CHAPTER 30: WALA LANG

265 15 4
                                    

SANDY'S POV:

Nakadikit parin sa tenga ni Bonux ang selpon niya kahit pa nakarating na kami sa companya niya, ewan ko ba kung sino yang tumatawag sa kanya, kanina pa kasi sila hindi matapos tapos sa pag uusap.

Nakasunod lang ako sa kanya, habang namamangha sa paligid, parang walang nangyaring pagsabog dito sa parking lot kasi sobrang linis na, may mga pulis na ring nagpapatrolya sa buong paligid.

Mabuti na rin toh, kesa ako lang mag isa ang nagbabantay kay Bonux, atsaka para narin hindi na makapaghasik pa ng lagim  ang kung sino mang tampalasan na gustong tustahin si Bonux dito sa companya niya madami kasing tao ang madadamay.

Kamuntikan nakong magswimming sa semento ng bigla akong natisod ng kung ano, mabuti na lang at agad akong nakabalanse.

Anak ka ng!

Natanggal pala yung pagkakatali ng sintas ko kaya huninto muna ako para itali iyon ulit.

Wag na kayo magtaka kung hindi na inabala ni Bonux ang sarili niyang hintayin pa ko, alam niyo naman ang isang yun apaka salbahe at walang awa.

Tumayo ako agad at nagalakad na uli, saktong pagtingin ko sa elebetor eh, nakapasok napala si Bonux, hindi na nito hawak ang selpon niya at nakapamulsa na lang ito.

Napatakbo ako agad dahil alam na alam ko na ang susunod na mangyayari.

Pero sa di malaman laman na dahilan hindi na naman ako umabot, bwesit tong elebetor nato ah! nanadya!!!

Sumara na naman kasi sa mukha ko ang pintuan at malinaw pa sa sikat ng araw ang ngiting aso ng bilyonrayo bagi sumara ang pinto.

Marahas akong napabuntong hininga saby sipa sa pintuan.

" Mukhang mag eehersisyo na naman ako neto!"

At sa huling pagkakataon bumonting hininga na naman ako at naglakad na papunta sa direksyon kung saan nandon ang hagdan.

Bonux!!! isinusumpa ko talaga yang kaluluwa moo!!!!!


💚💛💚💛💚💛💚💛💚💛💙💙💙💙💙

DON'T FORGET TO VOTE AND COMMEEENTTTTT

LAB U OLLLLL

The Billionaire's Squatter GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon