Chapter 9:

704 19 1
                                    

Sandy's Pov:

Kasalukuyan kong penepeste si Tyang na bumili ng shampoo,ang barat kasi ni limang piso ayaw akong bigyan!! nasan na hustisya!!

" Tyaaaaaaang!! penge nga ako ng limang piso!!! "

Sul sol ko na naman kay Tyang,para kasing hindi ako naririnig!! Inaatake na naman ng sakit niyang bingi bingihan,mas lalo lang nabingi si Tyang ng marinig niyang manghihingi na naman ako ng pera!! Kainis lang eh!! kating kati nakong maligo!!

Mukhang naalibadbaran na sakin si Tyang kaya sinagot niya narin ako sa wakas..

" Aba Sandy! Tigil tigilan mo ko sa kakahot hut mo ng pera ah!! akala mo naman tumatae ako ng pera kung makahingi ka!! "

Inerapan ko si Tyang..

" Kung maka reklamo ka naman Tyang!! limang piso lang yung hinihingi ko!! pambili ng shampoo!! "

Gulat na gulat ako ng bigla na lamang akong kutusan ni Tyang,nagulat ako kasi sa tuwing kukutusin ako ni Tyang eh naiiwasan ko! Pero ngayon himala dahil sapol na sapol ang kutos ni Tyang sa ulo ko...

" Aray!! ko naman Tyang!! nabiyak ata yung ulo ko!! "

Tinodo ko ang pag busangot kay Tyang,at alam kong lukot na lukot na ngayon ang mukha ko..

" Aba Sandy!! Marami ng mabibili sa limang piso kaya tama lang na mag reklamo ako!! "

" Hindi ko naman ibibili ng chubby yung limang piso!! SHAMPOO ang bibilhin ko Tyang!! maawa ka naman sakin! "

Papadyak padyak kong sagot,kakatapos lang naming mag agahan at eto ako kating kati ng maligo...

Bumontong hininga ito,akala ko dudukot na si Tyang sa bulsa niya pero biglang...

" Mangutang ka muna don kina Tina,wala pa akong pera.. "

Mas lalo akong napasimangot,akala niya maniniwala ako sa palusot niyang panis na!!! pwes hindi!!

" Alam kong may pera kayo Tyang dahil nanalo kayo sa tonghits kagabi... "

Kampante kong sabi sa kanya sabay ngisi,oo nagtotonghits Tyahin ko, pinapabayaan na lang namin kasi yun lang naman libangan niya tsaka hindi naman araw araw naglalaro si Tyang tuwing may gana lang siya.

Napa nganga si Tyang sa sinabi ko,nyahahahaha!! na huli kooo!!

" Ba't mo nalaman at sigurado ka ba?? "

Naka taas ang kilay nitong sabi sakin pero bakas ang kaba sa boses ni Tyang,walangya takot talagang mabawasan ang pera niya..

" Siguradong sigurado ako Tyang dahil kumanta kanta ka pa nga kagabi sa saya habang binibilang mo yung pera mo,kaya kung ako sayo Tyang ilabas mo na yan ng mawala nako sa paningin mo.... "

Nginitian ko ng nakakaloko si Tyang,pero sinimangotan lang ako nito tsaka nag pameywang..

" Ano naman kong nanalo ako aber?? At para sabihin ko sayo na ubos na yung pera ko dahil pinambayad ko na dun sa salon dahil mag papa ayos na naman ako ng buhok ko mmamaya!! "

Mataray na palusot ni Tyang,at syempre dahil sa may lahi akong palaban na katulad ni Mike Enriquez,hindi ko talaga tatan tanan si Tyang hangga't hindi niya ko binibigyan ng pera...

" Teka lang Tyang!! May pam pa ayos kayo ng buhok pero wala kayong shampoo!! hindi naman ata yun pwede!! "

Sarcastico kong banat ni Tyang na siyang ikinairap nito..

The Billionaire's Squatter GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon