CHAPTER 36: Sandy's Confession ( Part 1)

270 11 1
                                        

Sandy's Pov:

" Diyan ka na Bonux! sana multohin ka ngayong gabi nyahahahahahahah!!! "

Agad kong isinara ang pinto ng mansyon nga pabalabag habang humahalakhak.

Aba! Linggo ata ngayon! day off ko! kaya wala munang Bonux na sisira ng araw ko BWAHAHAHAHAHAHAH!!!

Dali dali akong nagpunta sa may bintana ng kusina. Dahan dahan akong naglakad at agad na gumapang ng makaabot nako sa may swimming pool may balkonahe kasi atsaka gawa sa salamin ang pader at itong balkonaheng to eh konektado sa sala na kung saan nandon si Bonux nagkokolikot sa laptop nya baka makita ako edi bolilyaso plano ko.

Ng makalampas nako sa tampalasang swimming pool, eh kitang kita ko na ang tagumpay. Agad kong hinablot ang luma kong bag at dali daling inulit ang proseso ng pagiging akyat bahay ko HAHAHAHAAHA!!

Napa suntok ako sa ere ng matagumpay akong nakabalik sa harap ng mansyon dala dala ang kayamanan ko.

Binuksan ko ang bag at halos masilaw ako sa sobrang dami ng mga nakulimbat kong pagkain mula sa ref ni Bonux nyahahahahahahaha oo nagnakaw po ako ng pagkain, hoy! hoy! teka lang naman! wag niyo naman akong husgahan, pagkain lang naman kinuha ko! kesa naman sa mapanis to edi nasayang pa! mas mabuting kunin ko na, tsaka hindi lang naman to para sakin hahatian ko rin naman si Edmond at ang mga bata samin. Hindi rin naman mapapansin ni Bonux na nabawasan ang pagkain niya, eh wala nga yung pakialam sa nag uumapaw na pagkain sa ref,  may taga deliver pa yun ng pagkain galing daw sa mama niya.

Kinuha ko na ang bisekleta ko na nasa garahe, isnuot ang helmet sabay angkas.

" Adios! mga amigo! kayo na muna bahala sa boss nating maitim ang budhi HAHAHAHAAHAHAHAH. "

Napailing lamang ang kambal at si Spencer sila kasi ang nakatoka sa gate yung dalawa naman na sina Mike at Archie eh nandon sa loob ng mansyon, salitan kasi sila, ako lng naman ang walang kasalitan kasi patay na patay sakin ang bilyonaryong yun ayaw akong mawala sa paningin, nag gagalit galitan pa eh may gusto din naman pala sakin!

Napahagikhik ako na parang baliw sabay labas sa gate, kala mo talaga magugustuhan ako ng salbaheng yun, eh kulang na lang sakalin ako nun tuwing magkaharap kami. Hay buhay, ok lang maganda naman ako! NYAHAHAHAHAHA!!

LATER:

" SANDEEEEEEEEE!!! ANONG NANGYARI SAYOOO!!!! "

Bungad ni Tyang pagpasok ko sa bahay. Haaaaay namiss ko tong maliit ngunit malinis na bahay nato at syempre ang bunganga ni Tyang! Teka nasa - - - - - - -

" ATEEEEEEEEEEEEE!!! ANONG GINAWA NILA SAYOOOOO!!!!! "

Napailing ako't napangiti.

" Ang oo.a niyo, galos lang to, wag na kayong magtaka kasama to sa rrabaho ko. "

Kibit balikat kong sabi, sabay mano kay Tyang.

" Ay natatandaan ko na! nabalitaan nga pala naming sumabog daw yung building ng boss mo, tatawagan ka sana nami te, kaso naubusan ng load sina Tony, pupunta na sana kami sa companya ni Mr. De Roux kaso ayaw ni Nanay baka atakihin daw siya dun kapag nakita ka niyang nasaktan, hintayin ka na lang daw namin umuwi. "

" Ikaw naman kasing bata ka! ba't mo oa kasi tinanggap yang badegard badegard na yan! mamamatay na niyan ng maaga!!! "

Napasimangot ako at napaupo sa tabi ni Tyang na nagtatahi.

" Grabe ka naman Tyang! patay agad? di pwede 50 50 muna sa ospital?! "

Napaismid si Tyang pero napangiti narin, agad akong napayakap sa bungangera kong Tyahin. Nagtitili namang sumali samin si Edmond.

The Billionaire's Squatter GirlMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon