CHAPTER 54

11 2 0
                                    

Chapter 54
F E L I X

Bago kami makapasok sa building namin nakita ko na papalapit sa amin sina Brett kaya kumaway ako sakanila.

Kumaway naman sila pabalik bukod tangi lang kay Chase na derederetsyo sa paglalakad na may masamang tingin.

Napakunot naman ako ng noo.

"Chase anong mayro-" napatigil ako sa pagsasalita ng bigla nya akong nilagpasan at tinulak ng malakas si Santino.

Sa lakas ng pagkakatulak nya muntikan nang matumba si Santino at mabitawan ang lahat ng hawak nya lalo na 'yung mainit nyang kape.

Narinig kong napasinghal si Santino sa sakit dahil may natapong  kape sa kanyang kamay. Agad naman akong lumapit sa dalawa at itinualak papalayo si Chase sa kanya.

"Ano bang problema mo Chase?" Galit kong tanong sa kanya. Lumapit ako kay Santino para tignan 'yung kamay nya na paso.

"Ayos ka lang ba?" tanong ko. Agad nyang tinangal 'yung kamay nya sa akin at tumango lang ito.

Lahat ng tao sa paligid namin napukaw ang atensyon sa nangyari.

"Sabihin mo sa akin ngayon Santino Cruz! Kayo na ba ni Felix...? Anong ginawa nyo nu'ng gabing 'yon?"

"Anong bang pinagsasabi mo, Chase?" Bugnot kong tanong sa kanya dahil wala talaga akong alam sa sinasabi nya.

"Felix, bakit si Santino pa?" His voice suddenly cracked. "Bakit mo kailangang sirain ang pagkakaibigan nyo ni Seph para sa kanya?!"

"Anong pinopoint mo?"

"Pinaglalaruan lang kayo ni Santino!"

"Ano ang pinagsasabi mo?"

Tinutukoy ba nya 'yung gabing pumunta kami ni Santino sa Restobar nya?

Wait... Paano nya nalaman 'yon?

Wala akong pinagsabihan na kahit na sino sa kung saan ako nanggaling.

Paano nakalabas 'yon?

Wala ng salita ang lumalabas sa aking bibig. Parang akong napipi at pakiramdam ko may tinik na tumutusok sa lalamunan ko.

"Ngayon sabihin mo sa akin Santino. Ano pakiramdam ang pinaglalaruan ang feelings ng dalawa kong matalik na kaibigan?!" Ibanalin ulit ni Chase ang tingin kay Santino.

"Ano ba ang pinagsasabi mo ha?" pa sigaw na sinagot ni Santino "Kailangan mo pa ba gumawa ng eskandalo dito?"

"Wag ka ng mag maang-maangan pa, Santino!" lalong humigpit ang kamao ni Chase at tumalim ang tingin nya.

"Hindi ko alam kung saan mo na pulot 'yan saka pake mo ba kung anong gawin namin ni Felix," he grinned "I'll just let your imagination run wild."

Aktong susugurin na ni Chase si Santino nang biglang itong napaigilan ni Brett at ni Jacob.

"Chase, kalma lang pre. Baka dumating dito yung Prefect," paghinahon ni Brett.

"Pre, kalma." Dagdag naman ni Jacob at lumingon ito sa akin "Totoo ba kasi 'yon, Felix?"

Hindi parin ako makapagsalita dahil sa pagkalito at sa kaba, parang hindi nagproprosseso lahat sa utak ko.

Paano naging parang iskandalo o naging malasawa ang lahat. At saka saan nya pinaghuhugutan na may something sa amin ni Santino?

Kumunot ang noo ko, sinusubukan makuha ang konteksto ng lahat.

Dahil sa tingin ko hindi lang ito basta-basta tungkol sa pagpasok ng restobar; wearing the school uniform while being an underage.

May mas malaking issue pa akong na sangkot.

Lumapit sa akin si Brett at iniharap nya sa amin ang screen ng phone nya para ipakita ang isang blog post.

Blog post kung saan ako, Seph at Santino ay di umanong may love triangle.  Iniscroll down pa ni Brent para ipakita yung ibang pictures.

Sino ang kumuha ng mga literatong 'to?

Nakuhunanan nila lahat ang buong pangyayari. Mula sa pumagitan ako sa away ni Seph at Santino, sa pag away namin ni Seph, sa pagsakay ko ng kotsye at paglabas namin ni Santino ng Restobar.

May mga pictures din sila ni Seph at Santino na mukang matagal ng na kuhanan.

"Apprantly kayong tatlo ay may secret love triangle at ikaw ang nag uwing panalo kay Santino," paliwanag ni Brett "Ito rin daw ang dahilan kung bakit ikaw ang nakuhang male lead sa pelikula nila..."

Napalaki ang mata ko sa mga unang linyang nabasa ko. Hindi totoo ang mga nakalagay dito. May nag papakakalat ng eskandalo na hindi namaman totoo!!

"This is bullshit!!" depensa ko "Brett, lahat ng ito ay misunderstanding, they framed us up! Wala kaming relasyon ni Santino!"

"What?" napakunot naman si Santino at inagaw yung phone kay Brett para makita 'yung blog.

Hindi pinanapansin ang sakit mula sa na banlian nyang kamay

Lumingon ako sa paligid ko at lahat sila biglang nagbubulungan at pinagtitinginan ako.

Nakaramdam ako ng parang mabigat sa aking dib-dib at unting-unting nababawasan ang aking paghinga.

Nangangatog ang aking mga tuhod at kamay parang kahit anong paliwanag ko walang maniniwala sa akin at sa huli ako parin ang may kasalanan.

Gusto kong isigaw na hindi totoo 'yang asa blog na 'yan. Walang nangyari sa amin ni Santino, hindi totoo 'yan!

"Si Seph... Kailangan kong hanapin si Seph..." ito lang ang tanging nilabas ng aking bibig.

Umalis agad ako sa kinaroroonan ko at nagtungo papasok sa building. Kailangan malaman ko kung ano ang kalagayan ni Seph lalo na't nalaman na ng lahat ang relasyon nila ni Santino.

Kasalanan ko ang lahat ng ito...

Kung hindi lang sana ako nangeelam edi sana hindi rin ako madadawit sa eskandalong ito...

Sumalubong sa akin si Eric at si Yohan sa harap ko kaya napatigil ako sa kanila. Nagkatinginan lang kaming tatlo na parang kahit sila alam ang tungkol sa blog na 'yon.

Lalo na si Yohan...

Pinilit ko na lang na makadaan sa pagitan nila kahit hindi ko sinasadyang mabangga sila. Hindi na napigilan ng mga luha ko na tumulo mula sa aking mga mata.

Binilisan ko na lang ang paglakad ko hanggang sa naging takbo na ito at sinubukan mag focus hanapin ang matalik kong kaibigan.

END OF CHAPTER 54

The Perfect Conundrum [BL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon