Chapter 3:

1K 23 1
                                    


Sandy's Pov:

" Magandang umaga sa tyahin kong pagkaganda ganda! nga naman talaga! (Irap) ito na ang inyong butihing pamangkin para pumalit sa inyong trono! "

Pambebwisit ko sa tyahin kong naka kunot noo na naman.

" Ikaw ha! bakit ngayon ka lang! Kanina pako hintay ng hintay dito!! Tinubuan nako ng ugat at lahat lahat! Hindi ka parin dumadating! "

Sabay hampas ng talong sa braso ko, hay ang tyahin ko talaga pati dito sa palengke binubunganga-an niya ko!!

" Sorry na po! ka- - - - "

Natigil ako sa pag lilitanya ng may nag salita.

" Ah, miss magkano tong talong niyo?? "

Agad na napalitan ng matamis na ngiti ang kaninang lukot na lukot kong mukha, plastikan lang mga chong!

" Ay naku ate! murang mura lang yan! 40 pesos lang ang kilo! kaya bili na! "

Sabay kuha ng plastic na paglalagyan sa mga pinili ni ate, ngiting ngiti pako dahil magkaka-pera nako, ng bigla na lamang mag salita nag unggoy kong karibal na si Mirasol, parang nang hilamos ng chlorine sa sobrang puti ng mukha habang yung leeg ang itim itim! Anchaka talaga mga besssss!

" Naku te! Wag dyan di na yan mga fresh! tapos ang mahal mahal pa! "

Aba! hipokrita din itong bobitang toh!may pa Presh presh pang nalalaman! Ipakain ko sa kanya yung timbangan nila eh!

" Aba pasintabi lang sa pagmumukha mong parang patatas! Mirasol! wag mong ma lait lait itong mga paninda ko! Baka gusto mong itimbang ko yang mga ngipin mong sinlaki ng mga sayoteng paninda mo! "

Tinaasan ko siya ng kilay sabay ngisi, habang siya ay hawak hawak yung mga ngipin niya na halos lumuwa na sa bunganga niya.

" Ab- - - - - "

" Oppsss! "

Pagpapatahimik ko sa tyanak na nasa gilid ko, sabay baling sa ale na kanina pa nakatunganga saming dalawa.

" Naku ate!wag kang padadala sa mga salita ng impaktang yan! At alam kong takot na takot na kayo, kaya eto napo ang talong niyo! at umuwi napo kayo baka malason kayo sa baho ng hininga ni Mirasol na humalo na sa hangin, nagbubuga pa naman yan ng nakakamatay na hangin, kaya gora na kayo! "

Pananakot sa ale na tumalab naman dahil dali dali niyang hinablot ang plastik ng talong, hindi pa man na kakaisang hakbang yung ale bigla ko siyang pinigilan.

" Teka! teka! lang ate! yung bayad niyo muna! bago kayo tumakas! "

Dali daling nag abot ng bayad sia ate, bago umalis ay tiningnan niya muna si Mirasol na para bang naka kita ng impacto, wahahahahah!

Pagka alis nung ale ay agad Kong binalingan Ng tingin Ang babaeng nakikipagkompetensya sa alindog ko kahit na sobrang halata namang Wala siyang binatbatat.

The Billionaire's Squatter GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon