Chapter 34
F E L I XPagdating ko sa Auditorium para sa meeting ay saktong nagsisimula na sila ng assembly, from casts to crews.
Hinanap ko kung saan nakaupo sila Eric sakto naman na nakita kong kinakawayan ako.
Lumapit ako do'n para tumabi sa kanya. Ang stage ay mayro'ng mahabang lamesa na may mga mikroponong na kalapag do'n.
Kasama ng mga plaques na may pangalan namin.
Sa likod ng lamesa ay mayron naman parang isang background ng mga logo ng Film festival.
Teka anong mayron ngayon dito sa auditorium?
"Akala ko magiging late ka na naman," He smriked at umupo na kaming dalawa.
"So anong gagawin nating ngayong araw?" I asked "Mag start na ba tayo ng shooting?"
"Nope," he answered. "Not yet."
Magtatanong pa sana ako kaso bigla kaming binati ni Harper ng sobrang nakakasilaw nyang ngiti.
Bumati rin naman sila Salvo kaya tumango na lang ako. Tumabi sa kanan ni Eric si Harper habang iniinom ang kanyang Iced Coffee.
"I'm really looking forward on working y'all" masaya nitong bati.
"Of course, we all are." Eric replied
"Jericho Camacho," tinawag ni Haraper ang buong panagalan nya kaya napakunot si Eric at pati narin ako. "I actually watched the short film that you were starred at. Namangha ako sa galing mo, you are natural at it..."
The way Harper said those and the way she looks at him...
I can clearly see na nakikipag landian sya sa kanya.
Grabe 'yung tingin parang gusto nyang lapain si Eric sa mga oras na 'to.
"Thank you," he replied with his killer smile at tinitigan si Harper kung paano sya tinignan nito.
"Oh, by the way congrats being ambassador of the Haus Labs makeup line."
"Thank you!" Sobrang pabebe ng pagkasabi nya.
Nairita ako sa kanilang dalawa saka dito pa talaga sa tabi ko nag landian.
Maghanap nga kayo ng kuwarto kung saan kayo puwede mag titigan. Kinikilabutan ko kung paano kayo tumingin sa isa't-isa parang tigang na tigang naman masadyo.
Tsk...
"Attention Everybody," tawag ni Elli sa aming lahat. "Well, I have few announcement bago natin pag usapan ang dapat nating pag usapan."
Napatigil si Elli sa pagsasalita dahil may isang crew ang lumapit sa kanya sa kalagitnaan ng stage.
Hindi rin naman ito nag tagal at umalis din.
"Okay, Alam ko naman na lahat tayo ay excited na mag shooting para sa pelikulang ito. Matagal-tagal narin din itong pinag planuhan and finally its becoming real," he nodded. "Pero kailangan muna natin tapusin ang magaganap na press conference ng alasdos ng hapon"
Tama ba ang narinig ko press conference?!
"Maya-maya darating ang mga iba't-ibang school journals sa auditorium na 'to para sa interview na gaganapin with casts and executive staffs. Dapat last month 'to gaganapin pero syempre dahil hinahanap natin ang perfect cast for this film we need to push our schedule," paliwanag ni Elli.
Lumingon naman ako kay Eric dahil sa gulat.
"Tama ba narinig ko, press-con?" hindi ko na naiwasang mainis.
"Yes, It's a press-con," he smirked. "Lahat ng kasama sa Film Fest ay may ganto para may ipublish ang mga school journals. Saka balita ko tayo ang hot topic kasi The Intelligent King is part of the main cast"
"Bakit hindi mo agad sinabi sa akin?!" Pagalit kong tanong.
"Akala ko alam mo?" Ibininalik nya sa akin ang pagtatanong.
Hindi ako ready sa press-con na 'to akala ko mag shoshoot na agad ng film. Hindi ko naman alam na kailangan pang malaman ng iba't-ibang schools 'yung detalye sa pelikula.
Sa tuwing napapaisip ako na okay na ang lahat bakit na lang ba laging may lumilitaw na panibagong problema.
END OF CHAPTER 34

BINABASA MO ANG
The Perfect Conundrum [BL]
RomanceAt Southern Jötunheimr University, everyone looked up to Felix Delos Reyes as a role model and a perfect student who was Idolized by many. He was a prodigy among his peers. He excelled at everything, especially in academics. However, the simple mist...