Chapter 65:

105 2 0
                                    

Someone's Pov:

" BONUUUUUX! "

Buong lakas na sigaw ni Sandy sa kararating lang na amo.

" Ano na naman? "

Napalundag na si Sandy mula sa sopa. Sa sopa kasi siya natulog kagabi dahil hinintay niyang umuwi ang amo kahit pa sinabihan na siya ng kambal na hindi uuwi si Donovan at sa bahay ng mga magulang ito magpapalipas ng gabi, hindi kasi siya sanay na hindi ito nakikita, parang hindi siya mapakali.

" Anong ANO?! Ba't di mo ko tinawagan kagabi?! Kinalampag ko pa ng alas dose ng hating-gabi yung kabilang bahay kasi akala ko tinambangan na kayo kagabi, kung di pako nakichismis sa kambal kung nasaang lupalop ka na! patay nako ngayon sa nerbyos. "

Himutok ni Sandy sabay pameywang sa harap ni Donovan na nakangiwi na sa kakasigaw niya. She was really worried last night, ni hindi na nga siya nag tsinelas ng magpunta sa quarters nila Travis sa pagmamadali niya akala niya talaga natambangan na ang amo niya yun pala nasa bahay lang ito ng mama nito.

" Tinamad ako kagabi, si Spencer na nga tumawag sa kambal. "

Donovan said lazily, it was a lie nakipag inoman talaga siya kagabi sa kapatid at sa sobrang kalasingan hindi na siya pinayagan ng mama niyang umuwi pa kaya dun na siya natulog.

" Dapat sakin tumawag si Maliit! Ako ang bodyguard mo! Halos mabaliw nako kakahintay sayo! Ni tawag wala akong natanggap! Akala ko napano na kayo! Nakakaimbyerna! Kulang tulog ko kakahintay sa tawag o text niyo! "

Sandy continued her rant, sa sobrang pagtatalak niya hindi niya napansing nakatitig na sa kanya si Donovan.

Donovan was intently looking at the pacing Sandy, he wasn't quite sure kung bakit ganun na lang ang inis ng babae ng hindi niya ito tawagan at ipa-alam na dun siya sa matutulog sa bahay ng mama niya, hindi niya naman iyon obligasyon but seeing her reaction makes his heart flutter.

Hindi namalayan ni Donovan na nakangiti na siya habang nakatingin lang sa babaeng kung makatalak parang siya ang ina.

He couldn't believe his eyes and ears, nag-aalala sa kanya ang babae.

Without hesitation, he grab Sandy's hand, hinila niya ito papalapit sa kanya at agad na niyakap.

Sa kabilang banda nanlaki ang mga mata ni Sandy sa nangyayari, parang ayaw rumihistro sa utak niya na magkayakap sila ng amo at sobrang bango pa nito. She never imagined that this would happen, ni ayaw niya ngang nasa imagination niya si Donovan dahil sa mga mata niya isa lamang itong aroganteng mayaman.

Sandy shut her eyes and inhaled the addicting scent of the man that is making her heart beat wild, nilubos niya na talaga.

" Salamat sa payo mo magka-ayos na kami ng kapatid ko. "

She smiled at dahil sinasaniban na naman siya ng kalandian agad siyang nakabawi sa pagkakagulat at agad narin niyang niyakap ang amo.

" Mabuti naman at nakinig ka sakin. "

Nagbibiro niyang sabi habang feel na feel ang pagkakayakap sa amo.

Napamaang si Sandy dahil ngayon lang niya napansin na sobrang laki ng katawan ni Donovan na halos malamon na nito ang buong pagkatao niya habang magkayakap sila. He had wide shoulders that almost looks like mountains and in her mind she wanted to explore those mountains, his chest was so hard yet felt like a pillow habang nakasandal ang ulo niya roon, sa sobrang tangkad kasi ni Donovan ay hanggang dibdib lang siya nito and she's not in the short side FYI, she's 5'10 but in comparison to the behemoth of a man, she almost looks like nuno.

Parang gusto niya na lang matulog habang malanding nakayakap sa amo, his brawny arms are around her, easily eating her feminity and she felt safe in his warm embrace. Ngayon lang siya nakatikim ng yakap ng lalaki and she doesn't want to break free from it anymore, gusto niyang dun na tumira kung pwede nga lang sana but of course Donovan had to shatter Sandy's fantasies.

Donovan broke the embrace but both of his hands remained on Sandy's shoulders. Nakatingin lang ang Sandy sa maaliwalas na itsura ng amo, bago iyon sa mga mata ng babae dahil nasanay na ito sa nakasimangot  na mukha ng amo.

" And I'm really sorry kung hindi kita natawagan kagabi, nilasing kasi ako ng kapatid ko. "

Mas lalong ng natanga si Sandy ng biglang ngumiti sa kanya si Donovan, naistatwa na ata siya habang nakatingin sa napakagwapong amo. Donovan is handsome alright but he's beautiful when he smile.

Napaisip si Sandy na parang ginalingan naman ata masyado ni Lord nung ginawa nito si Donovan, nasisilaw na kasi siya kagwapohan nito. Mas lalong nangatog ang tuhod ni Sandy ng mapansin ang kumikislap na asul na mata ng amo, looking at his eyes made her remember how the blue sea shines when it's hit by the sun's light.

" Salamat at may silbi ka naman pala. "

Biglang umorong ang lahat ng pantasya ni Sandy ng marinig ang insultong iyon.

" Aba't! - - - - - - "

Papaulanan niya na sana ng mura ng bigla na naman siyang hinila nito at niyakap.

" Ano ba Bonux nakakadalawa ka na ha! Ano ba pina-almusal ng nanay mo at parang ganado kang magdidikit sakin! "

Inis inisan pang saway ni Sandy eh ang totoo gustong gusto niya naman talaga.

" Masaya lang ako, parang nabunotan ako ng tinik sa puso dahil magka-ayos na kami ng kapatid ko. "

She heard him said in a muffled voice. Napabuntong hininga na lang siya at hinayaan ang amo, eh gusto rin naman niyang makayakap ito, ano pa bang inaarte niya, aabusohin niya na ang pagiging good mood nito dahil alam niyang babalik na naman ang pagkasalbahe nito mamaya.

The Billionaire's Squatter GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon