CHAPTER 50:

312 9 4
                                    

SANDY'S POV:

" Ano tulog pa ba? "

Pabulong kong tanong kay Mike nasa may sala kami, kakabalik ko lang galing sa'min at mag-aalas singko na ng umaga, akala ko nga mabubugahan na naman ako ng apoy ni Bonux pag nalaman niyang umalis ako sa trabaho, mabuti na lang at sinwerte ako ngayon at hindi pa gumigising ang dragon, madaling araw kasi ang oras ng gising non, himalang hindi pa iyon nagbubunga ngayon at minumura ang buong pagkatao ko.

Mabuti na lang at humipa na ang lagnat ni Tyang, nabigyan ng gamot at nagbilin na ng mga utos kay Edmond bukas pa kasi ang day off ko Kaya yung pinsan ko muna ang magbabantay kay Tyang.

Kamuntikan na nga akong masabunutan ni Tyang ng malaman niyang umuwi ako ng hindi ko day off baka daw kaltasan sweldo ko. O Diba hanep?! Ako na nga nagmamalasakit nagagawa pa kong sabunutan. Juiceko naman! Magkamag-anak talaga kami ni Tyang, mga mukhang pera!

" Oo akala ko nga gigising na yun ngayon, mabuti na lang at tulog na tulog parin kung nagkataon na nagising yung wala ka, talagang tayong lahat ang malilintikan. "

O Diba napakasalbahe talaga ng amo namin, pero ok lang ang laki naman magpasweldo, sulit naman Ang pang-aalipusta niya sa'min.

" Mabuti naman, medyo kinabahan nga ako habang papunta dito, alam mo naman ugali non! Isang mali lang natin nagkakaltas agad yun sa sweldo! "

Pabulong kong sabi habang lumalaki pa ang mata. Tumango tango lang si Mike sabay napangiwi.

Teka nga! Ba't ba nakikipag chismisan ako Kay Mike, tapos sinisiraan ko pa! Akala ko ba kakaibiganin ko? Ba't ichinichismnis at pinagkakalat Ang baho niya sa ibang tao? Eh Hindi naman ibang tao to si Mike eh! Katrabaho ko siya, tsaka natural lang naman na magreklamo kami sa ugali ng boss namin. Haaaay! Kung saan saan talaga to nagsususuot tong utak ko!

" O sige na Sandy balik nako sa pagpapatrolya, baka maabutan pa tayo ditong nagchichismisan. "

Nakangising sabi sa'kin ni Mike, napangiti lang ako sabay tango.

Ng tuluyan ng lumabas si Mike sa mansyon, dali dali akong nagpaika-ika papunta sa kwarto ni Bonux. Mabuti na lang at hindi masyadong nagdugo ang sugat ko sa paa, nakakapagod pa namang magpalit ng benda.

Hindi nako nag-abala pang kumatok at dere-deretso nakong pumasok.
Napabuntong hininga ako ng makita ang bilyonaryong mahimbing ang tulog. Dahan dahan akong naglakad papunta sa kama niya at dahan dahan ring naupo roon.

Biglang humapdi ang sugat ko sa paa kaya agad agad ko iyong itinaas at ininspeksyon.

Haaaay! Gigilitan ko talaga ng leeg yung walangyang taong nagpaulan sa'min ng mga paputok! Hindi pa naman bagong taon! Pero mabuti narin sigurong paputok lang ang ihinagis sa'min, kasi pa'no na lang kung bomba?! Edi sana nabarbecue na kami ngayon! Juiceko! Sa oras na ako ang makahuli sa kanila talagang hindi ko sila tatantanan hangga't hindi nagkakabali bali mga buto nila!
Inis akong napatingin kay Bonux.

Pero biglang.......

PLAYING "MAHIKA" BY ADIE:

Nagbabadya ang hangin na nakapalibot sa'kin
Tila merong pahiwatig ako'y nananabik
'Di naman napilitan kusa na lang naramdaman
Ang 'di inaasahang pag-ugnay ng kalawakan

Napatitig ako bigla sa napakagwapong mukha ng bilyonaryong kinaiinisan ko, na ngayo'y gustong kaibiginanin.

Para akong nahipnostismo habang nakatitig lang sa mukha ni Bonux, araw araw ko namang nakikita Ang pagmumukha ng lalaking toh, pero bakit sa mga oras nato parang may kakaiba akong nararamdaman habang nakatitig sa kanya?

Ibon sa paligid umaawit-awit
Natutulala sa nakakaakit-akit mong tinatangi
Napapangiti mo ang aking puso

Kamuntikan na akong mapatalon ng biglang gumalaw si Bonux at nagkamot sa pisngi niya habang nakabusangot.

Napahinga ako ng malalim at wala sa sariling napangiti parang kinikiliti ang piste at malandi kong puso habang pinagmamasdan ang nakasimangot nitong mukha.

Tekaaa nga!!! Ba't ba para akong tanga ditong ngumingiti ngiti sa nakabusangot na mukha ng salbaheng lalaking toh? Di ba dapat naiinis ako?! Dapat mainis ako! Nakakainis ang pagmumukha ng lalaking toh!!

Halos mayanig ang buong pagkatao ko ng biglang lumapat ang kamay ni Bonux sa kamay ko....

Giliw 'di mapigil ang bugso ng damdamin ko
Mukhang mapapa-amin mo amin mo
Giliw nagpapahiwatig na sa'yo
Ang damdamin kong napagtanto na gusto kita.....

Nasapo ko ang dibdib ng bigla na lang lumakas ang tibok ng puso ko, napalunok ako.

Ano ba tong nararamdaman ko?! Ano bang problema ng pusong toh! Ba't nagiinarte to!

Nakakabingi! Juiceko! Ano bang nangayayari sa'kin!

Hindi nako nakatiis pa't inilayo ko ang kamay ko kay Bonux at dali daling umosog palayo, at sa katangahan ko, nahulog tuloy ako sa kama.

" Tang Ina ka Sandy! "

Mura ko sa sarili ko pero agad ko ring tinakpan ang bunganga ko.

Dahan dahan kong sinilip si Bonux baka nagising.

Napahinga ako ng maluwag ng makita kong nanatili itong nakapikit.

Pabagsak akong nahiga sa carpet habang sapo sapo na naman ang puso ko. Ano kayang problema ng pusong toh? Baka maysakit nako?! O kaya malapit nakong mamatay! Lord wag naman sana! Alam niyo namang wala pakong bebe! Tsaka binasted pa ko Ng crash ko! Maawa naman kayo! Gusto ko pang pistehen si Bonux!

Napatigil ako ng maalala ko ang kakaibang naramdaman ko kanina.

Ano kaya Yun?!

Napapikit na lang ako, tumatakbo parin sa isip ang imahe ng magkalapat naming kamay....

The Billionaire's Squatter GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon