SANDY'S POV:
Nanlaki ang mga mata ko ng mapag tanto ang kondisyon ng walang awa at walang konsenyang bilyonaryo.
" Ipapain mo ako sa kung sino man yang may galit sayo?! "
Nahihintakutan kong tanong,akala ko babawiin niya yung sinabi niya tapos sasabihing joke lang,pero hindi eh! Tumango lang siya na para bang wala lang! Amputik! Di manlang nakonsensya!
" Nababaliw ka na talaga! "
Buong lakas kong sigaw,sabay tadyak na naman sa lamesa niya,ewan ko kung ano na itsura ko malamang lukot na lukot na kagaya ng papel!
" Kung ipagpapatuloy mo yang pag tadyak diyan sa lamesa ko malamang hindi na yan aabutin ng bukas. "
Pa sarkastiko nitong sabi sakin,at talaga namang ang sa lamesa lang siya naawa?!
" Wala akong paki alam!! Bakit kailangan mo pa ng body guard?! Hindi mo ba kayang bantayan ang sarili mo?! Atsaka babae ako noh! Mahiya ka naman! "
Bumalasik ang itsura nito,akala niya naman matatakot ako,eh ganyan palagi ang mukha niya pag nakikita ako,pero mas nag mukha pa siyang halimaw ngayon,malamang na insulto yan sa sinabi ko,para ko na rin kasing sinabing duwag siya.
" Dahil napaka talino mo ipapaliwanag ko at para sabihin ko sa kaya kong bantayan ang sarili ko at kaya kung makipag laban sa kahit na sino,pero kinakailangan ko ng makakasama kapag pupunta ako sa ibang lugar o may mga meetings ako sa ibang company,at oo alam kong babae ka pero kaya mong magbogbog ng mga lalaki ng walang kahirap hirap,kaya nga naisip kong pwde kitang gawing body guard dahil kaya mong makipag laban. "
Sa totoo lang yun na siguro ang pinaka mataas na sinabi niya sakin,yun nga lang para siyang papatay ng tao habang nagsasalita.
Lukot na lukot parin ang mukha ko hindi dahil sa wala akong maintindihan pero para kasing sinabi niya narin na tomboy ako! Sa gandang toh? TOMBOY?!
" Sinasabi mo bang tomboy ako? "
Nagsalubong na naman ang mga kilay nito,na tila ba hindi maka paniwala sa sinagot ko.
" Sa haba haba ng sinabi ko yun lang ang isasagot mo?! "
Hindi nako umimik pa dahil napa isip nako sa sinabi ni Bonux.
Kung papayag ako sa kondisyon niya,hindi niya na kami guguluhin at hindi na kami mawawalan ng tirahan,at kung mag iinarte naman ako tiyak na ipapatapon kami agad ng bilyonaryong toh paalis sa lupa niya edi san na kami pupulutin nina Edmond at Tyang kapag nag kataon!!!
Ok narin siguro toh,hindi naman toh ang unang beses na mapapalaban ako...
Pero TEKA LANG! May nakalimutan ata ang bilyonaryong toh!
" Hoy! Teka lang- - - - - "
Hindi na natapos ang sasabihin ko ng bigla itong sumabat...
" Alam ko na yang iniisip mo,at oo may sweldo,hindi naman ako ganun kasama atsaka may day off karin tuwing linggo,ayan may angal ka pa ba? "
Sabay irap sakin,nginisihan ko lang naman siya,may puso rin naman pala tong animal na toh,akala kasamaan na lang ang kayang gawin ng bilyonaryong toh.
" Mabuti,mag kakasundo tayo diyan! "
Nakangisi kong sabi,aapir na sana ako ng maalala kong hindi nga pala kami prends!
" So we're done here and you - - - - - "
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Squatter Girl
RomanceDonovan Ash Chaidovsky De Roux, he got billions in his account, owned countless companies and had the looks to die for. Everyone wants to have a life like he had. Others wants to be his friend but half of the population hates his guts because Mr...