LASINGGERANG SANDY ABOOVE!!(picture)
Someone's Pov:
" Bakeeeeeeet hindi mo maraaaaamdaman
Ikaw sa akin ay mahalagaaaaa?
Ako sa 'yo'y KAIBIGAAAAN lamang
Pa'no nga ba't 'di ko matanggap? "Buong lakas na kanta ni Sandy, ibinuhos niya na lahat ng hinanakit niya sa kantang sapol sapol siya pati sa kawawang mikropono, hindi niya alintana kung napipiyok na siya o sintonado na ang pagkanta niya, natural na sintonado naman talaga siya.
Gulat na gulat nga ang mga katrabaho niya ng bigla na lang sumolpot si Sandy na may dalang isang kahon ng beer at nagyaya ng inuman, agad na umayaw si mike dahil nakatoka siya sa gate, aayaw na rin sana ang kambal dahil nakatoka rin silang mag rounds sa buong property ng boss nila, pero agad rin naman silang nakokensenya ng sinabi ni Sandy na magsosolo na lang siya, ramdam siguro nilang may problema ang pars nila at gusto lamang nito ng may kadamay.
Isang bote na lang ang natira at si Sandy na mismo ang nagiisang umiinom non, hindi rin naman nalasing ang kambal dahil ang mga tagay na iniinom ni Sandy ay punong puno, hindi na rin nila pinigilan pang maglasing ang pars nila kasi alam na nilang nabasted ito, ang problema ng lang eh dadating na boss nila ano mang oras dahil alas dose na nang hatinggabi.
" Tangina naman! ba't kaibagan lang huh!!!! AKIN KA NA LANG KASIII!!! PUTANGINANG YAN!!!!! "
Buong lakas na namang sigaw ni Sandy gamit ang mikropono, napatakip tuloy ang kambal sa tenga nila.
" Aaaaaaaat ako pa ba'y iibigin pa?
Ang dinadasaaaal, makikiusap na laaaaaaaaaaaaaaang "" Sige lang pars!!!! ilabas mo yaaaan "
Cheer ni Travis, agad rin naman siyang siniko ng kanyang kakambal.
" Hoy! malilintikan talaga tayo pag naabutan tayo ni Boss!! "
Pabulong ngunit mariing saway ni Trevor pero inerapan lamang siya ni Travis at bumalik na sa pagtagay kay Sandy.
Napabuntong hininga na lamang si Trevor at lumabas para mag rounds ulit.
" Ito pa pars! inom pa!!! HAHAHAHAHA"
Isasalin na sana ni Travis ang beer sa malaking baso ng bigla na lamang hinablot ni Sandy ang bote at tinungga.
Nanlaki pa ang mata ni Travis ng inisang lagok ni Sandy ang kalahating beer at agad na initsa sa kanya ang bote, mabuti na lang at agad niya rin iyong nasalo kung hindi baka nagkasabay pang nabasag ang bungo niya at ang bote.
Halos mawalan na ng ulirat si Sandy dahil sa kalasingan at hindi na makaayos ng tayo, hindi na nga niya mabasa ang lyrics na nasa t.v, pero ok lang, kabisado niya naman ang kinakanta niya, ang importante eh mailabas niya ang sakit ng pagkabasted niya lalong lalo na ang kahihiyang nararamdaman niya at kahit pa halos himatayin na siya sa sobrang kalasingan ay hinding hindi siya titigil hangga't hindi bumabalik ang kapal ng mukha niya.
Napahigop ng hangin si Sandy dahil alam niyang chorus na at agad rin namang napatakip si Travis sa tenga niya.
" AKIIIIIIIN KA NA LAAAAANG!!AKIIIIIIIIN KA NAAAA LAAAAANGGG!!! ANG HINIHINTAAAAAAY SA BAWAT ARAAAAAAWW!!! "
Kamuntikan na ring mapasigaw si Travis dahil sa makabasag bungo na boses ni Sandy.
" TRAVIS!!!! NANDITO NA SI BOSS!!! "
Sa kabila ng dumadagondong na boses ni Sandy ay rinig na rinig iyon ni Travis at halos mapatalon na siya papunta kay Sandy para kunin ang mikropono.
" Parssss!! nandiyan na si BOSS!!!! "
Akmang aagawin niya na ang mic ng bigla na lamang siyang itnulak ni Sandy papalayo na halos ika tumba niya. Natigilan si Travis dahil ang lakas parin ni Sandy kahit na sobrang lasing na nito at hindi na halos makatayo.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Squatter Girl
Любовные романыDonovan Ash Chaidovsky De Roux, he got billions in his account, owned countless companies and had the looks to die for. Everyone wants to have a life like he had. Others wants to be his friend but half of the population hates his guts because Mr...