CHAPTER 28: SARIDON

474 15 7
                                    

SANDY'S POV:

" Hay naku salamat at nasa mabuting kalagayan na si Manong"

Sabi ko kay Maliit, nagchichikahan kasi kami tungkol dun sa pagsabog kanina, siya kasi yung sumondo sakin sa ospital dahil umuwi daw si Bonux dun sa bahay ng mga magulang niya at syempre may kasamang bodyguard. Nakabenda na rin ang braso at kamay ko, may maliit din na benda ang sentido ko, at syempre na imbyerna lola niyo malamang nakakabawas to mg ganda points pambihirang katangahan kasi eh! nagas gasan tuloy ang makinis kong iskin este skin.

" Hindi mo ba talaga nakita kong sino?"

Seryosong tanong ni Maliit sakin, grabe ang seryoso pala ng isang to akala ko kasi pareho siya nong mga minions na ang kukulit at ang daldal kahit papaya lang at banana ang malinaw sa binibigkas nila.

Naglalakad pala kami papunta sa quarters daw namin katabi lang naman daw to ng mansyon at ilang hakbang lang ang layo.

" Hindi talaga eh nakahood kasi siya at wala nakong oras pa para kilatisin siya dahil kay Bonux."

Nanghihinayang kong sabi,sayang talaga.

Hindi kumibo si Maliit, nasa tapat na kami ng maliking bahay, pero di yun ang naka agaw ng pansin ko kundi yung katabing bahay na parang palasyo sa sobrang laki, punyeta sa t.v lang ako nakakita ng ganitong bahay at talaga namang nakakalula ito na ata ang mansyon ng bilyonaryong mapang api, hindi naman siya nagmamayabang sa laki ng bahay niya akala mo simbahan ay sorry po bigla ko tuloy na sampal ang bunga nga ko baka makarma pa ko, napatingin agad sakin si Maliit ng nagtataka, nginitian ko na lang siya.

Hindi lang ang bahay ni Bonux ang sobrang laki pati na ang lupain niya, bago ka kasi umabot sa mansyon niya may sasakyan ka munang parang tricycle basta maliit na sasakyan ewan ko ba kung bakit may trip pang ganit si Bonux pwede naman sigurong pag bukas mo ng gate bubungad na agad sayo ang bahay pero iting kay Bonux pinaglalandakan niya talagang mayaman siya, hay naku mayayaman nga naman. At ito pa mga mambabasa walang kahit isang kapit bahay si Bonux kasi nasa hulihang bahagi itong mansyon niya, halata talagang ayaw ng bilyonaryong yun ang pinepeste siya hay! iba rin ang saltik ng isang yun gusto palaging nag iisa parang may galit talaga sa mundo!

Nabalik ako sa katinuan ng biglang magsalita si Maliit, nasa loob na pala ito at hinihintay akong pumasok.

"Papasok ka ba o hindi?"

Bagot nitong tanong sakin, napairap na lng ako at pumasok ma rin.

Inilibot ko agad ang paningin ko sa loob ng bahay.

Sa kaliwa ko'y may pintuang naka awang at sa loob ayay naaninag akong malaking ref, malamang kusina yung lugar na yun sa gitna ay hagdanan, tiles din yung tinatapakan ko hindi kagaya samin na magaspang na semento. Apat ata na kwarto ang nakita ko pero paki ko ba ang importante lang naman sakin ay ang kusina.

Napatingin ako agad sa may kanan ko ng may narinig akong mga boses na parang nag aaway, lumanding ang tingin ko sa dalawang pares ng ulo na nangingibabaw sa sandalan ng sopa. Pansin ko lang tatlo lahat ng sopa, isang malaki na siyang inuupuan nung dalawang nag aaway at daliwang maliit na pang isahan na magkaharap sa isa't isa tapos may maliit ding lamesa sa gitna

Agad akong napatingin kay Maliit ng maglakad siya palapit dun sa dalawang nag aaway kaya agad akong sumonod sa kanya.

Ng makalapit siya'y agad niyang kinutusan ng sabay yung dalawang lalaki.

"Ba't kayo naglalaro?! diba sabi ko sa inyo bantayan niyo itong buong lugar?!"

Nanggaglaiting sigaw ni Maliit dun sa dalawa na sabay namang napatayo, owssss ang tataas nila parang nanliit ata ako at syempre si Maliit mas nanliit pa nyahahahahahahaha!

The Billionaire's Squatter GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon