Thank you feelinghatred sa video na ginawa mo kahit na picture lang yung na upload ko dito hahhahahah thank you for the effort!!
At syempre thank you rin sa mga mambabasa na matyagang naghihintay ng mga UD ko, thankie thankie!!! I hope you enjoy reading this chapiee😊😀
Sandy's Pov:
Tuloooooong! mamatay nako sa bagot! lahat na ata ng laro sa selpon ko nalaro ko na, nag cross magellan nako sa sahig at lahat lahat hindi pa rin lumalabas ang tampalasang si Bonux. Gutom na gutom na rin ako!
Bumaba ako sa lamesa at nag cross magellan ulit.
Pero punyeta! naka tatlong balik na lang ako sa pag cocross magellan wala pa din!
Napasandal ako sa pintuan sa pagod at sa gutom na rin. Hinayaan kong dumaos dos ako sa pintuan at mapaupo ako sa sahig.
Pag ako tinupak talaga, humanda sakin yang Bonux na yan baka siya kainin ko.
O alam ko na yang iniisip niyo mga mambabasa gutom ako kaya wala akong panahon sa kalandian at kabastusan, tigilan niyo ko.
Sa pagkakatunganga ko'y biglang sumagi sa isip ko si Ser Bossing Dalandan.
Ano kaya ginagawa niya ngayon? Sana lang hindi siya nirerape ni Mirasol, agad pa naman yung umaaligid kay Bossing kapag wala ako! Naku subukan lang niya matitikman niya talaga ang aking malupit na suntok!
Napangiwi ako ng mapagtanto kong matagal tagal rin bago ko makita ulit ang aking sinisinta hahahahaha kapag tungkol talaga kay Dan nagiging malandi akong makata!
Nawala amg ngiti ko ng maalala ko na naman na mananatili muna ako sa puder ng tupakin, masama ang ugali pero napagwapong bilyonaryo. Oo ang sarap niya sa mata pero letche ang sakit niya sa bangs! Napakamatapobre kasi ng animal ang sarap hambalusin ng dos por dos ng matino!
Binuksan ko ang selpon ko at agad na napangisi ng abot hanggang tenga ng bumungad sakin ang wallpaper ko. Kami lang naman ng aking bebe, sinisinta ang wallpaper ko habang naka peace sign, sobrang lapit na ng pangarap ko dito sa picture nato magkadikit kasi ang mga pisngi namin parang gusto ko na lang ata padikitan ng shoes glue eh! pero kailangan kong umuwi baka sunduin ako ni Tyang at maabutan akong nakikipag harutan habang bitbit ang lulutuin niyang luckyme beep baka ipa papak niya sakin yun kaya ayun na udlot ang aming landian pero masaya parin ako ng umuwi ako at may ngiting tagumpay pa! Nyahahhahahahaha ikaw ba naman maka iscor sa cras mo di ka ba kiligin ng balde balde!
Pero agad rin namang napalis ang ngiti ko ng marinig kong kumalam na naman ang sikmura ko tanda na nanghihingi na ng pagkain.
Saktong lag hawak ko sa tiyan koy siya namang pag tunog ng lock ng pintuan hudyat na bubuksan na iyon. Kaya agad akong napatayo, mukhang tapos na ata ang meeting.
Patay malisya akong sumandal sa sa pader na nasa gilid lang naman ng pintuan at sakto na mang bumukas iyon.
Isa isang nagsilabasan ang mga tao sa loob ng opisina ni Bonux, limang di pamilyar na mukha ang sunod sunod na lumabas, apat na matatanda at isang gwapo na lalaking ka edad ata ni Bonux pero parang may kung ano sa kanya ang sama kasi mg tingin niya malamang bwesit din to kay Bonux napaka hambpg naman kasi mg hinayupak na yun.
Huling lumabas si Bonux habang nakabuntot naman si Impakta este Balerie sa kanya, inerapan ako ni Balerie iniwas ko lang ang tingin ko sa kanya wala akong panahon sa mga arte niya gutom ako.
Bumusangot ako ng lampasan ako mi Bonux ni hindi man lang ako nito tiningnan, kung hindi lang talaga ako gutom pinatid ko na sana ang talipandas pero punyeta mga mambabasa wala akong enerhiya para gawin pa yun! Gutom na gutom na talag akoooo!
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Squatter Girl
RomantikDonovan Ash Chaidovsky De Roux, he got billions in his account, owned countless companies and had the looks to die for. Everyone wants to have a life like he had. Others wants to be his friend but half of the population hates his guts because Mr...
