CHAPTER 70:

142 2 3
                                    

SOMEONE'S POV:

The night air is cold and everything around is silent, it was a rare thing to happen in Looban's Squatter Area. Alas 12 na ng gabi nakarating sila Sandy sa bahay nila sa squatters area at himalang walang kahit ni isang tambay o lasinggo ang gising sa mga oras nayun and Sandy was grateful for that because in their state she can't handle confrontations from any of her nosy neighbors.

" Tyang si Sandy toh, pakibuksan naman ang pinto. "

It was the third time she was calling out her Tyang, hindi na siya nagtataka kung matagal siyang pagbuksan ng pinto ng mga tao sa loob mahina lang kasi ang boses niya at ang pagkatok dahil ayaw niyang mabulabog ang buong lugar baka masalisihan sila ng mga mosang wala pa naman siya sa mood para makipagsampalan.

" Wala ka bang susi? "

Napalingon si Sandy kay Donovan na nakahawak pa rin sa kamay niya, palingon lingon ang lalaki sa paligid niya halatang naninibago at kinakabahan.

" Naka-lock tong pinto sa loob, teka lang kakatukin ko ulit. "

Kakatok na sana uli si Sandy ng tuluyang bumukas ang pinto at bumungad sa ang pinsan niyang nagkukusot pa ng mata.

" Anong- - - - ATE?! "

Agad na tinakpan ni Sandy ang bunganga mg pinsan at agad na tinulak ito papasok.

She them grabbed Donovan and they both went inside.

" Manahimik ka Edmond kumuha ka dun ng tuwalya, bilisan mo. Wag mo na gisingin si Tyang anlakas pa naman ng boses non mabubulabog buong looban. "

Nagbalik balik ang tingin ng pinsan sa kanya at sa among medyo nakayuko, Donovan is obviously too tall and massive for Enrique's rickety house.

" Ano ba Edmondo wag kang tumunganga diyan! "

Inis na sabi ni Sandy. Agad naman itong nabalik sa huwisyo at tumalima sa utos ng ate niya.

" Pasensya ka na sa bahay namin, maliit lang hindi ka kasya, mahihirapan kang gumalaw. "

Nahihiyang paumanhin ni Sandy, inakay na niya ang lalaki sa sopa nilang gawa sa kawayan at pina-upo.

" Hindi naman ako nagrereklamo ah. "

Napangiwi si Sandy, she's really conscious and embarrassed, kasi naman papatirahin niya sa sira sirang bahay ang isang bilyonaryo, sino ba namang hindi mahihiya. Something inside her is screaming to provide Donovan the things that he is accustomed, she's wracking her brains for ideas on how to make that happen, titira sa kanila ang amo niya while the criminal is still at large, hindi naman pupwedeng pakainin niya ito ng kung ano lang baka masira ang tiyan nito, magkasakit at mas lalong hindi niya pwedeng patuligin ito sa matigas na papag nila.

She was snapped out of her dilemma when she heard Edmond.

" Ate ito na tuwalya. Good morning po sir, kayo po ba ang amo ng ate ko? Anong ginagawa ninyo po dito? Bakit basang ba- - - - - "

" Edmond wag kang bastos, mag-init ka dun ng tubig at magtimpla ng kape, wag maraming tanong bukas nako magpapaliwanag pag-gising na si Tyang. "

Saway ni Sandy sa pinsan, hindi na ito nagmatigas pa at dali daling nagpunta sa kusina, pero tiningnan muna nito si Donovan ng isang beses bago umalis.

Sandy positioned herself in front of the sitting Donovan, towel in hands.

The Billionaire's Squatter GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon