Chapter 57:

160 8 1
                                    

SOMEONE'S POV:

" Miss Sandy harap dito. "

Padabog na humarap si Sandy sa camera at matalim na tiningnan iyon.

Nagdadabog na siya dahil kanina pa panay ang pose niya at ngawit na ngawit na ang mga binti niya.

Napatigil siya at nanlaki ang mga mata ng marinig niya ang pagkalam ng sikmura niya. Napagtanto niyang hindi pa pala siya kumakain ng tanghalian, mas lalo siyang nagngitngit ng maalala niyang pina-asa lang pala siya ng amo niyang lilibrehan siya ng pagkain.

Nanghinayang siya at naisip na sana ay sumama na lang siya kay Valerie, edi sana hindi siya nalipasan ng gutom ngayon. Kasalanan talaga ng barat na bilyonaryong yun ang nangyayari sa kanya ngayon!

" Bonux! humanda ka sa'king hayop ka! "

Nanggigil na sigaw ni Sandy.

Napangiwi lahat ng taong nasa paligid niya sa sigaw niyang yun.
Ilang shots pa ang kinuha ng photographer kay Sandy, sa tuwing titingin ito sa kuha nito'y parang hindi ito mapakali, hindi ito satisfied sa mga pictures, the angles of the pictures are right and perfect the only thing that was ruining it was the frowning face of Sandy na para bang papatay ng tao. Napalunok ang kawawang photographer, nagdadalawang isip kung pagsasabihan ba niya si Sandy o hindi na lang, pero agad rin namang napagtanto nitong mas mabuti pang katayin na lang siya ni Sandy kesa harapin ang hagupit ni Donovan na siyang nagpapasweldo sa kanya.

" Miss Sandy, wag po kayong masyadong sumimangot. "

Buong lakas loob na sita ng photographer kay Sandy. Napa-atras ito ng panlisikan ito ng mata ng gutom na gutom ng Sandy.

" Anong gusto mong Gawin ko?! ngumiti?! "

Tiim bagang na singhal ni Sandy.

" Ano lang po Miss Sandy, wag niyo lang pong isalubong ang kilay niyo. "

Mahinahong sabi ng photographer. Napabuntong hininga na lamang si Sandy, kung gusto niyang makakain, kailangan niyang sundin ang gusto ng photographer ng matapos na ang pasakit na pinagdada-anan niya at ng mabog-bog niya na ang walangyang bilyonaryong kinalimutan ang tanghalian niya.

Sandy's frown melted, she's determine to finish the blasted photoshoot, halos lumuwa na kasi ang mata niya sa sobrang gutom, talagang malalagot ang amo niya pag-natapos na siya sa trabaho niya.

10mins. Later.

" Ok na miss Sandy tapos na. "

Napahinga nag maluwag si Sandy at nanghihinang umalis sa harap ng photographer. Walang kagana gana siyang naglakad palayo sa venue ng photoshoot at babalik na siya sa tent para magbihis.

Uhaw na uhaw na siya at gutom na gutom na rin, parang sa estado niya ngayon daig niya pa nagtatrabaho sa construction sites. Wala pa naman si Dabid para mahingan niya ng kahit na tubig man lang bumalik kasi ito sa opisina, may iniutos daw kasi ang bilyonaryo sa kanya.

Ng marating ni Sandy ang tent, wala siyang kagana ganang pumasok sa loob.

" Oh nanghihina ka ata diyan? Para kang lantang gulay? "

Nanlaki ang mga mata ni Sandy ng marinig ang pamilyar at nakakabanas na tinig ng lalaking nang-indian sa kanya ng pananghalian.

" BONUX! PAPATAYIN KITAAAAAAA! "

Silang dalawa lang ang nasa tent at walang makakapigil kay Sandy na bogbogin ang amo.

Sasakalin niya na sana si Donovan ng biglang may inibalandra ito sa pagmumukha niya. Napatigil siya at sinipat ang paper bag.

The Billionaire's Squatter GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon