SOMEONE'S POV:
" Oo dito muna kunin sa mansion di pako makakauwi diyan, napagod ako kahapon eh. "
Chika ni Sandy kay Edmond, naichika niya na rin sa pinsan ang pagmomodel niya, halos mabasag nga eardrums niya ng magtititili ang pinsan matapos niyang sabihin iyon, minsan talaga parang bakla kung kumilos ang pinsan, pero talagang malambing lang ito kaya ganun ang kilos.
" Thank you ate! Magpahinga ka diyan ha, baka alilain ka na naman ni Sir Donovan, bigwasan mo agad ha. "
Tatawa tawang advice ni Edmond sa pinsan.
" Aba oo naman noh! talagang malilintikan ang lalaking yun kapag inutos utusan niya ko! "
Natawa na lang ulit si Edmond sa sinabi ni Sandy at nagpa-alam na para bumalik uli sa klase, buong lunch break sila nagchikahan ng ate niya.
" Oo sige na, bago ka umuwi kunin mo muna dito ang pera ha. "
Paalala ni Sandy sa pinsan.
" Ok! Labyoo teeeeh! Byeee! "
Yun lang at pinatay na ng pinsan niya ang tawag. Agad na rin siyang bumangon mula sa pagkakahiga niya sa kama. Oras na para magluto ng pananghalian.
At katulad ag nakasanayan niya, hindi na niya inabala pa ang sariling mag-ayos at magmukhang presentable sa harap ng amo, sanay naman na yun sa kadugyotan niya kaya wala na rin siyang pake-alam kung nasisikip ang pante niya sa butas butas niyang pajama.
Nangungulangot siyang bumaba sa hagdan, seryosong seryoso siya sa pagsungkit ng kulangot niyang ayaw magpahuli.
Napangiwi siya ng mabingwit niya iyon at basta basta na lang iyong ipinitik sa kung saan.
Kusina agad ang punta niya, bago siya makapasok sa paborito niyang lugar ay nagpalinga linga muna siya sa paligid, hindi niya kasi nararamdaman ang nakakainis na presensya ng amo, at ng hindi niya talaga ito mahagilap ay nagkibit baliktat siyang pumasok sa kusina, magluluto na muna siya bago niya hanapin si Donovan, naisip ni Sandy na tatlong lugar lang naman ang pupuntahan ng amo niya kapag hindi ito pappasok sa opisina, sa kwarto nito, sa pool or green house nito, oo may greenhouse ang bilyonaryo, hindi nga makapaniwala si Sandy na ang salbaheng bilyonaryo ay mahilig pala sa halaman, kadalasan niya itong nakikitang nagtatanim sa greenhouse kapag nasa mansyon ito and she was secretly watching him plant, minsan niya ng binalak tumapak sa greenhouse pero agad siyang tinataboy ni Donovan baka daw mastress ang mga halaman nito kapag nasense nila ang negative energy na dala ni Sandy, nginiwian lang naman iyon ng babae at lumayas na.
Pakanta kanta pa si Sandy habang binubuksan ang ref, agad rin siyang napatigil ng makitang walang laman iyon, halos himatayin siya dahil simula ng tumapak siya sa pamamahay ng amo ay baha baha na ang pagkain nito sa ref pero ngayo'y simot na simot iyon. Sisigaw na sana siya ng bigla niyang mapagtantong siya pala ang umubos ng pagkain ni Donovan kaya pinakalma niya ang sarili at dali daling hinagilap ang amo.
" BONUUUUUUUUUUXXXX! "
Tili ni Sandy sa nagbabasang Donovan, nasa may gilid kasi ito ng pool nagrerelax.
" Ano na naman. "
Bagot nitong tanong sa nagpapanic na Sandy while turning a page of his book.
" Hindi pa ba nagpapdeliber ang mama mo ng grocery? "
Tanong pabalik ni Sandy habang nakapameywang ito sa gilid ni Donovan.
" Bukas pa magpapadala si
mama ng grocery, inubos mo yung stock ahead of time kaya wala tayong pagkain ngayon. "Walang kagana ganang imporma ni Donovan, nanlaki ang mga mata ni Sandy sa sinabi nito, nakonsenya tuloy siya, kung bakit ba kasi parang di siya nakakaramadam ng busog!
" Marami ka namang pera ah! Ba't di na lang ikaw ang bumili ng sarili mong pagkain bakit mo pa inaasa iyon sa mama mo! "
Depensa ni Sandy para matakpan ang kahihiyang nararamdaman niya. Donovan glared at her pero agad rin niyang ibinaling ang tingin niya sa libro.
" Matindi ka ha, ikaw na nga nakaubos ng pagkain ko ikaw pa may ganang mang-insulto. "
Mahinahong sabi ni Donovan, di naman naka-imik si Sandy.
" At wag mong subukang manghingi kina Spencer, yung grocery nila galing sa sarili nilang pera iyon, mahiya ka naman. "
Dagdag pa ni Donovan. Halos masabunutan na ni Sandy ang sarili Niya, 100 pesos na lang kasi ang sobra sa sweldo niya kahapon the rest will go to his counsin's tuition, hindi niya naman maatim na bawasan pa iyon.
Nakagat ni Sandy ang pang-ibabang labi niya habang nakatingin kay Donovan. Sigurado siyang magmamatigas ang amo niya at hinding hindi siya nito bibigyan ng perang pang grocery, mas nanaisin pa nitong magutom sila para parusahan ang patay gutom na katulad niya.
Napalundag siya ng may naisip siyang magandang idea, siguradong magkakasya ang 100 pesos niya sa balak niya.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Squatter Girl
RomanceDonovan Ash Chaidovsky De Roux, he got billions in his account, owned countless companies and had the looks to die for. Everyone wants to have a life like he had. Others wants to be his friend but half of the population hates his guts because Mr...