CHAPTER 29 : ALILA

302 10 2
                                    

SANDY'S POV:

Binabawi ko na po yung sinabing kong mabait ang pesteng bilyonaryo na bwesit mg buhay ko!

Inuulit ko!!! hindi po siya mabait!!! halimaw po siya!! HALIMAWWWW!!

Nakatikim nga yun ng sapak sakin kagabi eh! kaladkarin ba naman ako kitangbmay sugat ako! bastosan lang eh!

Kamuntikan na nga kaming mag sapakan pero to da rescue naman ang mga pars ko at inawat na kami. Makikipagsapakan talaga ako kahit may dali ako, sumosobra na kasi yung tampalasan na yun.

Gusto niya kasing dun ako sa mansyon eh ayaw ko no! baka reypin niya pako! di joke lang mga mambabasa, ewan ko ba sa bilyonaryong yun bakit gusto niyang dito ako matulog. Dami talagang arte ng talipandas na yun lahat mg gusto niya laging masusunod, oo may karapatan siyang alilain kami pero duuuh!! dapat marunong siyang rumespeto ng tao!!

Napailing iling akp sa isipang yun, ano pa nga bang inaasahan ko sa isang bilyonaryong katulad niya, natural lang naman sa kanya ang mangalipusta ng tao.

" ARAYYYYY!!"

Tumatalon talon kong sigaw, natalsikan kasi kasi ako ng mantika.

Wag na kayo magtaka kung bakit ako nagluluto dito. Ipinagluluto ko lang naman ang animal na amo ko, di ko dapat ginagawa to kasi wala naman to sa usapan namin, pero bwesit na yan napilitan nakong humawak ng mgs kubyertos kasi nasa bingit ng kamatayan ang sweldo ko!!!
Pagbantaan ba naman akong hindi sweldohan!!!

Kaya ito ako ngayon no lady's choice kundi ang magpakayaya sa kanya!!! Kahit na nagkagutay gutay na ang sarili ko masagip lang ang hinayupak na yun! Talaga namang nanginginig ang buong pagkatao ko sa inis, walang utang na loob talaga!

Ganito kasi yung nangyari kanina::

Tulog na tulog ako at nakanga nga pa, gabing gabi na kasi ako natulog, nagbasagan pa kasi kami ng ulo ni Bonux bago niya ko nakalad kad papunta rito sa peste niyang mansyon, hindi lang para matulog kundi dito na rin tumira, oh diba ang ang saya saya!!

Kasalukuyan akong nanaginip kay DalanDan...

Nagkatinginan kami ay dahan dahan niyang inilapit ang mukha niya sakin....

Kunting kembot na lang at maabot ko na sana ang langit ng biglang.....

-BOOOOOOGSHHHHHH!!-

"Taena! ano yun!!"

Tanong ni pareng utak, pero di ako dumilat at nanatiling nakapikit. Gusto kong makamit ang pangarap ko kaya bahala na!

Ayun na nga!! ambot kamay ko na ang tagumpay at isang kembot na lang mahahalikan ko na sana ang pangarap ko ng- - - - - - -

Bigla akong napadilat ng maramdaman kong may humablot sa kumot ko at bumungad lang naman sakin ang mabalasik na pagmumukha ni Bonux.

Para atang naramdaman kong kumolo ang dugo ko, eh sino ba naman kasing matutuwa kung naudlot ang romansa niyo ng crush mo! Talaga namang nanginginig ang buong pagkatao ko sa sobrang galit, nandon na eh? magchuchukaan na!! ba't ba kasi pinanganak na epal tong lalaking toh!!!

"Taenang buhay to oh! aga aga ikaw nakikita ko! at sino bang may sabing pwede kang umapak sa teritoryo ko?!"

Buong lakas kung sigaw at tatayo ma sana ng bigla akong hilahin nito gamit ang isang paa ko, kaya napahiga ulit ako.

Sinamaan ko siya ng tingin at bago pa man ako makabanat ng mura ininuhan nako nito.

" Akala mo ba ikaw lang ang nabubwesit?! Aba! mas lalo naman ako! Nakikita ko pa lang yang pagmumukha mo umiinit na ulo ko!!!"

The Billionaire's Squatter GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon