SANDY'S POV:
" Saaaaaaaaaaaandeeeeeeee! "
Na alimpongatan ako dahil sa ingay sa baba,hindi ko masyadong maintindihan kong ako ba ang tinatawag o hindi,antok na antok pa kasi ako.
Ipinikit ko ulit ang mga mata ko ng hindi ko na marinig ang ingay.Papasok na sana ulit ako sa mundo ng mga panaginip ng biglang.
" Saaaaaaaaaaaaaandeeeeeeee! "
Agad akong napabalikwas ng bangon sabay hawi ng mga paa ni Edmond na nakatanday sakin.
At wala sa sariling bumaba ng hagdan,kamuntikan pa kong madapa,at dali daling nag punta sa kusina,alertong alerto nako ngayon boses kasi ni Tyang yung bumolabog sa buong bahay namin,siguradong sigurado ako bwesit na bwesit na naman yun.
Sino ba naman kasing walang utak ang bumwesit kay Tyang! Nadamay pa tuloy ako!
Hindi nako nag abala pang magsuklay,mag hilamos,magmomog o ano pang kaartehan yan,basta mapuntahan ko lang ang Tyahin kong sigurado akong nagmumura na....
" Ano yun Tyang? "
Sigaw ko mula sa pintuan ng kusina,medyo malabo pa yung mga mata ko,malamang dahil hindi ko pa nabibingwit ang mga bituin sa mga mata ko,kaya agad kong kinusot kusot ang mga mata ko.
" Kanina pa kita tintawag ah! Atsaka ba't ganyan ang itsura mo?! May bisita ka mahiya ka naman! "
Nilapitan ako nito tsaka kinutusan,pero agad akong umiwas.
" Tyang naman eh! Yan lang ba ang dahilan kung bakit mo pinotakte ang pag tul- - - - - "
" Dan daw yung pangalan. "
Putol ni Tyang ang sakin.
" Wala naman akong kilalang Da- - - - - "
Napahinto ako bigla at napanganga sabay hawi kay Tyang sa harap ko.
At ayun tumambad nga ang gwapong mukha ni DalanDan,naka upo ito sa upuan naming wala ng sandalan habang may kape sa harap nito.
" Ser Bossing! Anong ginagawa niyo dito?! "
Naguguluhan kong tanong,lalapitan ko na sana siya dahil parang nahipnotismo ako sa kagwapohan niya,pero charing lang syempre,lalapitan ko talaga siya dahil isa akong dakilang malandi! Nyahahahahahahaha! Joke lang!
Bago pako makalapit sa DalanDan ko ng bigla akong hilahin ni Tyang pabalik gamit ang buhok ko.
Bastosan lang eh!
" Aray ko Tyaaaaaaang! "
Sabay kamot sa ulo,bastos talaga tong si Tyang kahit kailan,nakakahiya tuloy sa DalanDan ko,kailangan ba talagang gawin yun?! Kailangan ba talagang may ganun?! Kainis eh! Kitang nag papacute pako!
Sa gilid ng mga mata ko nakita kong nag pipigil lang ng tawa si DalanDan,subukan niya lang talagang tumawa,papakasalan ko talaga siya at bubuntisin! Jooooooke!
" Bago ka lumapit sa Boss mo,ayusin mo muna yang itsura moh! Mahiya ka naman! "
Gigil na gigil nitong bulong sakin.
Wala akong ibang nagawa kundi ang sundin ang sinabi ni Tyang,nakakahiya nga naman sa pyuture hasband ko! Mukha kasi itong bagong paligo samantalang ako kakabangon ko palang,nangangamoy pa nga siguro akong banig eh!
![](https://img.wattpad.com/cover/166090002-288-k588996.jpg)
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Squatter Girl
RomanceDonovan Ash Chaidovsky De Roux, he got billions in his account, owned countless companies and had the looks to die for. Everyone wants to have a life like he had. Others wants to be his friend but half of the population hates his guts because Mr...