Chapter 37: Sandy's Confession (Part 2)

218 9 2
                                    

Sandy's Pov:

Walang sabi sabing hinubad ko agad ang suot ko na para bang sinilaban ng apoy. Pinalitan ko na lang ng malaking T - shirt at basketball shorts. Hindi ko talaga masikmurang magsuot ng ganito, ewan ko ba para akong nakahubad pag nagsusuot ng mga ganong damit! Ayoko talaga! babawi na lng ako sa mukha! Tama! teka asan na ba yung lepstick ni Tyang?!

Dali dali ko iyong hinanap sa loob ng bag ni Tyang. Napangisi akon ng makapa ko iyon.

" Huliiiiiiiii!!! BWAHAHAHAHAHA!! "

Tatatawa ko pang sabi habang winawagayway ang pinagdadamot ni Tyang na lepstick, ayaw niya kasing ipagamit sakin kasi hulog hulogan niya daw to at hindi pa kompleto ang bayad! Pero sigurado naman akong mababayaran nato ni Tyang sa laki ba naman ng sweldo ko! pwede narin niyang bilhin yung buha6 ni Mirasol! NYAHAHAHAHAHAHAH!!!

Parang namiss ko ata yung panget na yun ah! isang linggo ko ring hindi nakita ang pagmumukha non! ok lang bawas badtrip at malas din naman BWAHAHAHAHA!!!

Matapos kong masigurado na hindi kalat ang pagakakalagay ng lepstick, eh ngumisi ngisi muna ako, baka kasi pag ngiti ko himatayin sa pandidiri si DalanDan kasi may lepstick pala ako sa ngipin, kagaya ni Mirasol!

Ibinalik ko din agad ang lepstick sa bag ni Tyang baka kasi masabunotan ako nun pag nalaman niyang pinakealaman ko gamit niya.

Dali dali akong lumabas ng bahay at handa na sana sa misyon ko ng pagbukas ko aa pintuan ay siya namang bungad sakin ng dugyot kong pinsan.

" Umalis ka nga sa dinaraanan ko! mahawa pako sa amoy mong parang kubeta! "

Sabay takip ng ilong. Bigla lamang itong ngumis na ikanakunot ng noo ko.

Ano na naman kayang kalokohan ang iniisip nito.

Agad rin namang nasagot ang katanungan ko ng makita kong ipinasok ni Edmond ang kamay niya sa pwet niya at syempre alam na alam ko na ang susunod na mangyayari, hindi ko na idedetalye pa dahil sobrang nakakadiri! maraming beses na rin akong nadali sa kababoyan ng pinsan ko.

Buong lakas kong binangga ang talipandas para makalabas.

" Aray ko naman teh! kung makabangga to!! "

Sabay himas sa brasong binagga ko. Inerapan ko lang siya.

" May ulam na dun kumain ka na, hatiran mo si Tyang pagkatapos mo. "

Bilin ko at dali daling lumayas baka mabwesit na talaga ako ng todo.

" Hoy ate!! yung hugasin nahugasan mo na ba?! "

Rinig kong sigaw ng pinsan kong inutil. Huminto ako at nilingon siya at tiningnan ng nakakamatay.

" Wag mong hintayin na bumalik ako diyan Edmond! "

Binelatan mo na ako nito bago pumasok sa bahay ng padabog. Napairao ako sa ere at nagpatuloy ng maglakad, ang isip bata na yun talaga! parang mauunahan ko ata si Tyang sa hukay kakakonsemesyon sa batang yun!

Patuloy lang ako sa paglalakad, hanggang sa kitang kita ko na ang tindahan ni Aling Tina. Bibili na muna ako ng snowbear, nangangati kasi lalamunan ko sa sobrang kaba! baka pagkaharap ko na ang sinta eh atakihin ako ng ubo! nakakahiya naman, mapagkamalan pakong may T.V ay T. B pala!

Bigla na lamang akong napahinto sa paglalakad ng mapansin ko ang pamilyar na lalaki sa tindahan ni Aling Tina.

Mahaba buhok - ✔
Machong katawan - ✔
Bigote - ✔

Teka isa na lang....

Paglingon nito'y tuluyan nakong naistatwa.

Berdeng mga mata!!!! ✔ hangang langiiiiiiitt!!!!

The Billionaire's Squatter GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon