CHAPTER 25

18 3 0
                                    

Chapter 25
F E L I X

Pagdating namin sa school agad na pumunta sa meeting si Yohan habang naka buntot parin sa amin si Eric. Kaya tumigil ako sa paglalakad para palayasin 'yung isa.

"Puwede ba Eric..." Bugnot kong tawag sa kanya "Diba may importante ka pang gagawin kaya bumalik ka dito?"

"Wala, actually..." Napahinto ito."Gusto lang talga kita samahan."

"Sorry, pero hanggang dito ka na lang."

"Bakit naman?"

"Hindi allowed ang regular students sa loob ng office."

"I'm the Charismatic King though?" He smirked sabay suwabeng kumindat sa akin, as if na tatalab iyon sa akin.

"Pero hindi ka parin member ng Student Council." I fired back at agad naman syang sumimangot.

Hindi sya nakapag salita and he look so dejected. I really didn't care much sa reaction nya after what I've been through dahil sa kanya.

Bago kami makarating sa office nakita ko si Seph sa bintana mula rito sa 3rd floor ng building. May kausap ito at parang seryoso ang pinaguusapan nilang dalawa.

Sinubukan kong kilalanin 'yung pigura nung lalaking nakatalikod sa paningin ko ngunit hindi ko mahulaan kung sino.

Biglang binangga ni Seph ang kanyang kausap sa pag alis nya.

Humarap ang lalaking kausap ni Seph at tumingala sa akin nang maiwan 'tong mag isa. Mula rito nag tama ang aming mata.

Hindi ko aakalain na si Santino Cruz pala ito.

Ano bang mayroon sa kanilang dalawa at parang na paka seryoso nu'ng pinaguusapan nila. Imposible naman na may something sa kanilang dalawa kasi alam kong hindi pumapatol sa kapwa lalaki si Seph.

Hindi kaya si Santino ang may gusto sa kanya?

Hindi ko parin mahulaan kung ano ang namamagitan sa kanila kaya napakamot na lang ako sa aking ulo.

Pero hindi parin ang aking pagaalala...

"What are you staring at?" Tanong ni Flor at nabaling ang tingin ko sa kanya.

"Nothing," sagot ko "Let's go."

Pagpasok namin ni Flor sa office nakita ko si Vincent. Ang Vice President ng student council ay na sa desk nya na napapalibutan ng mga sangkatutak na mga papel. Dumiretsyo naman ako sa aking desk at inilapag ang gamit ko.

"Oh, ba't ka andito?" Tanong nito sa akin.

"Parang ayaw mo naman ata na andito ako," pabiro kong sagot.

"Hindi naman, nag tataka lang ako ba't ka andito," he smirked.

"I changed my mind tutulungan na kita dyan." Lumapit ako sa kanya at kinuha 'yung ibang papeles na nakapalibot sa kanya at inasikaso ito sa desk ko.

"Na cancel ba 'yung plano nyo?" Pagtataka ni Vincent.

"Parang ganon na nga" sagot ko.

"Eh 'yang kasama mo, sino yan?" tanong nya ulit sabay turo kay Flor.

"My Stepbrother."

"Woah!!" gulat na ekspresyon ang sinagot nya. "Pag nalaman ng buong campus 'toh lalo na ang Senior High ikaw nanaman ang front page ng mga news oulet dito sa school."

"Now that is a bad headline," I smirked.

Natawa na lang kaming pareho while Flor is cheking up on the papers that I've been working on.

I need to get rid of him at hindi ko kayang mag babysit habang ginagawa ko 'yung mga responsibilities ko sa school.

"Vincent," tawag ko.

"Yes?"

"Puwede mo bang i-tour 'tong kapatid ko sa campus?" Pakiusap ko ng maayos. "Sa susunod na sem dito na sya magaaral eh."

"Pero..." Nagaalangan itong iwan ang kanyang ginagawa.

"Wag kang magaalala ako na ang bahala just do what I say." ma-awtoridad kong sinabi.

"No!" agad namang umangal si Flor "I'll just stay here."

'Whether you like it or not susunod ka sa akin," sabi ko. "If not I'll just call Tita."

"For what?" Diin nito.

"That you are not happy here in SJU."

"Fine!" pagalit nitong sinabi at sumunod na kay Vincent.

Finally, a moment of silent and a moment of peace. Makakagawa na ako ng works na natambak na.

Hindi ko na malayan nagiging prioritize ko na pala ang pagiging artista. Sobrang daming nangyari sa mga nakarang araw na hindi ko na minsan ma-process lahat.

Everything is doing smoothly and my school life is just fine tapos one day bigla nalang lilihis. Lahat ng ginagawa ko ay maaring makapahamak sa akin o sa reputasyon ko dito sa paaralan na ito.

Lumipas na ang ilang oras hindi parin tapos ang mga student council works ko. I messaged Yohan about an hour ago pero inbox parin ako hanggang ngayon.

Baka hindi pa tapos 'yung meeting ng production staff.

Eric set this date para maging moment namin ni Yohan. Para magka progress ang relationship namin. Kaso ba't may kung anong pumipigil naman sa aming dalawa. Ewan ko ba, lagi na lang hindi nag tatagal ang usapan namin lalo na kapag hindi tungkol sa school ang pinaguusapan.

That moment when Yohan dragged me para kausapin ako personally. Nakaramdam ako ng tuwa na he cares about me kahit hindi kami gaanong close.

Kahit pa patungkol kay Eric 'yung topic namin, masaya parin ako.

"If ever na may problema o may kailangan ka wag kang mahiyang mag sabi sa akin. "

Hindi ko mapigilang mapangiti habang nakatitig sa ginagawa ko at tanging ang muka lang nya ang asa isip ko.

Bumalik ako agad sa realidad ng may biglang pumasok sa office ng hindi kumakatok.

It was Santino Cruz at may hawak syang folder sa kamay nya and he slowly walk towards me with his cold eyes.

"Asaan 'yung treasurer nyo?" He asked with his cold voice.

"She's out," I answered, as I compose myself. "If you have concern, sa akin ka lumapit."

Inilapag nya 'yung folder na dala nya sa desk ko. Agad ko naman tinignan ang laman nito, it's the funding for the production ng indie film.

Syempre, I have to read everything na gagastusin nila dahil budget ng school ang ginagamit nila dito.

"Fundings," I disappointingly expressed "You know na dadaan din sa akin 'tong approval ng funds nyo bago sa board executive's ng paaralan diba?"

I lay back on my chair and thoroughly read the proposed budget sa folder. I felt that Santino leans on the table with his hands and staring coldly at me. 

So, I return his stare kahit nararamdaman ko 'yung terror. I tried to compose myself as much as possible at hindi nag padala sa intimidation nya.

"Akala mo ako lang ang may sikteto," he said with his cold voice.

"What do you mean?" I asked out of confusion

"Don't pretend," he smirked "Alam ko kung ano ang pinakaiingat-ingatan mong sikreto."

Tumaas ang kilay ko sa gulat at napalunok ako. Imposibleng alam nya na bading ako. There is no way na alam nya 'to.

Sino naman ang magsasabi sa kanya nito?

Alam kong may galit ako sa kanya pero hindi magagawa ni Eric 'yon

Pero kung mayro'n man...

Hindi puwedeng mangyari 'yon kaibigan ko sya at pinagkakatiwalaan ko sya. Hindi maari na si Seph ang nag sabi sa kanya.

END OF CHAPTER 25

The Perfect Conundrum [BL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon