SANDY'S POV:
DING DONG DING DONG DING DOOOOOONGG!!
Napaungol ako ng marinig ko ang tunog ng doorbell. Mariin akong napapikit at pinilit ang sariling bumalik sa pagtulog. Bahala na si Tyang magbukas ng pintuan at atupagin kung sino mang impakto ang nasa labas.
Pero agad rin naman akong napamulat ng mapagtanto kung wala naman pala kaming doorbell sa bahay, ni wala nga kaming padlock!
Napakamot ako sa ulo habang humihikab ng marining kong dumagondong na naman ang tunog ng doorbell.
HAYSSS! sino ba kasi tong walangyang tao na kung makapindot wagas! parang gusto akong paliparin!!
Wala akong ibang nagawa kundi ang bumangon, kamuntikan pakong mahimatay sa biglang pagsakit ng ulo ko.
Oo nga pala, naglalak nga pala ako kagabi sa sobrang kahihiyan! kaya di nako magugulat pa kung mamatay ako sa hangober ngayon!
Dahan dahan akong naglakad palabas pero agad ring napahinto ng pagkapa ko sa damit ko para sana magpunas ng laway eh wala akong makapa. Nanlalaki ang mata kong nakatitig sa itim kong bra.
ANAK NG!!!! BA'T NAKABRA NA LANG AKO!!!
Hinalukay ko ang buo kong pagkatao at isipan sa pag aakalang may matatandaan ako sa kagagahan ko kagabi.
Bukod sa nagpakalasing ako at pagkaladkad sakin ni Bonux papunta dito eh wala nakong matandaan na nagpakabold star ako kagabi o nakipagchurvahan!
Wala sa sariling kinapa ko ang perlas ng silangan at pinakiramdaman kong masakit ba. Napabuntong hininga ako ng wala naman akong maramadamang sakit at hapdi, sabi kasi ni Tyang sasakit daw ang bataan kapag naisuko na ito. Nakashorts at hindi naman wasak ang pante ko kaya hindi talaga ako nakipagchukchakan kagabi! tsaka sino namang may balak galawin ako sa lungga ni Bonux eh kami kami lang naman dito at alam nilang kaya kong pumatay ng tao kung saka sakali mang may manggago sa pagkatao ko!
Napabuntong hininga na naman ako ng maluwag sa isipang yun. Pero isang misteryo pa rin talaga ito, kasi hindi ko talaga ugaling magtanggal ng kahit anong saplot tuwing lasing ako, ilang beses nakong nalasing pero ngayon lang ako gumising ng may natatanggal na damit sakin, kaya malaking isyu talaga to sakin.
Sa lalim ng pag iisip ko'y napalundag ako ng marinig ko uli ang tunog ng doorbell, kaya agad kong pinulot ang damit ko at isinuot, sabay labas ng kwarto, halos magkandarapa na nga ako sa pagbaba ng hagdan.
Sino ba kasi tong epal nato! makapindot sa doorbell parang taeng tae na!!
Hingal na hingal kong pinagbuksan ang taong nasa labas. Napakunot ang noo ko ng tumambad sakin ang isang may edad na babae, kaedad ata ni Tyang. Nakasuot ito ng magarbong bestida, may maliit itong sombrero sa ulo, medyo kulot ang hanggang balikat na buhok, nakashades ito kaya di ko makita ang mga mata nitong siguradong natutok na sakin. Hindi nakatakas sa mga mata ko ang kumikinang at nagalalakihang borloloy nito lalong lalo na ang kwentas nitong hugis luha na kulay asul kakulay ng magarbong bestida nito.
Teka nga lang sino ba tong yayamaning ale nato, hindi kaya sugar mommy to ni Bonux?!
Hindi pa man ako nakakapagsalita'y bigla nalamang itong nagmartsa papasok .
Napakibit balikat na lang ako at sumonod sa kanya papuntang sala
Bigla itong napahinto sa likod ng sofa na para bang may natandaan, napahinto na rin ako.
" I Kto Ty?! " ( And who are you?! )
Napasimangot ako, ano raw?!
" Magandang umaga din ho sainyo, ano hong kuto? wala po ako nun! mataas lang po buhok ko pero wala akong kuto! Manang."
![](https://img.wattpad.com/cover/166090002-288-k588996.jpg)
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Squatter Girl
RomanceDonovan Ash Chaidovsky De Roux, he got billions in his account, owned countless companies and had the looks to die for. Everyone wants to have a life like he had. Others wants to be his friend but half of the population hates his guts because Mr...