
Hanggang ngayon hindi pa rin bumabalik si Eric kaya nag hanap na ako ng mauupan namin para pag dating nya ay makakain na agad kami. Hindi rin nag tagal nahagip sya ng aking mata na parang syang naliligaw kaya kumaway ako para makita nya ang puwesto namin.
BINABASA MO ANG
The Perfect Conundrum [BL]
RomanceAt Southern Jötunheimr University, everyone looked up to Felix Delos Reyes as a role model and a perfect student who was Idolized by many. He was a prodigy among his peers. He excelled at everything, especially in academics. However, the simple mist...